Third Person's POV
Nasa bahay nila, as in nilang magkakaibigang lalaki, si Kyle na busy kakaresearch kung ano ba ang ayaw ng pamilyang Rivera sa mga taong katulad nya. Sumasakit na nga ulo nya dahil kahit saan namang aspeto tignan pasadong-pasado sya sa taste ng mga magulang ni Ashley. So bakit ayaw ng magulang nya sa kanya?
Isa pa, hirap na hirap sya kung ano susuotin nya mamaya. 12pm pa lang naman kaya mahaba-haba pa ang oras nya makapagisip kung ano ang susuotin nya.
"What to wear when facing a Rivera?!!" nanlaki ang mga matang binasa ng malakas ni Martin ang tinitingnan ni Kyle sa internet. Halos masira ni Kyle yung laptop dahil sa sobrang lakas ng pagkakasarado nito, hindi pa naman sa kanya yun kundi hiniram nya lang kay Ken.
Tsk, Tsk... Kawawang Ken, masisira na ang pinakamamahal nyang laptop.
"Lumabas ka nga! Di mo ba alam ang salitang PRIVACY?! At basta-basta ka nalang pumapasok sa kwarto ng may kwarto?!" Babatuhin nya na sana ng tsinelas tong si Martin pero nakalayo na si Martin kay Kyle. Maya-maya pa'y biglang pumasok na ang tatlo pang ugok sina Ken, Liam at Xander.
"Ano na naman ang nangyari dito?!!!" inis na sabi ni Ken pero agad-agad namang humiga sa kama ni Kyle.
"Nakakahiya talaga ako sayo eh no,Ken?" sabi ni Kyle at binuksan na nya ulit ang laptop at pinagpatuloy ang pagreresearch. Hindi na sya magaksaya ng oras para sa mga kaibigan nyang walang ginawa kundi mangialam.
"Ano ba kasi yang nireresearch mo?!" Lalapit na sana si Xander kaso biglang nagsalita---no, sumigaw si Martin.
"WHAT TO WEAR WHEN FACING A RIVERA!" sabay tumawa ng malakas si Martin. Pumikit si Kyle at huminga ng malalim para mapigilan nya ang sarili nyang balatan ng buhay si Martin gamit ang nail cutter.
"Oh, bakit? Makikipagayos ka na sa pamilya ni Scarlet?" tanong ni Liam sabay kinuha nya ang psp ni Kyle at naglaro ito.
"Yun ang gusto ni Yeoja eh, magagawa ko?"
"Ah, kaya pala. So kailan ka makikipagkita sa kanila?" tanong ni Ken.
"Mamayang 4pm." tipid na sagot ni Kyle habang nagiiscroll sya sa google. Bakit kasi ganto kahirap maiimpress ang magulang ng gf nya? Na kulang nalang, masasabi mong isang presidente sila ng Amerika.
"What if, sumama kami sayo?" tanong ni Xander kaya napalingon silang lahat sa kanya.
"Eh, bakit?" kunot-noong sabi ni Kyle.
"Para maayos na rin namin yung maling iniisip nila sa atin. Kasi nga diba, hindi nila tayo pinagkakatiwalaan dahil gagamitin DAW namin o natin si Scarlet." Xander has a point. But paano magagawa yun ni Kyle, eh ang usapan lang... Siya lang ang magpapakita sa magulang ni Ashley.
"Paano? Baka kasi maga--" Kyle didn't finished his sentence because Martin suddenly tappes his shoulder and say...
"Don't worry, ako na bahala sa susuotin nating lahat." then he winked. Kokontra na dapat si Kyle pero bago nya magawa yun, lumabas na kaagad si Martin ng kwarto nya at halatang may kakausapin sa phone.
He just let a sighed and begging na sana hindi kakilakilabot ang gagawin o balak ni Martin sa susuotin nila. Sana nga...
--
"Mom... Dad..." sabi ni Ashley ng makapasok ulit sya sa bahay nila.
Sinalubong agad sya ni Jas at niyakap nya ito. She really miss his younger sister kahit na tsismosa ang kapatid nya, mahal na mahal nya ito.
BINABASA MO ANG
My Highschool Barkadas [COMPLETED]
Novela JuvenilA Story about the girl who have everything that every girl wants. Ashley was a junior student in a prestigious school, born in a rich and well-known family. One Day, She meet a friends that can change her life and an enemy who fall in love with her...