Bella Marie Castillo's POV
"Loraine, sa gilid yan! Xander dun yan sa unang table! Liam, ano ba pinaggawa mo?!" I let out a sigh. Mahirap talaga maging leader ng mga to. Tatanda ako ng maaga dahil sa kanila.
"Babe, wag nga mainit ang-- ARAY! DI MO NAMAN AKO KAILANGAN SIKUIN!" Sino pa ba? Edi magaling kong boyfriend.
"Wag ka kasing paharang-harang sa daraanan." Nagsweet smile ako. Nagsimangot sya. If I now, gusto lang nito ay kiss. "Gusto mo ng kiss?"
Natawa ako ng biglang bumuhay ang dugo nya at nagsisitango. Sige na nga, kahit isa lang pagbigyan ko na ang hugs ko. Ilalapit ko na sana ang mukha ko ng nakarinig kami ng ehem.
"Uso tumulong. Hindi yung naglalampungan kayo!" Galit na sabi ni Ken. Lumayo na kami sa isa't isa ni Martin dahil nahiya kami lahat kasi ng staffs nagsitinginan sa amin. "Martin tutal mahilig ka sa mga babae, sabihan mo yung mga kakanta at sasayaw mamaya na magready na."
Bago pa ako magprotesta umalis na si Martin. Humarap ako kay Ken ng nakataas ang kilay at nakapamaywang pero hindi pa ako ng sasalita, inunahan nya na ako. "Wag mong sabihin na nagseselos ka?"
"Nangaasar ka ba o binabadtrip mo ko?" Natawa ng bahagya si Ken at nagtaas ng kamay na para bang sumusuko na sya at bumalik na sya kay Loraine.Napangiti ako kapag nakikita ko silang ganyan.
Ang laki na ng pinagbago ni Ken simula ng grumaduate kami sa college, tatlong taon ng nakakaraan. Ang dating di mo malapitan na monster ay ngayon ay member na ng city council. Gusto nya kasi maging presidente ng bansa balang araw pero bago nya maabot yun gusto nya nagsisimula sya sa pinakamababang pwesto.
Si Loraine, eto boyish parin. Ayaw kasi ni Ken na magsuot sya ng mga girly things kasi natatakot syang may umagaw sa kanyang iniirog. At did you know? Member na ng sikat na banda ang aming Loraine. Nakakamtan nya na ang mga pangarap niya.
Napalingon ko ng may narinig akong natumba. Si Mich! "Mich! Ayos ka lang-"
"Hey, are you okay?" Tanong kaagad ni Liam sa kanya. Sinabi ni Mich na ayos lang sya pero hindi sya pinakinggan ni Liam at binuhat nya ito like a bride. Syempre nagsitilian ang mga nakakita.
"L-Liam! Ibaba mo ako! N-Nakakahiya!" Namumulang sabi ni Mich. Napangiti si Liam, naku sa ngiting nyang yan may binabalak itong masama.
"Kiss mo muna ako!"
"Ano ka bata? Baba mo na ako!" He let out a sigh of defeat. Binaba nya rin si Mich. Kawawang Liam hindi nakaisa. Mwahahaha!
BINABASA MO ANG
My Highschool Barkadas [COMPLETED]
Teen FictionA Story about the girl who have everything that every girl wants. Ashley was a junior student in a prestigious school, born in a rich and well-known family. One Day, She meet a friends that can change her life and an enemy who fall in love with her...