[2]: SPG CLUB!

3.1K 61 3
                                    

Ashley's POV

It's been a week since nag-transfer ako ngayon... Ano yung mga na observe ko? Hmmm... Just like normal school, kaso nga lang madaming talented, mga gwapo't magaganda... Kaso most of the famous ones, matataas ang mga pride... Hula ko, gusto nyo dito pumasok no'? geh, next time bigyan ko kayo ng form! :D

Maliban nga pala doon, hayzz~~ bakit ba kasi walang pumapansin sa akin, ang sakit lang? Well, sanay na ako since, alam ko naman na dapat ko silang layuan, kasi nga yun yung rules ng family ko diba? Mas mabuti na sigurong sila ang lumayo sa akin, kaysa lapitan ko sila pero hindi rin naman ako papansinin... Masakit yun sa pride ko ahh... OO nga pala, may mga different clubs dito... yun yung sabi... may Tatlong major clubs or organizations na nagko-compete, bakit? malay ko, wala naman akong balak sumali sa tatlong iyon o sa kahit anong club... hindi ko rin alam kung ano-anong clubs yon..

"Umm, Wanna Join our club? It's called----" bago pa man nya tapusin ang sasabihin, tinanggihan ko  na kaagad ang offer nya. 

"Sorry, but I'm not interested." sabay tumayo na ako at umalis. AS IN NOT INTERESTED!

----------------------------------

AFTER SCHOOL, Ground Floor, Club rooms Hallways

Habang naglalakad ako, napansin ko na yung babaeng kumausap sa akin sinusundan ako. Tumigil ako sa paglalakad, at lalapitan ko na dapat siya ng may marinig ako sa gilid ko na drum at nagsimula na ring  tumugtog ang ibang music instruments. 

Sumilip ako sa room na iyon, at nakita ko ang isang lalaking kumakanta ng 'Narda' at yung iba naman ay tumutugtog ng iba't ibang musical instruments.

"Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan"


 "Wow,..." Napahangga ako sa galing na boses nya. Hindi ko napansin na katabi ko na pala ang babae na sumusunod sa akin at nakisilip na rin. Ambilis nya ahh -_______-

"Siya si, Michael Liam Ramos, kilala siya dito sa school na ito bilang Bad Boy Rockstar, at ang club na ito ay Rock Music Club. Lumaban na rin sila sa Nationals at nanalo. Member din siya ng club na sinasalihan ko." di ko tinatanong O_______O

"Kahit ano pang sabihin hindi ako sasama sa club nyo." at yun nga umalis na ulit ako, habang siya ay sumusunod pa rin sa akin.

Sa huli, Na-ubusan na ako ng pasensya na nilapitan ko na siya. Ikaw kaya sundan ka ng isang hindi mo kakilalang babae, hindi ka kaya maakwardan dun?

"Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin?!"

"Kasi, gusto ko lang naman na sumali ka sa club namin."

My Highschool Barkadas [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon