Kyle's POV
Tss.. Antagal naman nun. Akala ko ba saglit lang sya sa laboratory? Nakalipas na ng isang oras wala pa siya. Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya?
Patayo na sana ako sa kinauupuan ko ng may biglang lumapit sa aking babae. "Kuya Kyle..."
Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. "A-Alice?"
"Hi kuya, naalala mo pa pala ako." She smiled at me.
She is Mary Alice Dela Cruz, nag-aaral sya sa Wilson Academy. A beautiful nerd girl.Nakikita ko nga s kanya si Mich pagminsan. Nakilala ko sya nung naglaban ang school namin at ang Wilson Academy sa basketball.
"Oh, ano ginagawa mo dito?"
"Wala lang... Umm.. Kasi ano..." tapos yumuko sya. Hmm.. There's something wrong.
"What? Sabihin mo na. Nagmamadali kasi ako ngayon. Tungkol ba saan yan? Hahanapin ko pa kasi si Scarle---"
"May kinalaman si Ate Ash dito Kuya." Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Di ko alam kung bakit, pero dahil sa expresyon na pinapakita nya sa akin, Natatakot ako.... para kay Scarley.
"What is it. Handa akong makinig."
"May balak na---" Hindi naituloy ang sasabihin ni Alice ng biglang dumating si Kate.
"KYLE! KYLE! Hinahanap ka nila Martin! Nasa Leisure Room sila ngayon." Hingal na sabi ni Kate.
"Bakit daw?" Wrong timing naman tong mga to oh. May sasabihin pa sa akin si Alice eh.
"Ewan ko. Urgent matter daw!"
"Oh sige, sige. Aalis na ako. Wait lang Alice, babalik ako. Bye!" At tumakbo na ako papuntang leisure room. Naku, kung hindi urgent yan.. Ipapabigti ko sila.
--
Katelyn's POV
Ayun, nagkadarapang umalis si Kyle. Paalis na rin sana ako ng bigla akong tinawag ng babaeng kausap ni Kyle kanina.
"Hey, umm miss..."
"Yeah? Ano kailangan mo?" Mataray kong sagot. Aba, kailangan kong magingat baka gusto nito si Kyle, aba! Di ako papayag. Solid AshKyle ata to!
"Tss... sungit." Bulong nya. Pero, narinig ko. Ako masungit ah? -_-
"Can you say it louder.. PLEASE."
"Ahh, ehh.. W-wala po. May gusto lang ako ipasabi kay Kuya Kyle."
"Ano yun?" Taas kilay kong sabi, at nagcross-arms pa ako.
"Pakisabi sa kanya na... May balak na masama yung dalawang kambal kay Ate Ashley."
Nagbago yung expresyon ko. Sinong kambal? At bakit kay Scarlet pa? At paano nalaman ng babaeng nasa harap ko?
"Paano mo nalaman? Sinong kambal? Bakit si Scarlet pa?" Sunod-sunod kong tanong.
"Si Aubrey Jane o Aj ay galing sa Wilson Academy. Nagtransfer sya sa HavIA dahil yun ang utos ng kanyang kambal na si Maria Iza Barbara. Nalaman ko ito, dahil nung isang araw.. Narinig ko lahat ng pinaguusapan nilang dalawa." Pagpapaliwanag nya.
Halos gumuho na yung mundo ko, sa narinig ko. Si Iza.. at si.. Aj ay magkambal? H-how could that be... So all this time niloloko lang kami ni Aj? Para mapalapit yung loob nya sa amin? H-Hindi kaya siya ang nagpakalat ng maling inpormasyon tungkol sa SPG Club?
BINABASA MO ANG
My Highschool Barkadas [COMPLETED]
Teen FictionA Story about the girl who have everything that every girl wants. Ashley was a junior student in a prestigious school, born in a rich and well-known family. One Day, She meet a friends that can change her life and an enemy who fall in love with her...