Bitter 33

148 5 0
                                    

Crey: 

Maghapon lang akong nagkulong sa kwarto ko. Wala namang nag-abalang kumatok o maghanap sa akin. Lahat ng tao sa bahay ay galit sa akin. Pero mas galit ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina. Basta galit ako. Galit ako sa kalandian ni Mencio, sa kasiyahan ni Mandy, at sa kabaitan ni Edward.

Ganito naman talaga ako kahit dati pa. Pero parang angsakit.

Bakit ako nasasaktan sa mga sinabi ko? Kasi hindi totoo. Hindi totoo lahat ng sinabi ko mula sa pakikipag-usap ko kay Mencio hanggang sa pakikipag-away kay Edward. So bakit ko sinabi?

Ewan.

Ewan.

Kinuha ko yung laptop ko at paulit-ulit na pinatugtog ang mga paboritong kanta ni DK. Para maramdaman ko ulit yung sakit. Yung sakit na pamilyar. Hindi yung ganito. Ayoko ng ganito.

DK! DK! DK!

*hikbi

"Edward..."

______________________

*tooot tooot

May nagtext pero tinatamad akong bumangon kahit pa nga kanina pa ako gising. Kinapa ko ang kama para hanapin ang phone ko.

"Guys, resched tayo ng reunion para maraming makasama. Sabado na lang."

Bahala kayo. Wala rin naman ako sa mood pumunta at may pasok din ako. Haay.. Magkikita na naman kami.

Hindi katulad ng inaasahan, maaga akong nakapasok sa office. Hindi ko pa siya nakikitang dumaan. Nasaan kaya yun?

"Crey, patulong naman dito," sabi ni Lara, katrabaho ko. Kahit wala sa mood ay tumulong na rin ako dahil wala pa akong ginagawa.

"Bennie, paki-check nitong report last month." Nangatog ang buong katawan ko nang marinig ang boses na yun. Unti-unti akong lumingon at andun nga siya. Parang nanghihina ako. "Lerie, tigilan mo muna ang telebabad, oras ng trabaho."

"Sige na, bye, love you," bulong ni Lerie sa kausap. Kumunot ang noo ni Edward habang nakatingin sa kanya at umiling. Patalikod na siya nang mahagip niya ang tingin ko. Parang kinuryente ang katawan ko kahit ilang segundo lang ang tingin niya.

Lumapit si Sir Jairus at may ibinuling sa kanya. Tumango siya at lumapit ulit kay Bennie. "Bennie, wag mo na palang ituloy yan. Puntahan mo sa lobby si uhm... Mandy." Parang naguluhan din siya sa sinabi.

"Mandy, sir?"

"Yes, basta hanapin mo siya doon."

Lumapit naman siya sa akin nang hindi tumitingin. "Ikaw na ang magtuloy nito. Alam mo naman na i-check to. Give it to me asap."

"Y-yes Sir."

What? Bakit sobrang formal namin? Nasaan yung dating kulitan namin bago siya mag-utos?

Pag-alis ni Bennie ay may mga dumating na ibang taong hindi ko kilala.

"Okay guys, listen up," sabi ni Sir Jairus, "may surprise birthday party ang friends ni Bennie para sa kanya. Just go with the flow."

"Birthday pala nun, di nagsasabi," sabi ni Jerry.

Dahil sa surprise party ay hindi na kami halos nakapagwork. Buti at good mood si Sir Jacinto at pinagbigyan kami. Pagkatapos ng office hours ay nagkayayaan sa bar.

"Dali na Crey, sumama ka na. Ako lang kasamang babae eh," sabi ni Lara. May date kasi si Lerie kaya hindi sasama. Napatingin ako kay Edward at nahuli siyang nakatingin. Mabilis din niyang binawi ang tingin sakin. "Please."

"Sige na nga." Napilit din niya akong sumama.

Sobrang ingay sa bar. Buti maraming sumama kaya may dahilan akong hindi malapit kay Edward. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya napapansin. Buti hindi siya tumitingin. Pero nakalalungkot. Sumabay kami sa mga tugtog sa bar pero walang nangahas na sumayaw. Puro kwentuhan at inuman lang.

"Gusto ko magrequest ng kanta!" sigaw ni birthday boy na medyo lasing na.

"Ano? Sige, request natin sa DJ," sabi ni Jerry.

"Hard to say I'm sorry. Kapanahunan ko yun."

"Bar ito, hindi videoke house."

"Okay lang yan!" sigaw ni Lara.

"Peyborit ko yun eh. Kashi, the hardest ting to say is I'm sorry."

"Hindi kaya," sabi ni Edward. Walang sigla sa boses niya pero may ngiti ng kaunti.

"O, hindi daw o. Ano ba boss ang hardest to say? I lab yu?"

"Hindi rin," sabi niya hawak ang beer, " I forgive you."

Parang maiiyak ako anytime dahil sa sinabi niya. Hindi ko kinakaya ang usapang ito.

"Sabi nila, kaya daw mahilig kumain ng chocolates ang mga babaeng broken hearted ay para mawala yung bitterness na nararamdaman nila. At sa mga lalake, kaya umiinom ng alam ay para makalimutan nila ang sweetness ng babae."

Uminom si Edward ng alak at  nag-make face. "Ampait." Tumawa sila. Pinilit ko rin tumawa pero hindi ko kaya.

Nang matapos ang inuman ay kanya-kanyang uwi na kami. Nagprisinta si Jerry na ihatid ako at hindi na ako tumanggi dahil mahirap na. Sobrang awkward nga lang.

"Jerry, okay naman na tayo diba? I mean, no hard feelings or anything."

"Ah, oo naman. Wala na yun," sagot niya nang nakangiti. "Kahit itong paghatid ko ay wala nang malisya. Napag-utusan lang ni bossing at syempre delikado na ngayong gabi."

"Napag-utusan?"

Ngumiti siya. "Wala, sabi kasi ni Sir Edward na kung wala na daw akong ibang dadaanan eh ako na lang maghatid sayo dahil may pupuntahan daw siya."

"Pupuntahan?"

"Ewan ko dun. Sige na, pahinga ka na."

Nasa tapat na pala kami ng bahay. "Salamat."

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon