Bitter 23

169 4 0
                                    

“Grabe, antagal na nating hindi nagkita no. Kelan ba yung huli? Birthday ata ni Paul yun.”

“Oo nga eh,” matamlay na sagot ni Crey sa kwento ni Mandy.

“Ano nga palang pinagkakaabalahan niyo?”

“Bakasyon lang,” ako na ang sumagot. Buti na lang at malakas ang ingay galing sa videoke kaya walang awkward silence kahit wala nang nagsasalita sa amin.

Maraming kwento si Mandy kaya siya lang ang salita nang salita. Sobrang tagal naman nila kasing hindi nagkita ni Crey. Pero si kapatid ay mukhang napipilitan lang. Syempre hindi niya pinapahalata sa kaibigan pero nararamdaman kong may pagkailang pa rin siya.

There I was

Waiting for a chance

Hoping you could understand

The things I wanna say…

Uy, favorite song ni Crey to ah. Sayang ampangit ng boses ng kumakanta.

Sabay na napalingon sina Crey at Amanda sa kumakanta. Tapos nagtinginan. “Are you thinking what I’m thinking?”

“Uy ano yun? Join niyo naman kami sa chikahan niyo,” sabi ko. Chismosa mode.

Pilit na ngumiti si Crey pero si Mandy ang sumagot. “Wala ate, naalala lang namin yung dati kong manliligaw na friend ni Crey. Kinanta niya sa akin yan nung malaman niyang may boyfriend na ako.” Ooh… Kaya naman pala eh. “Pero wala na yun. I’m sure he got over me. May girlfriend na si DK diba?” tanong niya kay Crey. Tango lang ang sagot ni kapatid. Ngumiti ito nang pagkapait-pait saka nilagok ang kung anumang alak na nasa baso niya.

CREY:

“Sure kang okay ka lang?” bulong ni Edward sa akin. Tumango lang ako. Wala naman akong choice, andito na kami. Kasama namin sa table si Ate at sina Mandy.

Of all places, of all times, bakit dito at ngayon pa? Kung kelan unti-unti na akong nagiging okay. Nasa tapat ko ngayon ang kaisa-isang babaeng kinainggitan ko buong buhay ko, nagkukwento ng mga natupad niyang pangarap na halos pangarap ko rin.

“May na-meet akong producer ng isang theater play. Tapos pinag-o-audition niya ako for a play sa New York.”

O diba?

Dapat nakikinig ako eh kaso… Ewan.

Baka… Bitter ako? Hmp!

“Kanta ka Crey,” sabi ni Mandy pero umiling ako. Nakikita ko yung awa sa mga mata nina ate at Edward at naiinis ako. Ayoko nang kinakaawaan. Hmm…

Tumayo si Edward at nag-unat. “Magpapahangin ako, sama ka?” Tumango na lang ako. Mas gusto kong samahan tong luko-lokong to kesa makinig sa mala-anghel na boses ni Mandy sa videoke.

“Gusto mong pag-usapan?” Wala ako sa sarili habang naglalakad kami. Hindi ko na nga namalayang nasa beach ako kasi madilim.

At dahil praning ako, sumigaw ako. As in… sigaw! Hmm…

“Hah!” buntong-hininga tapos lumingon sa kasama ko. May kasama pala ako.

“Okay ka na?” May awa pa rin sa mukha niya. Lumapit ako at nilamutak ko ang pogi nyang mukha. “Nakailan ka bang Tanduay?”

“Ewan.” May narinig akong tumutugtog ng love song so sinundan ko yung tunog. May live band sa kabilang resort tapos yung mga tao, couples, sumasayaw. Parang tanga lang. Hay… DK.

Hinila ko si Edward papunta doon. Okay lang, tanga din naman ako. Wala siyang imik na sumunod lang sa akin. Nakakaasar.

“Bakit antahimik mo?” tanong ko.

“Kanina kasi, daldal ako ng daldal, hindi ka namna pala nakikinig. Sayang lang laway ko.”

Mukha ko naman ang nilamutak ko sabay umupo sa buhanginan. Ano bang nangyayari sa akin?

Nang tanggalin ko ang palad sa mukha ko, mukha naman ni Edward ang bumungad sa akin. Nakaupo na rin siya.

“Gusto mong sumayaw?” Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siyang itayo ako.

“Ang-corny ng tugtog.” Hindi siya sumagot, nilagay lang ang kamay ko sa balikat niya habang hawak niya naman ang bewang ko.

“Tell me something about DK.”

Tumitig ako sa kanya ng pailalim pero nang makita kong hindi siya nagbibiro, nag-isip na ako… DK…

“Ah… payat, maputi, matalinong tamad, talented pero mayab-“

“Anong nagustuhan mo sa kanya?”

Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. “A-akala ko kasi dati… ako yung gusto niya.”

“And?”

Nagtataka akong tumingin sa kanya. “Bakit ba?”

“Tinitingnan ko lang kung tao ba yung mahal mo o figure of imagination.”

“Totoo yun. Hindi ako-“

“Alam kong totoo. Nangyari. Ganun ang pagkakakilala mo sa kanya. Pero what if iba na siya?”

Hindi ako makasagot… Oh, DK.

“Favorite song ko dati yung Maybe.” Tumawa ako nang pilit. “Mahilig ako sa ganung kanta eh, pang-broken hearted. Kaya siguro ganito ang love life ko. Tapos, ayun! Sa lahat nang kantang iaalay niya kay Mandy, yun pa.” Pinasigla ko yung boses ko pero mukhang hindi effective. “Talented yung mokong na yun eh. Magaling siya mag-drawing. Sabi ko pa sa sarili ko, someday, iguguhit niya rin ako. Tapos… ayun… kay Mandy niya pa rin ginawa yun.” Tumawa ako na parang baliw. Shit, bakit ba ang-hirap nito? “Nung binasted siya ni Mandy, galit nag alit ako kay Mandy. Pero mas galit ako sa kanya. Kasi simula nun, hindi niya na rin ako kinakausap. Hindi na siya sumasama sa barkada.”

“User,” bulong ni Edward. Mabilis namang nawala yung galit sa mukha niya.

Sumasakit na talaga ulo ko. Bwisit na alak to eh. “Ayoko na. Napapagod na ako.” Ayun na naman yung awa sa mukha niya. Inalis niya ang kanang kamay sa bewang ko at hinaplos ang mukha ko. May pinunasan siya. Luha ata, ewan ko.

“Matatapos din yan. Nasasayo lang kung kelan. I told you, you deserve something better than you could imagine.”

Natanaw ko si Mandy kasama ang isang lalaki na sigurado akong hindi niya boyfriend kasi sabi niya, single siya. Kumaway siya nang makita kami pero hindi na lumapit. Buti naman.

“Ang-ganda talaga ni Mandy no?” Pagtingin ko kay Edward ay nakatitig siya sa akin.

“Hmm?”

Shit! Ang-gwapo niya pag seryoso ang mukha. Nakahawak pa rin pala yung palad niya sa pisngi ko pero dahan dahan na rin niyang binalik sa bewang ko. Hindi ako makahinga.

Ngayon ko lang din napansin na gumagalaw pala kami. Sayaw nga pala ito. Nilapit ko ang ulo ko sa balikat niya at halos yakap ko na siya. Bahala na!

Nagulat pa ako nang higpitan niya rin ang hawak sa akin. Nararamdaman ko na yung paghinga niya sa leeg ko.

“Nakakahilo talaga yang pabango mo,” sabi ko pero halos singhutin ko na lahat ng amoy niya.

“Exotic ang tawag dyan.” Mahina kaming tumawa pero ako, natuloy sa pag-iyak.

“Natatakot ako,” bulong ko kasabay ng makukulit na luha sa mga mata ko. Haaay… DK.

“Maayos din ang lahat.”

Pakiramdam ko, si DK pa rin ang akala niyang tinutukoy ko. Edward, bakit kailangan mong maging mabait? Takot akong masaktan ka pero mas natatakot akong masaktan kita.

Pero sobrang saya ko. Mabigat sa dibdib pero masaya.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko. Bahala na talaga kung sayaw pa bang matuturing ito. Parang gumaganda na tuloy ang kanta. Pero naiiyak pa rin ako. Naku, ang-hirap ng bangag!

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon