SB:47☆ Unread Messages

1.1K 70 14
                                    

Baekhyun's POV

Napa facepalm ako kay Taeyeon, bago daw magshopping, gusto niya munang mag grocery nang snacks niya dahil lagi daw nagugutom ang baby namin.

"What the fuck, what are we going to do with a condom?" Tanong ko, paano kasi kung anong mapulot nang kamay niya hinuhulog niya agad sa pushcart. "Duhh, ofcourse we will be needing this." Umiling ako at binalik yon sa pinagkuhanan namin.

"Taeyeon, di natin kaylangan nang floorwax." Kinuha ko sa kamay nya yoong floorwax na dinampot niya at binalik ulit sa kalalagyan.

Napailing ako lalo nang kumuha siya bigla nang tissue at nilagay sa cart. "Yung totoo? ang dami kaya nating ganyan sa bahay?" Nag giggle naman siya, Kumunot ang noo ko, ito nanaman ang moodswings niya!

Kumuha naman siya nang mga Junk foods at pinaglalagay sa Pushcart. "Byun Taeyeon, please." alam ko namang inaasar lang niya ako, Sinimangutan naman niya ako at malakas na tinulak saakin yung cart. "Hmp, edi ikaw nalang mag grocery!" Napabuga ako nang hangin at hinabol siya. "Nagtatampo ka agad, halikana nga." Natatawang saad ko at binuhat siya pasakay nang push cart.

Inis naman niya akong tinignan. "Ano ako? Baby!" inis na saad niya, tumango naman ako. "Oo, Baby ko." natawa ako dahil sa naging reaksyon niya, ang cute cute talaga ni Taeyeon kapag kinikilig siya.

Pinagtitinginan na nga kami nang mga tao eh, wala na akong nagawa kung hindi sundin lahat nang pinapabili niyang pagkain, mahirap na't baka maghanap nanaman siya sa dis oras nang gabi, puyat na puyat na ako.

Pinaupo ko muna siya sa foodcourt nang mall para ilagay lahat nang pinamili namin sa sasakyan. Napailing ako nang mahina nang makita ko ang number ni Suzy na tumatawag saakin.

"Suzy, not now. I'll call you later."

pagka sabi ko nun ay pinuntahan kona si Taeyeon, nakangiti siya habang kumakain nang wasabi icecream, sa dami nang paglilihian niya bakit spicy pa? Baka mamaya maging amazona ang anak namin o di naman kaya rebelde.

I interwined my fingers with her, Ang ganda niya talagang buntis, masyado siyang blooming akala mo walang problema at puro party lang.

Dumiretso kami sa Department store, Gusto konarin kasing mamili nang mga gamit nang Baby, napagkasunduan kasi namin ni Taeyeon na wag nang alamin ang gender nang Baby hanggang sa manganak siya.

I saw her eyes twinkling with excitement nang mapunta kami sa infant section, hindi ko maiwasang hindi mapangiti, Hindi narin ako makapag hintay na maging Daddy na ako.

We searched on both Boy and Girl's clothes, Satisfied na satisfied ang mukha ni Taeyeon, ang dami na naming hawak.

Her face is glowing with happiness, Hinapit ko siya papalapit saakin as i caressed her stomach.

From milk bottles to clothes and cribs. "Baekhyun, I can't wait to see our baby and listen to it's first cry." Hinalikan ko ang noo niya.

"Me too, I can't wait anymore." Binayaran na namin sa counter lahat nang pinamili namin, Nagyaya nadin siyang umuwi dahil nangangalay nadaw siya.

Pagdating namin sa condo, nagshower agad siya, nagpalit nalang muna ako nang damit at tinabihan siya, Nilagyan niya nang headphones ang tummy niya, Healthy daw kasi iyon para sa baby sabi ni Jonghyun.

Natawa ako nang sumiksik si Taeyeon sa kilikili ko, nakikiliti ako. She keeps on nuzzling under it. "Stop, nakikiliti ako." Umiling naman siya.

"Amoy babae ka ata?" tanong niya, nanlaki naman ang mata ko at umiling. "Oh, amoy babae ka!" Sigaw niya at kinurot ang tagiliran ko, napaigtad naman ako dahil sa hapdi.

"Hindi ako amoy babae!" Nagulat ako nang tumawa siya at hinatak ako para yakapin. "Joke lang, alam ko namang loyal ka sakin eh." Tinaas baba niya pa ang kilay niya.

Ininterwine niya ang mga kamay namin.

"Baekhyun, anong gusto mong ipangalan sa Baby natin?" Napatitig naman ako sa tummy niya at napaisip.

"Hyunwoo?" tanong niya, napailing naman ako. "Masyadong common yan, Taeng." Nagpout naman siya. "Yoonhee pag babae." Suggest ko, umiling naman siya.

"Ayoko, gusto ko isunod sa pangalan mo. Baekhee." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Magkahawak ang isa naming kamay at minamassage konaman ang Tummy niya gamit ang kanang kamay ko.

"Why don't we name him Taehyun if it's a boy?" bigla naman nang lit up ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi. "Gusto koyan Hyunie, combination nang pangalan natin." Bibitawan ko sana ang kamay niya dahil naiihi ako, kaso ayaw niyang bitawan.

"Iihi lang ako love, di kita iiwan." Umiling naman siya. "Eh, I want to be with you. Tara, samahan kita." Tinitigan konaman siya. "Seryoso ka?" Tumango naman siya nang parang bata at hinatak ako, Huminga nalang ako nang malalim at hinayaan siya sa trip niya.

Hinintay lang niya ako sa labas, habang magkahawak parin ang kamay namin.

Pagtapos ay pumayag naman siyang hugasan ang kamay ko, She's too clingy but im loving it in a way.

Bumalik kami sa kama, Humiga na siya at ako naman minassage ang katawan niya, baka napagod kasi siya kaka ikot namin sa mall, Inalala ko ang safety precautions na sinabi ni Jonghyun at inayos ang pagmassage sakanya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko ang phone ko na tatlong beses nang blink, Kinuha ko 'iyon at napabuga nang hangin.

3 unread messages from: Mommy , Sulli , Suzy.

8 missed calls from Suzy.

12 missed calls from Sulli.

Nagsigh ako at inayos ang blanket ni Taeyeon bago bumaba at nireplyan ang mga nagtext saakin, Mahirap na at baka mabasa pa ni Taeyeon ang mga laman nang messages na iyon.

Nagshower nalang ako at saka tumabi ulit kay Taeyeon para tabihan siya matulog, I kissed her Baby bump while caressing it gently, Mukha namang nagising ko siya narinig ko kasi ang pagtawa niya.

Hinalikan ko siya sa Noo, sa pisngi and finally on her lips.

"I love you Taeyeon, please have faith with me." Bulong ko sa tenga niya.

********

A//N: aaaAaaaa, bibilisan kona pagsusulat nito, g0sh excited nako matapos to e, HAHAHHAHAHA. ilang chaps at kembot nalang tapos nanaman to, Omg.

Reactions pleaseee✨✨💜💜💜💜

******

Saranghae, BAEKHYUN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon