Kyle Cedric POV
"But, she's still in critical condition..."
Tumigil ang paghinga ko ng narinig ko ang sinabi ng doctor. Paulit-ulit nalang nagrereplay sa isip ko ang critical condition.
"W-Why?" Sabi ni Ken. Lahat kami hindi na maipinta ang mga mukha namin.
"The patient's lost too much blood. Kaya, kailangan namin ng blood donor as soon as possible." Sabi ng doctor, saka bigla ulit syang pumasok sa loob. Nagtinginan kami. A blood donor. Syempre, hindi naman agad-agad kami mag dodonate dahil baka hindi kami compatible sa dugo ni Ashley.
"Gray, ikaw. Tutal kapatid ka naman nya. Siguro naman, compatible ka." Sabi ni Jessica. Umiling-iling naman si Ivan at yumuko.
"Iba ang blood type ko kay Ashley. Blood Type A ako, Blood Type O sya." O? Pero hindi ako O, Blood Type A din ako, at alam ko sa SPG Club walang Blood Type O sa amin... Wait, Blood Type O? Si Iz---
"Ako. Ako magdodonate." Napatingin naman kami lahat sa nagsalita. Sa gulat ko, napatayo ako sa kinauupuan ko. Ano ginagagawa nya dito?
"Ano ginagagawa mo dito?" Sabi ko.
"Wag ka mag-alala Kyle. Hindi ako manggugulo ulit. Andito ako, para humingi ng paumanhin sa inyo, lalo na kay Ashley. Pero, mukhang nasa peligro ang buhay nya." Kalmado sabi nya.
"Oo, dahil sayo.. Iza." Maikling sabi ni Ivan pero halatang punong-puno to ng galit.
"Sorry. Alam kong mali lahat ng ginawa ko. Masyado akong nabulag ng galit, at kasakiman kaya nagawa ko ang lahat ng ito. Sana mapatawad nyo ako." Sabay yumuko sya. Ngayon ko lang napansin na nakaposas pala sya at may dalawang pulis sa di makalayuan, ang nakatayo na para bang binabantayan si Iza.
"Sa tingin mo ba, ganun lang kadali yun? Matapos lahat ng mga ginawa mo, lalong lalo na sa kapatid ko?!"
"Oo, alam ko hindi ganun kadali patawarin ang isang katulad ko, na walang ginawa kundi ipahamak ang kaibigan o kapatid nyo!" Mangiyak-ngiyak nyang sabi. "Pero hayaan nyong, ako ang magdodonate ng dugo para kay Ash... kahit ito lang."
"Ayoko." Sabi ni Ivan.
"Gray!!! Wag mo na unahin ang pride mo!" Sigaw ni Jessica.
"Marami pa namang iba dyan na Blood Type O! Hindi lang sya!" Magwawalkout na sana sya pero natigil dahil sa sinabi ko...
"Mas pipiliin mo pa ba ang pride mo, kaysa sa buhay ng kapatid mo? Ha, kuya?" Tumahimik ang lahat. Nakalipas ng ilang segundo nang biglang nagbuntong-hininga si Ivan at tumingin kay Iza.
"Go. Ikaw na bahala sa kapatid ko." Lahat kami napangiti sa sinabi nya. Halos tumalon na sa tuwa si Iza. "Salamat..."
"Wag ka magpasalamat sa akin. Ginagawa ko lang ito, para sa kapatid ko." Hindi na inintindi yun ni Iza at dali-daling lumapit sa pintuan ng E.R. Bigla namang lumabas ang doctor.
"Asan na yung blood donor?"
"Ako po." Nagtaas kamay pa si Iza habang nakangiti ito.
"Sure ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng doctor sa kanya. "Opo. Willing po akong magdonate ng dugo para sa kanya."
"Good. Get in." Sabi ng doctor. Inikot nya muna ang tingin sa amin bago nya ito tinigil at bigla syang ngumiti. Pagkatapos, ay pumasok na sya sa E.R. at sinarado na ulit ito ng doctor.
"Saan ka pupunta?" sabi ko kay Ivan. Lahat kami napatingin sa kanya.
"Sa bahay."
"Ha? Ano gagawin mo dun? P-Paano si Ashley?" Nagtatakang tanong ni Katelyn.
"My dad and I have some an unfinished business. Di pa malinaw sa akin ang lahat ng nangyayari." Seryosong sabi nya.
