SB:46☆ Fixed¿

980 66 24
                                    

Taeyeon's POV

"Kim Taeyeon." bungad niya, nagsigh naman ako bago sumagot.

"Why?" narinig ko ang sandaling katahimikan bago siya nag salita.

"Let's meet now..." Sandali akong napahinto, Kinabahan ako at napahawak sa tiyan ko nang mahigpit. "It's not what you think, Just please meet me near Baekhyun's office, Bultaorune Cafe, I'll hang up." Mahinahong saad niya bago ibinaba ang phone.

Napasigh ako at napaisip kung pupunta ba ako o hindi, Napakagat ako sa ibabang labi ko at kinuha ang sling bag ko, wala naman sigurong masama kung makikipag meet ako sakanya diba?

Kapag nalaman ni Baekhyun ang gagawin ko, Siguradong papagalitan niya ako.

Dadaan nalang siguro ako sa office niya pagkatapos, total malapit lang naman ang bultaorune cafe sa Office niya.

"Sehun, can you drive me to Seongbuk-gu street?" Tumango tango naman ito, nag paalam na kami sa girls, natawa ako dahil todo alalay si Sehun saakin. "Kaya ko naman Sehun." Napakamot naman siya sa batok niya.

"Sorry noona, Lagot ako kay Hyung kapag may nangyaring masama sa'yo at sa baby." tinanguan konalang siya, Mabilis lang rin ang byahe dahil nasa Apgujeong lang ako, pwede namanf lakarin, ayoko lang talagang maglakad dahil sumasakit ang legs at likod ko.

"See you later noona!" Wave niya saakin pagkababa ko nang sasakyan, Huminga ako nang malalim at napahawak sa tiyan ko, Bigla kasing humilab ang tiyan ko. I caressed it carefully. "Shussh, I'll never allow her to harm you baby." Bulong ko.

Pumasok na ako at nakita konaman agad si Tita Hyunji, napatayo ito mula sa pagkakaupo at pinasadahan ako nang tingin, huminto ang tingin niya sa four month old kong tyan.

Dahan dahan siyang lumapit saakin, akmang hahawakan niya ang tiyan ko nang umiwas ako.

"T-taeyeon." banggit niya sa pangalan ko. "Let's sit first." suggest ko at inunahan na siyang umupo, bukod sa naiilang ako dahil sa inakto niya nung nakaraan, nangangalay rin ako.

Umorder narin ako dahil nakakita ako nang strawberry shake at chocolate pie. Nag order narin ako nang Strawberry frappe at shortcake para madala ko kay Baekhyun mamaya.

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table. "Taeyeon, sorry." kumunot ang noo ko, seryoso kasi ang mukha niya.

"I never knew i could be this happy seeing your stomach." napaawang ang labi ko, anong ibig sabihin niya? "Taeyeon, Sorry for making fuss like that. I didn't mean to scare you like that, i was too eaten by my own thoughts, Mahal na mahal ko ang Daddy mo kaya ko nasabi ang mga bagay na'yon." She paused for a bit, her face softens as she caress my fingers.

"But, i didn't mean all of those lalo na ang pagpapalaglag nang sarili kong apo, I was overjoyed when i saw your stomach just few minutes ago, Sorry for being selfish, Sana mapatawad mo ako Taeyeon." Napapikit ako nang mariin, contemplating kung sincere ba siya o hindi, pero mukhang sincere naman siya.

"Please, anak patawarin mo ako. Patawarin niyo ako ni Baekhyun dahil sa mga nasabi at nabitawan kong hindi maganda sainyo at sa magiging apo ko." Nagsigh ako.

"I-is this for real...?" Mahina naman siyang tumango, tears streaming down on her cheeks. "Taeyeon, Please." napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Napag usapan na namin nang Daddy mo na huwag nalang ituloy ang kasal namin, Para sainyo ni Baekhyun. Hindi man ngayon, pero sana mapatawad nyo kami nang Daddy mo, I need to go now. I have a meeting in 20 minutes, Thankyou for sparing your time with me." matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya, sakto namang dumating ang mga orders ko.

