[39] Out-Of-Town.

779 11 9
                                    

Bella's POV

"Kate, Alam mo ba sabi ng mama ko reach for my dreams."-Xander. Ayan na naman po siya -_-

"Eh? Ano naman ngayon?"

"Kaya nga pinipilit kita abutin kasi ikaw ang pangarap ko.... Pangarap ko na habang buhay na tayong magkasama." Ewan ko kung ano nakain nitong si Xander simula nung naging sila ni Kate puro banat at pick-up lines nalang ang naririnig namin sa kanya. Kambal nya ata si Boy Pick-Up eh.

"Alam mo Xander, ang pagmamahal ko sayo ay parang gangster." Isa rin tong si Kate -_-

"Huh? Bakit?"

"Kasi, They don't die. They multiply."

"Mga banat mo Kate ah. I love you." then Xander kissed Kate's forehead.

"I love you mor---" Hindi naituloy ni Kate ang sasabihin nya ng biglang nagsalita si Ken.

"Lovababes, Gusto ko maging MAGNUM." Loko din tong si Ken, nakikipick-up lines na rin -_-

"Eh? Magnum? Bakit naman Bakulove?" Inosente pa more Loraine ~

"Para, MAGNUMber 1 lagi ako sa puso mo."

"BOOM PANESS! Itigil nyo na nga yang kakapick-up lines nyo. Nakakadaga kaya. Ang kokorni nyo!" Ako yan. Eh kasi naman simula nung nagbyahe kami yan nalang ang naririnig ko.

Tama kayo sa nabasa nyo! Nasa byahe kami para mag-out of town kami. Sino nagdadrive? Driver ko at nasa isang van kami nakasakay. Bakit kami maga-out of town? Masyado na kasing maraming pinagdaanan ang club namin, may masaya, may malungkot, may away o gulo, pero we stay strong. Kaya nga mahal na mahal ko tong kabarkada ko eh. We are the definition of 'Walang Iwanan'.

After a few hours, we arrived at the destination. Private Resort and Hotel siya na pagmamayari ko--- charot lang XD ng pamilya ni Kate. Pinayagan kami na magstay dito since vacation na rin naman. At 4th year na kami sa susunod na pasukan. Hay, bilis talaga ng panahon.

Bumaba na kami sa van at pinautos ni Kate yung mga bellboy na dalhin at iakyat sa mga kwarto namin yung mga gamit. Oha! Ang sosyal may taga-utos si Kate.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Martin ang kamay ko saka bumulong sa akin. "Pasyal tayo... Just the two of us." then he wink.

"Guys, pas---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko na wala na pala yung iba at nagsasarili na, maliban nalang kay AJ na dere-deretso pumasok.

My Highschool Barkadas [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon