Ashley's POV
Nagsimula na ang Round 1, since alam nyo na yung nangyari dun, hindi ko na ikwekwento. Akala ko pa naman eh, bati na kami nitong Kyle na ito, pero I was wrong. Di ko alam na menoupausal baby, pala siya. Pumunta sya dun sa pinakadulo na bench, well, yung walang sandalan ahh, hindi yung katulad sa park -_- . Basta andun lang siya, dahil nga AKALA ko bati na kami kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Magsasalita dapat ako kaso bigla siyang nagsalita...
"Don't bother..."
Oh diba, sino ba namang tao malulungkot at napahiya sa sarili mo dahil AKALA MO eh bati na kayo, ng taong laging nagmamalasakit sayo. Masakit? oo, kaya nga ayaw ko maging assuming kasi ayaw ko mafeel ang ganitong sakit at dagdagan pa ng kahihiyan sa sarili mo.. Hayzz~~ ang drama ko...
Natapos na ang lahat lahat, mula Round 1 to 4 di pa ako pinapansin ng mokong na to. Hayzz~~ what to do.. what to do~~ Tapos, nakakabwisit yung pinsan ko, matapos-tapos nya ako tawagan, bababaan nya lang ako, at what worst, di nya pa ako pinatapos sa pagsasalita. Buiset -_-. Andito na kami sa Round 5 at kanina pa sineset-up yung stage.
Ang theme? Mala, musical love story, melodrama ika nga. Halos memorado ko na ang linya ko, kaso yung kaba ko hindi ko maalis. Nakakakaba kaya! Lalo't first time ko to! Tapos contest pa, aba sobra-sobra na ang nararamdaman kong pressure. Tapos, kapartner ko pa galit sa akin. Napakaswerte ko nga naman! -_-
"Okay! Start Na!!"
Yung scene naglalakad kunwari ako sa school gate, isa ako di hamak na nerd na gusto maging sikat tulad ni Iza. Magaling daw kunwari si Iza kumanta at hinahangaan ko naman siya. Hindi pa ako KUNWARI nakakapasok sa school at binully na kaagad ako kasi hindi ako sisikat at no talent ako, kaya yun umiyak ako, OO! IYAK TALAGA! kakasimula palang ng drama contest, iiyak na agad ako -_-.
Tumakbo ako papalayo dun sa MGA nambubully sa akin at dumeretso ako sa likod ng gym. Agad namang naayos yung background at mala-garden na nga.
"In One... Two... Three... ACTION!"-direktor.
Huminga kunwari ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa glass wall. Dahil maaraw ngayon nakita ko ang sarili ko. Mugto ang mata ko! -_-. Best Actress ako ah!
Pero nevermind that, pumunta ako sa silong ng kunwaring-puno at umupo ako dun sa damuhan sabay sandal sa trunk. Dahan-dahan kong inalis yung napakalaki kong nerdy glasses.
"Bwiset sila! Porket ba ganto ako, bawal na ako maging sikat?! Makikita nila sisikat din ako!!" sigaw ko, since may mic na nakatago sa damit ko, nageecho sa buong paligid ang pagsigaw ko.
BINABASA MO ANG
My Highschool Barkadas [COMPLETED]
Novela JuvenilA Story about the girl who have everything that every girl wants. Ashley was a junior student in a prestigious school, born in a rich and well-known family. One Day, She meet a friends that can change her life and an enemy who fall in love with her...