"Are you sure, you're gonna be alright?" Nag-aalalang tanong ni Jessica.
"I am. Don't worry to much, okay? I'll be back.." He kissed her forehead then he leaved. Nagtinginan kami at umupo na sa kanya-kanyang upuan.
"So, I guess we will just wait for the result?" Tanong ni Mich. Tumango nalang ako at saka ko pinikit ang mga mata ko.
I'm so tired.... Andaming nangyari ngayon. Sana bukas, okay na lahat. Ashley, lumaban ka ha? Para sa amin. Para sa akin.
--
Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Sa sobrang pagkasilaw ko dahil sa ilaw, hinarang ko kaagad ang kamay ko sa tapat ng mata ko. Umupo na ako ng maayos at saka tumingin sa paligid.
"Gabi na pala." Bulong ko sa sarili ko. Lahat sila natutulog. Tumayo ako at sumilip sa ER mukhang natapos na ang operasyon kay Ashley. Mabuti naman kung ganun.
Pumasok ako at dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Wala na rin dito si Iza, siguro nakaalis na nga sya. Kinuha ko yung upuan malapit sa kama ni Ashley at umupo ako dun. Hinawakan ko ang kamay nya saka ko sya tinignan.
"Tignan mo nga naman sarili mo yeoja, ang panget mo na. Andami mo pang galos at kung ano-anong nakakabit sayo." Kinagat ko labi ko para pigilan ko ang sarili kong umiyak. Dapat hindi ko ipakita sa kanya na mahina ako ngayon. Dapat lumalaban din ako, katulad nya.
"Kaya dapat yeoja, magpagaling ka kaagad. Para makalabas ka na dito, at makapagayos ka na ng sarili mo." Pinunasan ko kaagad ang tumulong luha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, dahil lahat ng alaala bumabalik sa akin. "... Para na rin, makapasyal tayo."
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya saka ko ito hinalikan. "Yeoja, naalala mo pa ba yung nasa rooftop tayo? Yung kumakain tayong dalawa lang? Gusto ko sana ulitin yun." Eto na naman, lumalabo na naman ang paningin ko dahil sa mga luhang ito. Nakakainis. "Kaya sana gumising ka na..."
Nagulat ako ng biglang pumasok lahat ang tropa. Kaya tumalikod agad ako at pinunasan ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Lumapit sa akin si Bella, "Ilabas mo lang yan Kyle. Mas masakit paghindi mo yan nilabas."
Tumingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila nakatingin sa akin at ngumiti. Umiiyak na naman ako. Yumuko ako, "Kahit ngayon lang... Pagbigyan nyo ako. Di ko na kasi kaya."
Naramdaman ko nalang ang yakap ni Xander sa akin. "Tol, hindi porket lalaki ka, hindi ka na pwedeng umiyak. Tao ka rin, nasasaktan. At hindi porket lalaki tayong dalawa, bawal na tayong magyakapan. Tao rin tayo, kailangan ng masasandalan."
Natawa kami sa sinabi nya. Kahit kailan talaga 'tong taong to. Humiwalay na sa akin si Xander at tinapik ang balikat ko. Tumingin ako sa kanilang lahat. Salamat at mayroon akong kaibigan na tulad nila.
Tumingin ako kay Ashley at hinalikan ko sya sa noo at bumulong ako. "I love you very much, Ashley Scarlet Rivera... Future Fernandez."
--
Author's Note:Actually, hindi ako satisfied sa last chapter ng MHB. Which, eto na nga yung last chapter nya. May balak pa sana ako kaso hahaba to. Ayoko naman ng maraming chapters kasi minsan nakakatamad basahin pag ganun. Diba? :3
Well, MAY EPILOGUE ANG MHB. At yun na yung pinakaending nya. Kaya wag kayong malungkot kung nabitin kayo dito sa last chapter. I'll make sure na masasatisfy kayo sa ending nya. :)
Salamat ng marami sa inyong lahat, na sumuporta sa storyang to (Di ko nga alam kung may sumuporta nga talaga. XD) Well, meron man o hindi. Nagpapasalamat pa rin ako. :)
GOD BLESS. :)
BINABASA MO ANG
My Highschool Barkadas [COMPLETED]
Подростковая литератураA Story about the girl who have everything that every girl wants. Ashley was a junior student in a prestigious school, born in a rich and well-known family. One Day, She meet a friends that can change her life and an enemy who fall in love with her...