Napatitig ako sandali sa plato ko. Totoo ba? totoo ba lahat nang nangyari kanina? Hindi ba ako nananaginip? Para akong nabunutan nang tinik sa dibdib.

Ramdam ko naman ang sincerity ni Tita Hyunji kanina.

Parang tanga akong napangiti while caressing my stomach gently. "Baby, we don't have to fear anything now." Bulong ko at nagsimula nang kumain.
Naglakad nalang ako papunta sa building since halos magkatabi lang naman ang cafe at building nila.

His staffs greeted me with worried expressions on their faces but they tried to hide it with their facade smiles.

"S-si Si Sir po nasa taas, Maam Taeyeon." Nanginginig na saad nung nasa front desk, kinabahan ako dahil sa biglang saad ng staff niya sa front desk.

Sumakay na ako nang elevator paakyat, napakunot ako nang noo nang paglabas ko nang elevator ay siyang pagpasok ni Sulli sa loob, hindi ko makita ang mukha niya dahil naka yuko ito, Mukha ngang di niya pa ako napansin.

Anong ginagawa niya dito? Inaagaw nanaman si Baekhyun?

I caressed my stomach, saka pinihit ang sliding door ni Baekhyun papasok, Bakit ba ang gwapo nang nilalang na 'to? gulo-gulo ang buhok niya, pero maayos parin naman ang polong suot niya, Mukha rin siyang stressed, Ni hindi manlang napansin ang pag pasok ko sa office niya, Nakatutok lang kasi siya sa desk niya, at busy sa mga papeles niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, lalo siyang nagiging hot sa paningin ko tuwing naka reading glass siya.

Wala sa sariling napangiti ako at ipinatong sa table niya ang mga hawak ko, hapon narin naman at baka di pa siya kumakain nang snack.

"T-taeyeon." Bakit parang nagulat pa ata siya? I shrugged the thoughts at naglean para halikan siya sa labi. "I missed you, Big Baby. How's work?" Nakita ko ang pagngiti niya, tumayo sa at lumapit saakin, hinapit niya ang bewang ko. "I can't even hug you so much closer now, Our baby is getting bigger and bigger." Nakapout na saad niya.

Pinitik ko ang nguso niya. "Kumain ka muna, I'm sure nagugutom kana." Nagsigh naman siya.

"Yeoni, may tiwala kanaman sakin di'ba?" Tanong niya, Tumango naman ako. "Oo naman, bakit? Anong kalokohan nanaman ang nagawa mo?" natawa siya nang mahina at nag sip sa strawberry frappe niya.

"Wala, nagtatanong lang e." Nagulat ako nang hubarin niya ang coat na suot niya. Saka niya kinuha ang wallet niya.

"Why don't we go shopping, Love?" Pinalo ko naman siya sa balikat. "Ano kaba, nagtatrabaho kapa!" paalala ko, umiling naman siya at pinress yung maliit na remote niya, bigla namang pumasok si Suzy sa sa loob. "Oh-- Miss Taeyeon!" Bakit ba ang weweird nang tinatapong tingin saakin nang mga staff niya?

"Attend all my meetings today, Sub for me Suzy, I have something to do." Pagakasabi noon ni Baekhyun ay inabot niya kay Suzy yoong ilang folders at ang tablet niya.

Tumango naman si Suzy. "Yes, Sir." Hinatak na ako ni Baekhyun palabas, Pinagtitinginan pa kami nang mga staffs niya.

"You half ass CEO." ngumisi naman siya at tinapunan ako nang tingin.

"So much for an inactive pregnant COO." Inirapan konalang siya, kasalanan kobang buntis ako?

+++++++++



A//N: Reactions please 💗💗💗💗💗
awww, few more chapters and ciao. 😂😂😂

Thankyou guys so much for supporting me, lovelots!

Saranghae, BAEKHYUN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon