[49]: The Untold Secret.

663 18 1
                                    

Kyle's POV

"ASHLEEEYYYYYY!!!!!"

Dali-dali akong gumapang kay Ash na sa kalukuyang naliligo sa kanyang sariling dugo. Binuhat ko ang ulo nya at nilagay ko sa lap ko.

"Ashley! Shit! Wake up! Please Wake up!" Hindi ko namalayang umiiyak na ako habang tinatapik ang pisngi nya.

Ayaw nyang magising.

Bigla lumabas si Aj sa pinagtaguan nya na may hawak na baril at nakangisi ito. Tinutok nya ang baril sa amin. "That's a karma, little prince."

"Fuck you."

"Ang swerte mo Kyle, sobrang swerte mo sa kanya... Dahil sa kanya, mamatay ka. Diba, napakaswerte mo?" tapos tumawa sya. Napakasama nya talaga. Paano nya ginawa sa amin to? Mabait naman kami sa kanya. Pero, eto pa igaganti nya sa amin.

Walang kasalanan si Ashley kung iniwan man sila ni tito William. Salamat nalang talaga kina Martin at Kenneth na sinabi nila ito sa akin. Maiintindihan ko sana kung ako yung sasaktan nila at hindi si Ashley.

"Samantalang kayo, ang malas nyo. Napakamalas nyo, maliban nalang sa ang kikitid ng utak nyo, napakadesperada nyo pa. Sa tingin nyo ba, sa ginagawa nyo babalikan kayo ni Tito William? o pagsisihan nya ang ginawa nya sa pagiwan sa inyo? Diba hindi? Kasi mas pinamumukha nyo pa sa kanya, na mas mabuting iniwan nya kayo at pinagpalit sa pamilya ni Ashley." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na loob na sabihin yun sa kanya. Halatang galit na sya at animo'y nilulusaw ako sa mga matatalim nyang tingin.

"Wala kang karapatan para sabihin lahat yan! Wala kang alam! Mas mabuti na nga lang na mawala ka sa mundo ito!" Tinutok nya sa akin ang baril na hawak nya kaya napapikit at yumakap ako kay Ashley na para bang pinoprotektahan ko sya.

Wala pang ilang segundo, may narinig akong mga pagputok ng baril, pero wala akong naramdaman na kahit anong tama sa akin. Binuksan ko ang aking mata at kita ko na nakikipag-agawan ng baril si Josh kay Aj.

"Kyle! Umalis ka na dito! Dalhin mo na si Ashley sa hospital bago pa mahuli ang lahat! Ako na bahala kay Aj! DALIAN MO! ALIS NA! Susunod ako wag kang magalala" Sigaw nya.

Dun lang ako natauhan at agad-agad na binuhat si Ashley at lumayo na kami dun. Habang tumatakbo ako, bumulong ako sa hangin...

"Salamat Josh. Sana walang mangyaring masama sayo. Salamat talaga..."

--
Alexander Ivan Gray's POV

Nabitawan ko ang hawak kong baso ng marinig ko ang balita. Hindi ako makakilos o makapagsalita man lang dahil sa mga naririnig ko ngayon...

Nabaril si Ashley. At ngayon ay nasa Emergency Room sya... nanghihingalo.

"Ivan! Ivan! San ka pupunta?!" Tawag sa akin ng mga staff ng bench pero hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo papuntang parking lot.

Mabilis pa sa alas-dose ng makapunta ako sa ospital kung saan kasalukuyang na-admit si Ashley.

"Asan ang emergency room?!" Dali kong tanong sa babaeng nurse na nasa counter na ikinagulat naman nya.

"A-Andun po hallway na yan t-tapos turn right ayun na po yung E.R." sabi nung nurse at nakandarapa akong pumunta sa sinabi nung nurse.

Nakita ko sila mommy, daddy at mga kabarkada nila Ashley, pati si Kyle nakahalundusay na sa sahig. Akmang susuntukin na sya ni dad pero mabilis ang mga kabarkada nyang pigilan si dad.

"Dad, Mom, Kyle Ano nangyayari dito? Kamusta na si Ashley? Okay lang ba sya?" Sunod-sunod kong tanong pero imbis na sagutin nila ang tanong ko, bigla nalang sumigaw si daddy at para bang susugurin si Kyle pero alerto ang kabarkada nito kaya hindi nakalapit si dad sa kanya.

"Sana nga talaga hindi ko pinagkatiwala sayo ang anak ko! Kung ganito din pala ang mangyayari! You almost killed my daughter!" Galit na galit na sabi ni dad.

Killed? So, si Kyle nanaman ang dahilan ng pagkaospital ni Ashley? Fck. I've trust him.

Tinignan ko si Kyle ng walang kaexpresyon-expresyon. "Nagkakamali ho kayo ng bintang! I would never ever do that to Ashley! Hindi ko kayang saktan sya! O kahit kitilin man ang buhay nya!!! Because, I love her! I do really love your daughter."

Sinungaling. Sinungaling sya.

Kahit na sabihin ko yan sa sarili ko, may parte parin sa akin na naniniwala sa kanya. Siguro dahil sya ang unang taong pinaglaban si Ashley sa harap mismo ng pamilya namin, na kahit sinong manliligaw at ka-arrange marriage ni Ashley ay hindi nagawa.

"Kung hindi ikaw?! Sino?! Ha, sabihin mo kung sino?! Ikaw lang naman ang laging kasama ng anak ko---"

"Wag nyo po sisihin si Kyle! Hindi po si Kyle ang may kasalanan!!" Sabi nung babaeng mukhang manang kung manamit, habang namamagitan sa kanilang dalawa ni daddy at ni Kyle.

"MANAHIMIK KA! WALA KANG ALAM!"

"Ikaw po ang manahimik! Dahil ikaw po ang walang alam! Mawalang galang nalang po, pero ginawa na lahat ng kaibigan namin para protektahan ang anak nyo! Bakit hindi nyo itanong sa sarili nyo kung may naging atraso kayo sa iba, at ngayon'y naghihiganti sa pamilya nyo?!" Lakas na loob na sinabi nung leader nila. Lahat kami nagsitinginan sa kanya. Maghiganti? Sa pamilya namin?

"Dad, may kaaway kayo?" Tanong ko.

"Wala akong kaaway at wala akong naging atraso sa iba---"

"Sigurado ba kayo?! Hindi ba't malaki ang atraso nyo sa pamilyang Barbara?!" Hindi umimik si daddy at bigla syang namutla.

"Dad, A-ano pong ibig nyang sabihin?" Hindi makatingin ng deretsa si daddy, nagbuntong hininga sya saka umalis. Sinundan naman to ni mommy. Anong nangyayari?

"Ivan..." napatingin ako kay Martin. "I-I mean, S-Sir Ivan.."

"What?"

Nagtinginan muna silang lahat bago sa akin lumapit si Martin. "Hindi dapat kami magsasabi nito, pero..."

"May alam kayo sa nangyayari?! Sabihin nyo!" Sigaw ko. Nakakainis. Lahat sila alam nila ang nangyayari.. SA MISMONG PAMILYA KO. Samantalang, ako ang anak. Ako ang panganay. Pero, ni isa wala akong alam.

"Si Maria Iza P. Barbara at si Aubrey Jane P. Barbara ay k-kapatid nyo." What? What did he say? I... I have a siblings?

"Binibiro nyo ba ako? Sila kapatid ko? IMPOSIBLE. Paano kami magkakaroon ng kapatid? Samantalang, kami lang ang pamilya ni dad--- Hindi pwede to..." Napasandal ako sa dingding dahil hindi ko kinaya lahat ng nangyayari. So, all this time...

"All this time... Dad... you're keeping a fcking secret to us..." I cried. Fck. Fck. Fck. Ngayon malinaw na lahat, kaya pala ayaw ni dad na makipagkaibigan kami sa iba.. Kasi ayaw nyang malaman namin o makilala namin na may kapatid kami.

"Tangna. Buong buhay ko... Buong buhay ko naniwala ako kay Dad. Buong buhay ko naniwala ako sa kanya. Pero, pero... Tangina talaga..." Hindi ko napigilan na humagulgol sa iyak. Nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sa akin.

"Ssshh, tahan na... Wag ka na umiyak." Ang boses na yun!

Nilayo ko sya sa akin, at tama nga ang hula ko. "Jessica..."

"Sorry Gray, kung hindi ako nagpaparam---" Hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil bigla ko syang niyakap. And Yes, she is my girl... Jessica Ji-Eun. Ang school representative ng Student Council.

"Namiss kita... sobra." I whispered. Sasagot na sana sya kaso biglang lumabas ang doctor galing sa Emergency Room. Humiwalay agad ako sa kanya and I muttered.. "Wait a second." At lumapit na ako kay Doctor.

"Kamusta na po ang pasyente?" Agad-agad kong sinabi sa doctor. Tinanggal nya ang mask nya at tinignan ako.

"Kaano-ano mo sya?"

"Kapatid nya po ako." Walang atubiling sinabi ko.

"Well then, it seems your sister is a fighter." I feel relieved, because on what he said. Thank God...

"But, she's still in critical condition..."

My Highschool Barkadas [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon