SB:48☆ Betrayed

1.2K 75 28
                                    

Taeyeon's POV

3 months later.

Napasigh nalang ako habang pinapanood si Baekhyun mag empake nang mga bagahe niya, Kaylangan niya kasing mag out of town for three weeks dahil sa Chinese business partner nang kompanya namin.

Ako panga ang gustong representative nang team dahil COO naman daw ako, pero mahigpit na tumanggi si Baekhyun.

Umupo ako sa kama habang hawak ang tiyan ko. Madali na akong mapagod at nangangalay, Pero hindi ko na iniinda ang mga 'yon, naka ready narin ang magiging room nang baby namin.

Tinulungan konaman siyang mag ayos nang mga gamit niya, Para mabilis siyang matapos, nang maayos na lahat nang luggage niya ay ibinaba niya sa sahig yung mga gamit niya at pinalapit ako sakanya. Hinimas niya ang tiyan ko.

"Baby please, Don't give your Mummy a hard time whil I'm away, be a good baby." pangaral niya. Ayoko rin siyang paalisin kaso Importante talaga.

He caressed my shoulders and kissed my forhead. "Im gonna miss you." He smiled. "Yeah, I'm gonna miss you too, Love." Yumuko naman siya para halikan ang tiyan ko.

"Nakausap kona si Mommy, habang wala ako. Dun ka muna sa bahay ha, Hera will accompany you." Tumango ako, Gladly okay na ang lahat at talagang excited na sila Tita Hyunji sa paglabas nang baby.

Kumunot ang noo ko nang bigla akong makarinig nang doorbell, wala naman kaming expected visitor ni Baekhyun ngayong araw.

Ako nalang ang tumayo para pagbuksan kung sino man 'yon, nashock ako nang si Sulli ang bumungad saakin, Umiiyak siya. sandali akong napahinto at napatitig sa tiyan niya, buntis siya? sa palagay ko ay nasa 4 months na ang tiyan niya.

"Wait, what are you doing here?" kunot noong tanong ko. "Baekhyun, damn it! Panagutan mo ako!" mas nabigla ako dahil sa sigaw niya, bigla namang lumabas si Baekhyun sa kwarto at inakbayan ako.

"Sulli get out! wala akong dapat panagutan sayo!" Ano bang pinag uusapan nila? Napabuga ako nang malakas na hangin.

"Don't fucking lie! Nabuntis mo ako kaya panagutan mo ang batang 'to!" sigaw niya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa ulo, nanigas ang katawan ko sa narinig.

Mahina kong naitulak si Baekhyun, para akong hinuhugutan nang lakas.

"Hindi akin ang batang 'yan, Sino bang niloloko mo?!" Inis na singhal ni Baekhyun sakaniya. Nakita ko ang mas pag iyak ni Sulli habang nakahawak sa tiyan niya.

"Umamin kanalang kay Taeyeon! hindi ko ginagawa to para sirain kayo, Baekhyun please! Kaylangan mong panagutan ang batang 'to!" Nagakatinginan kami ni Sulli, Namumugto ang mga mata niya at mukhang wala pa siyang tulog, parang sinasaksak ang puso ko nang paulit ulit.

Sinubukan akong hawakan ni Baekhyun pero tinabig ko ang kamay niya. "H-hwag mo kong hawakan!" Bulalas ko.

"Hindi ako ang ama nang batang 'iyan Sulli, Walang nangyari saatin!" Sigaw ni Baekhyun pabalik. Hindi kona napigilan ang sarili ko at sinampal siya.

"Damn! Umamin kana!" Niyukom ko ang mga palad ko. hinawakan niya ang parehong balikat ko. "Taeyeon makinig ka! Hindi totoo ang sinasabi niya," huminga ako nang malalim at nilingon si Sulli.

"Baekhyun! Maawa ka kay Taeyeon. Tama na, Nasasaktan kaming pareho!" sigaw ni Sulli. Ngumisi naman si Baekhyun.

"Tangina naman! Stop framing me!" Singhal niya.

Gulong gulo na ang isip ko, hindi ko na alam.

"Stop! hindi ako tanga para paniwalaan kapa!" Sinampal ko ulit siya, gusto ko siyang saktan nang paulit ulit, Kulang payon sa nararamdaman ko ngayon.

Ramdam na ramdam ko ang sunod sunod na pagtulo nang mga luha ko, Ramdam na ramdam ko ang galit ko.

Galit na galit ako sakanilang dalawa. Napahawak ako sa tiyan ko, bigla kasing sumila ang Baby ko.

"Sulli umalis kana! ilang beses kobang sasabihin sayo na hindi ko pananagutan ang batang yan dahil di akin yan?!" hindi kona kinakaya ang mga nangyayari, marahas kong tinulak si Baekhyun, Binangga ko si Sulli at dire diretsong lumabas nang condo.

Kaya pala laging nakahawak si Baekhyun sa cellphone niya at parang busy na busy pa siya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Baekhyun sa braso ko. "Taeyeon," nag aalalang tanong niya. "Pakinggan moko." pakiusap niya, huminga ako nang malalim at bumitaw sa hawak niya.

"Tama na Baekhyun, Balikan mo siya." Nakapikit na saad ko habang nakahawak sa tyan ko. "At please, Umamin kana! Kitang kita kona yung ibidensya, Fuck. Hindi ako makapaniwala na nagawa moto sakin, Baekhyun! saan ba ako nagkulang?!" Sigaw ko at paulit ulit na pinagsusuntok ang dibdib niya.

"Taeyeon, No! walang nangyari saamin! Wala, Hindi akin ang batang yun!" Pag eexplain niya, natawa naman ako nang mahina at sinampal siya ulit, paulit ulit.

"Baekhyun, Hindi mo natatandaan dahil lasing ka 'nun! Pero nagsasabi ako nang totoo, I won't be this desperate kung nagsisinungaling ako, Lalo na't buntis din si Taeyeon!" Napasabunot si Baekhyun sa buhok niya.

"Ang tagal na nung huli akong uminom, That was when Taeyeon announced her pregnancy!" Niyukom ko ang mga palad ko.

"Walanghiya ka! Stop denying things! sana pala hiniwalayan nakita noon pa, Punyeta Baekhyun. Ang sakit, ang sakit sakit. Ayoko na ibigay ka sakaniya pero kaylangan mo siyang panagutan!" Ibinato ko sakaniya ang singsing na nakasuot sa daliri ko at tuluyan nang lumabas nang building na'yon, hindi kona kayang makipag usap pa sakaniya, Ayoko siyang makita.

Naalala kolang lahat nang sinabi ni Sulli kanina.

Kumikirot ang puso ko, Hindi ko inakalang nagawa niya talaga ang bagay na'yon sakin, Pilit kong iniisip kung saan ako nag kulang at bakit nangyari ang lahat nang to.

Napaupo ako sa couch sa lobby, hawak hawak ang tiyan ko. "Baby, Daddy betrayed me. He betrayed us." Nakayukom lang ang mga palad ko. Gusto kong umiyak at sugurin si Sulli, gusto ko siyang sisihin.

Sirang sira na ang pangarap na binuo ko kasama siya. Sana pala hindi nalang ako lumaban, sana hinayaan konalang si Daddy na maging masaya.

Pakiramdam ko tuloy, ang tanga ko. Ang tanga tanga ko at naniwala ako sa mga salita niya.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaharurot. I guess going somewhere only I knows will help me ease the pain.

+++++++++

A//N: Hi, anuena?! HAHAHHAHAHAHA keme.

Saranghae, BAEKHYUN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon