SB:28☆ Busy Bee

1.3K 75 18
                                    

Taeyeon's POV

Nag-inat ako at saka umayos nang posisyon, magdadalawang oras narin kasi akong nakaupo at nakaharap sa laptop ko, sa loob nang faculty nang BLU.

Dahil ako ang student council President, ako ang naatasang mag finalize nang honors at attendance nang mga Senior students dito sa school, ako rin ang pinag aayos nang mga files nila, making sure na walang mali sa mga documents nila para hindi magkaroon nang problema sa Job Hunting after graduation.

"Taeyeon,kumain ka muna." Napalingon ako at nakita si Jessica, Umiling ako nang mahina at ibinalik ang tingin ko sa laptop screen, kaylangan konang tapusin 'to dahil graduation na namin sa friday, i don't have ample time to waste it. "Are you sure?" Tanong niya ulit, tango lang ang sinagot ko at bumalik na sa ginagawa ko.

I must fulfill my duties. If not, buong BLU ang magsusuffer dahil sa technical problems at file misleadings kung hindi ko seseryosohin ang ginagawa ko.

I want to do my very best for the last time, sa sobrang bilis nang panahon hindi ko manlang namalayan na patapos na ang taon ko bilang Senior student at Student body president nang BLU.

Narinig ko ang pagpihit nang doorknob at iniluwa noon si Seohyun,ang student secretary ng BLU.

May hawak siyang paper bag,lumapit ito saakin at iniabot yun. "Unnie, may nagpapabigay. Iabot ko daw sayo." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, pero tinanggap ko parin naman yung paper bag, matapos nun ay lumabas na siya dahil busy rin siya.

lalong kumunot ang noo ko dahil sa nakuha kong color purple na rose, which is very odd dahil hindi talaga siya nag e-exist. I sniffed onto it and i smiled unknowingly.

That familliar scent is his cologne.

Kinuha ko yoong lunchbox at binasa 'yung sticky note na nakadikit doon.

'Sorry if the taste will not satisfy you, but i tried my best to cook some meal for you because i know you are too busy that you skipped breakfast, Take a break and eat. This is the least that i can do since i can't enter BLU Student's faculty. I love you!

xx,
Bbh

Umiling ako nang mahina at natawa dahil sa kakornihan niya. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at kinain yung Niluto niya, Kimchi fried stew.

Matapos kong kumain ay tumayo na ako at inayos ang uniform ko, pupunta muna ako sa cafeteria dahil nauuhaw na ako at kaylangan kong uminom nang tubig, ibabalik 'ko rin 'tong lunch box kay Baekhyun.

Kinuha ko ang purse ko at lumabas na, agad tumaas ang kilay ko nang may mapansin akong pamilyar na pigura, kinukulot niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya at nakasandal siya sa isa sa mga lockers.

lalagpasan kona sana siya nang bigla niya akong harangin. "You lost the game, Miss President." Napairap ako at binigyan siya nang makahulugang tingin at ngisi.

"You thought? there are things better untold and never revealed." Matapos kong sabihin iyon ay nilagpasan kona si Jia, I don't know what's wrong with her that she keeps on interefering with Baekhyun and I's personal life.

Tahimik akong pumasok nang cafeteria, avoiding those weird gazes. Walang masyadong pila dahil di panaman Breaktime, oorder na sana ako nang drinks nang may biglang magpatong nang iced amerikano sa counter, which means sa harap ko. Nilingon ko kung sino yoon at nakita kong si Baekhyun na nakangiting iniinom yung strawberry shake niya.

Mahina ko siyang kinurot sa pisngi at saka niyaya siyang umupo sa isa sa mga lamesa doon. "How's your day?" bungad na tanong niya, nag sigh naman ako. "I'll be quick, marami pa akong tatapusin eh." nagpout naman siya at inayos ang buhok ko, hindi ko na kasi ininda pa ang pagsusuklay dahil sa kumpol nang mga papeles na kaylangan kong pirmahan at tapusin.

"Ikaw, kamusta?" nakakunot noong tanong ko. Sumimangot naman siya at huminga nang malalim. "Dinala ko si Sulli sa infirmary, she's sick." napakagat ako sa loob nang labi ko nang marinig ko ang pangalan niya, sana nga. Sana hindi totoo ang mga assumptions nila. "Tara, samahan mo nalang ako."

Hinatak ko siya papasok sa student's office, since authorized naman ako ay responsibility ko siya. Umupo na ako at nagsimulang mag buklat nang files para ayusin.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang kamay ni Baekhyun na nakapatong sa lamesa, namumula ito at mukhang napaso. Kinuha ko 'yun at sinuri. "Baekhyun, what happened?" Hinaplos ko yun nang dahan dahan. "Wala lang 'yan." Pilit niyang binabawi 'yung kamay niya pero hinatak ko yun pabalik sakin. Napailing ako at napangiti nang maalala ko na pinagluto niya ako nang lunch.

Kinuha ko yung ointment sa loob nang bag ko at pinahid yon sa kamay niya while massaging it. "Don't cook again." Mahinang bulong ko. "Why, does it taste bad? Or perhaps, it's not edible enough for you?" Natawa ako dahil sa sunod-sunod na tanong niya.

"No, i just don't like it when you're recieving pain." Nagpout naman siya. Buti nalang at may extra bandage sa loob nang cabinet, kinuha ko yoon at iniayos sa kamay niya.

Baekhyun's POV

Matapos naming mag usap ni Taeyeon, Lumabas na ako at napatingin sa kamay ko.

Hindi ko alam kung hinihintay lang niyang banggitin ko na birthday niya na bukas, o sadyang nakalimutan lang niya dahil sa sobrang busy niya.

Napangiti ako sa sarili ko at dumiretso sa Gymnasium kung saan nakatambay sila Sehun.

"Ready 'naba lahat?" Kunot-noong tanong ko, umiling naman sila saka ko inilibot ang paningin ko. Busy pa sila Suho na nag pump nang balloons at may iba't iba silang ginagawa.

I plan on surprising her, and to properly ask her about our relationship, i also plan on settling things with her, sana lang umayon lahat sa plano ko.

Si Jessica at Taeyeon lang ata ang hindi namin kasama. The rest, ay kasama namin dito sa loob nang gymnasium, yung girls busy sa lahat nang decorating at motifs, habang yung boys naman busy na tinutulungan yung girls.

"Guys, thankyou so much." Pagkasabi ko 'non ay tinulungan ko yung mga crew na ipasok lahat nang pagkain na inorder ko para sakanila, agad naman nilang sinunggaban yoong mga pagkain, kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang titig saakin nila Kai. "Baekhyun, may bayad 'to." Nakangising saad ni Xiumin hyung, natawa ako nang mahina at itinaas sa ere ang parehong kamay ko na para bang sumusuko na ako.

"Alam ko, just wait." Pinilit kasi nila akong ilakad sila sa mga kaybigan ni Taeyeon, kapalit 'nun ay ang pagtulong nila saakin na iarrange ang surprise ko para kay Taeyeon bukas.

------------

Annyeong✨❤ Votes and Comments💖🌸

Saranghae, BAEKHYUN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon