[21.5] SPG's Date

1.4K 16 0
                                    

Katelyn's POV

Mag-iisang oras na at hindi pa nakakabalik sina Mich at Liam ahh, malaki-laki ang problema ng dalawang yun ahh. hay naku, kaya ayokong ma-inlove ehhh, kaya kayong mga babaeng nagbabasa nito... TULARAN NYO AKO! Tignan nyo, wala akong kaproble-problema!! Masaya pa! Wahahaha xD. Andyan din naman si Xander ko na minamahal ako! O diba, san ka pa :D. Wahahaha! Charot lang yung sinabi ko na mahal ako ni Xander ahh, sa totoo lang wala pa rin akong progress sa kanya eh, napaka-hard-to-get kasing lalaki -_-. Atsaka, kinakalimutan na ako ni Author kaya yun, no progress pa rin -_-

"Guys, let's paired up, para mamaya... Kung magsasama-sama tayo, baka sumabog tayo, ang iingay pa naman ni Kate at ni Martin kaya mas mabuting magpair-pair nalang tayo..."-Ken. HUWAW!!! Kami pa ni Martin ang maingay ahh! Sabihin mo Ken, gusto mo lang magsolo kayo ni Loraine!! Pero, ayos na rin atleast masosolo ko si Xander ko! Wahahahaha XD.

"Basta kapartner ko si Xander ahhhh!!!!"-Ako. "T-teka nga lang! Hindi ako papayag na ikaw makapartner ko! Ang ingay mo kaya! Baka mamaya gahasain mo ako!!! Naku wag na!!" . "Pakipot ka pa! Xander ko! Gusto mo rin ehh!!" Ang arte ni Xander no! Parang babae! Ang daming lalaking nagkakandarapang maisolo ako, tapos siya pakipot pa!!! pssh....

"Neknek mo!!! Bella, magbunutan nalang tayo! Hindi talaga ako payag na makapartner ko yang Casanovang Babaeng yan!!"-sigaw nya. See, napaka-arte no! Bella, wag kang pumayag please! Ayaw mo nun, masosolo mo si Martin, kaya wag na tayo magbunutan pleasseee!!!

"Oh sige, kukuha lang ako ng papel at ballpen..." OMAYGAWWWWDDD!!! Pumayag siya! Ang KJ, mo talaga kahit kelan Bella!!!!! Pssshhh~~~ >___<. Pagkabalik ni Bella may hawak siyang 10 strip papers. "Ganito, sa bawat paper na ito may nakasulat na colors: 2 yellow, 2 red, 2 violet, 2 black, 2 orange. Kunwari nabunot ko ay Orange, tapos si Kate ay Orange din, kami ang magpapartner mamaya.... gets?" tapos tumanggo nalang kami.

"Teka bakit sampu? Eh, wala naman dito sina Scarlet, Mich at Liam ahh... so bale seven lang tayo... atsaka, y-yung girlfriend ni Liam andito ehh..."-Martin. Lahat kami napatingin dun sa gf ni Liam. Ano nga ulit pangalan niya? Julia? Junie? Joaquine? Whatever, hindi ko naman kailangan tandaan name nya ehh, dahil sa kanya, kawawa tuloy si Mich!!! hmmpp... "Hehehe, don't mind me... paalis na rin ako ehh... Pakisabi nalang kay Liam na umalis ako at tatawagan ko nalang siya, Bye!" tapos yun umalis na siya. Psh, ano ba nakita ni Liam dun sa babaeng yun, di hamak na mas maganda si Mich kaysa sa kanya!! >__<

"As for .Scarlet, Mich at Liam... Syempre ang matitirang tatlo, sa kanila na yun, at bubunot sila mamaya pag-dumating na sila..."-Bella. So yun, nagbunutan na kami. Kinakabahan ako. WHAT IF, hindi si Xander ang kapartner ko? Paano kung si Martin? edi, sumabog na kami sa sobrang ingay namin? WHAT IF kung si Ken ang kapartner ko, eh baka itapon nya ako sa Mars, masyado pa namang highblood yun. Waahh!! Lord, please sana si Xander kapartner ko. *crossfingers*.

"RED ang nabunot ko!!!"-Loraine.

My Highschool Barkadas [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon