Bitter 1

1.5K 38 4
                                    

Hi, ako si Feli.

Short for Felicia.

Na-meet niyo na siguro yung kapatid kong si Lucresia. Yung kapatid kong hindi bitter at hindi in denial. Well, ako na lang ang magsasalaysay ng alamat ng bitter dahil hindi daw siya bitter.

Okefayn.

Merong four stages ang story na ito. First ay ang signs, then the causes, the effects, and the solutions.

Simulan natin sa signs ng bitterness.

What are the signs of bitterness and how would you know that you’re bitter?

First, taste yourself…. Hmm…

Sweet!

Pero joke lang yun. 

According to my studies and observations, ang mga bitter hindi nanonood, nakikinig, umaamoy, o humahawak ng mga bagay na makakapagpaalala sa kanila ng mga previous events involving the reason of their bitterness. For instance, yung kanina. Pinatay ng walanyakong kapatid ang TV na may madrama at nakakakilig na eksena dahil bitter siya.

Pangalawa, manlalait.

“Hindi naman magaling eh oh! Artista ba talaga yan? Sus!”

Nakita niyo naman ang sinabi ng kapatid ko habang nanonood ng “Halimuyak ng Calachuchi” starring Paulo Pascual and Anne Cortez. Hindi ko sure kung based yun sa professional criticism niya bilang undiscovered actress o talagang bitter lang.

“Maganda ba yun? Maputi lang eh.”

Isa pa yun. Frustrated siyang magpaputi kaya naman bitter siya sa mga mapuputi.

“Kadiri naman tong dalawang to. Sus! Kala mo sobrang sweet. Maghihiwalay din yan.”

Third, sadness. This usually occurs kapag wala siyang magawa o masabing negative sa nasasaksihan niyang kaganapan na nagsasanhi ng kanyang ka-bitteran.

Yang si Crey, ilang beses ko na yang nahuli sa kalaliman ng gabi na umiiyak. Nakahiga siya sa kama at tahimik na humahagulgol pero alam kong umiiyak siya kasi gumagalaw yung balikat niya na parang humihikbi. Tapos pagkagising, hindi makausap dahil tulala. Isa sa mga instance na yun ay nang makasalubong namin ang girlfriend ni Dustin.

Saka ko na siya ikukwento.

Okay, let’s move on to the second part.

Ang alamat ng bitter.

What is its causes?….

Well, heartbreak and discontentment…

Yun na!

 

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon