Bitter 20

282 7 0
                                    

Umaga na nang makarating kami sa Puerto Prinsesa. Halos anim na oras pa na byaheng bus ang lalakbayin namin, at dalawang oras na byahe sa Bangka papuntang isla Debangan. Kitang-kita sa mukha ni kapatid ang saya, habang kitang-kita ko naman ang abs ni Edward sa suot niyang see-through na polo. My gosh!

“May pawikan! Edwardo, pawikan!” sigaw ni Crey habang kulang na lang ay ilubog ang mukha sa tubig dagat sa pagdungaw.

Lumapit ng bongga si Edward, kumapit sa gilid ng bangka na parang naka-akbay na kay Crey, tapos dumungaw din. They are so like… bagay!

Kakwentuhan ko si Dor dahil kami lang ang magkakaintindihan dahil pareho kaming married.

“So talagang you’re in sort of adventure towards her new life?”

Oh yes, si Crey pa rin ang pinag-uusapan namin. “Oo, actually may kasama pa nga kami lagi eh.” Lumingon ako sa dalawa. “Bakit nga pala hindi sumama si Jerry?”

Nagkatinginan sila. Si Edward ay mukhang nang-aasar, lumingon sa akin. “Broken-hearted eh.”

“Bakit?”

“Binasted ng ampalaya.”

“Ewan ko sa yo,” sabi ni Crey.

“Pero okay lang yun. Hindi ka pa kasi ready.”

Oooh….

After 5 minutes, nakarating na kami sa isla. Buti na lang dahil balak ko nang hulihin at kainin ng buhay yung pawikan kanina dahil sa gutom.

Napakalinis at lawak ng isla. Ang ganda ng pantay na hilera ng mga puno ng buko na halos sakupin na ang espasyo ng lugar. Mangingilan-ngilan lang ang bangka na nakalaot. Mas marami sa kabilang isla na tanaw lang din namin. Doon daw kasi nakatira ang karamihan sa mga mangingisda.

Magdidilim na rin at medyo nakakatakot dahil walang liwanag sa labas kundi yung galing sa buwan. Buti may generator yung resthouse nina Edward.

Sinalubong kami ng isang mestisang matandang babae na kung hindi lang ako updated sa showbiz ay aakalain kong artista.

“Mommy!” sigaw ni Edward sabay takbo at yakap sa matanda.

“How was your trip? Hello there,” sabi ng ginang at kumaway sa amin nang buong kasosyalan. Yun pala ang lola ni Edward.

Maya-maya ay pinatuloy na kami sa loob. Tama lang naman ang lawak pero hanggang third floor ang taas. Halos kalahati ng third floor ay veranda. Kitang kita ang malawak na langit na punung-puno ng bituin. May tatlong kwarto sa second floor na para bang may iba’t ibang theme. May girly-ish na puro light colors at stuffed toys. Yung kwarto na malapit sa hagdan ay boyish type naman dahil sa posters ng basketball players at anime. Yung isa ang simple yet elegant. May lampshade kasi. Elegant na porke may lampshade no.

“You can stay here with Crey,” sabi ni Dor habang nasa girly-ish room kami.

Sinunod na lang namin siya dahil dinudugo na ilong ko sa English. Tapos pumunta na ako sa paborito kong parte ng bahay: kusina.

At dahil dakilang may-bahay ang lola mo, tumulong ako sa mga kasambahay sa pagluluto.

“Oh dear, no. You don’t have to do that.”

“Okay lang ho, sanay naman ako. Para mas mabilis na rin,” sagot ko sa lola ni Edward, habang naghihiwa ng sibuyas.

“Sige tulong na rin ako. Na-miss kong magluto ng sweet and sour lapu-lapu,” sabi ni Edward bago nakijoin sa amin. Sobrang daming hinain sa mesa na parang piyesta. Nagkatay pa kasi ng baboy para daw mas maraming putahe.

Habang kumakain ay napagtanto ko na may pinagmanahan sa kadaldalan si Edward. Halos naikwento na nilang magkakamag-anak ang talambuhay nila.

“So you are married? Sana sinama mo ang husband mo,” sabi ni Mommy Linda sa akin.

“Out of budget ho eh,” sagot ko sabay tingin kay Crey na katapat ko. “Tsaka gusto ko ho mag-unwind. Syempre pag kasama siya, kailangan kasama din mga bata. Naku!”

Tumawa sila. Talagang masayahin ang pamilyang to. “Sabi ko nga dito kay Edward, he should settle down.”

“Mommy,” angil ni Edward.

“Why? Are you still thinking about Charm? Don’t punish yourself just because she killed herself.”

Mabilis na napalingon si Crey kay Edward na katabi niya. Halatang nagulat. Pero si Edwrad ay tipid lang ang ngiti na nakayuko sa kinakain.

“Crey, antahimik mo naman,” puna ni Dor na nakapagpalingon kay kapatid na nakanganga pa rin. “And are you on diet? You should eat more.” Inabot nito ang isang bowl ng ulam. “Here, try this.”

“Allergic siya sa hipon,” sabat ni Edward sabay subo ng kutsara. Napalingon ulit si Crey sa kanya.

Tumingin si Edward. “Di ba nung birthday ni boss may handa ring sinigang na hipon, sabi mo allergic ka.”

“Dito po talaga kayo tumutuloy?” tanong ko kay Mommy Linda.

“No, but I’m planning to stay here since wala nang nagbabantay,” nakangiting sagot nito, sabay buntong-hininga, “My daughter loved this place.” Kitang-kita sa mga mata nito na nangungulila sa anak. Next time ko na lang itatanong kung anong ikinamatay nun.

Matapos kumain ay hindi na kami ang pinag-ayos ng hapagkainan at pinaghugas ng plato dahil may mga kasambahay nga. Sarap ng feeling ng mayaman! Hahaha.

Antok na antok na ako. Buti dalawa ang kama sa kwarto dahil si Crey ay sobrang likot matulog. Humiga na ako pero siya ay nagsusulat pa sa diary niya nang bumukas ang pinto.

“Hindi ka marunong kumatok?” tanong niya kay Edward na may dalang laptop.

“Hindi ako makatulog. Tara, movie marathon tayo,” pabulong na sagot nito na parang hindi narinig ang pagtataray niya.

“Tulog na si ate.”

“May earphones ako.”

“Sige. Patayin mo yung ilaw at wag kang maingay.”

Nilapag ni Edward ang laptop na dark blue sa kama, binuksan muna ito bago pinatay ang ilaw. Buti hindi nila alam na gising ako. Chismosa-mode activated!

“Alin panonoorin natin?” tanong ni Crey na kinakalikot na ang laptop.

“Ikaw, ano bang gusto mo?”

Tumabi si Edward kay Crey at biglang kumunot ang ilong nito.

“Anong pabango mo? Nakakahilo.”

“Matagal ko nang pabango yan, ano ka ba?”

“Parang wala ka namang amoy dati.”

“Syempre nagfe-faid na yun dahil matagal. Eh kakalagay ko lang pagkatapos maligo.” Nakakunot-ilong pa rin si Crey nang kalikutin ang laptop.

“Ito, Saw III.”

“Titanic na lang.”

“Baduy naman nito.”

“Bitter ka lang.”

“Saw II na lang, may moral lesson pa.”

“Ano?”

“Kung mamamatay ka rin lang, wag ka na lumaban.”

“Ewan ko sayo. Ito na lang, Lovely Bones.”

“Maganda ba yan?”

“Suspense.”

“Sige.”

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon