Bitter 35

156 7 1
                                    

Crey:

"O, nabuhay ka?" bati ni Misty, kabarkada ko, nang pumasok ako sa bahay nila.

"Sorry," sagot ko nang nakangiti.

"Alam mo ba?"

"Ano?"

"Na pupunta siya?"

Hindi ko na kailangang itanong kung sino yung tinutukoy niya pero hindi na ako apektado.

"Sorry ha."

Huminto siya sa pag-aayos ng gamit. "Bakit naman kasi kailangan mong magtago? Kay DK ka lang broken hearted, hindi sa amin."

"I know. That's why I'm sorry."

Bumuntong hininga siya. "Wala naman na tayong magagawa eh. Basta kahit man lang magtext ka, hindi yung total disappearing act ka."

"Opo."

As usual, pagdating ng barkada ay kainan, inuman at kwentuhan ang naganap. Alas otso na ng gabi nang dumating si DK. Hindi niya kasama si Dana. "May lakad si Dana, sinamahan ko kaya ako late," paliwanag niya.

Lumipas ang oras hanggang sa bangag na ang mga kasama namin. Nagbibiruan at nag-aasaran.

"Sus! Patay na patay ka sa akin noon eh."

"Yuck, kapal mo."

"Pakipot pa."

Natatawa na lang ako habang pinapanood sila. At least medyo na-divert utak ko.

"Eh si DK, sino yung sa kanya dati?"

Hindi na ako nagulat sa tanong nila. Hindi na nasaktan. Wala. Ang nararamdaman ko na lang ay lungkot at takot. Pero alam kong wala nang kinalaman doon si Dustin Karl Florendo.

"Si Mandy yung kanya dati."

"Mandy?" tanong ni Carlo na may himig ng pang-aasar. Unti-unti pang lumingon sa akin. "Akala ko..."

Napalingon tuloy sa akin lahat, pati si DK. Oh well, what's the point of hiding and lying? Tumingin ako sa kanya. Halatang nagtataka siya. "May gusto kasi ako sayo dati nung 3rd year."

Napalitan ng gulat ang ekspresyon niya. Natawa ako lalo pa nang manahimik silang lahat. Hindi siguro  nila akalaing aamin ako.

"Oh?" tanong niya na hindi pa rin makapaniwala.

Ngumiti ako. "Akalain mo yun? Hindi lang si Mandy ang manhid," sabi ko sabay kuha ng mic dahil ako na ang kakanta.

______________________

"Bakit mag-isa ka?" tanong ni DK nang maabutan ako sa terrace nina Misty.

"Trip ko lang."

Lumapit siya at tumabi sa akin.

"Panong?" Lumingon ako kasi parang may itatanong siya. Imbes na ituloy ay tinitigan niya lang ako na parang dapat alam ko na ang tanong nya. Bumuntong-hininga ako at lumingon sa langit para madrama.

"Sabi ko nga, 3rd year high school tayo nung magkagusto ako sayo. Wag mo nang itanong kung bakit o paano. Basta yun." Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ako makaramdam ng lungkot ng galit, ng kilig, ng kahit anong feeling na akala ko mararamdaman ko pag ginawa ko ito. Wala rin akong maisip actually, parang yung bibig ko lang ang gumagana. Nilalabas lahat ng gustong ilabas."Kung gaano mo kagusto si Mandy noon, ganun ako sayo."

Hindi pala siya kasing hirap ng inaasahan ko. Siguro kasi kampante akong hindi niya ako pag-iisipan ng kahit ano at hindi niya ito ipagsasabi sa iba. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga kinukumpisal ko habang nakatitig sa akin. Sa bawat salitang binabanggit ko, sa bawat detalyeng sinasabi ko, parang isa isang nabubunot yung nga tinik na naiwan five years ago. Nailabas ko lahat ng feelings na naipon, natira, at natabunan lang nang mahalin ko si Edward.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon