Hindi naman ganun kababaw si kapatid para maging Most Bitter 2012 kung lalaki lang ang dahilan ng ka-bitteran niya.
Nasabi ko nang isa siyang undiscovered actress di ba? Undiscovered pa kasi naman, takot sa auditions. Parang tinutuklaw na siya ng mga fliers at posters sa school nila noon pero hindi man lang nag-take ng risk. May star circle na nga at star struck dati eh.
Pero hindi kasi ganun yung trip niya. Mala-theatrical chuchu ba.
“Eh pano kung makalimutan ko yung lines. Pano kung madapa ako o pumiyok. Pano kung hindi ako magaling?”
“Eh pano mo malalaman kung hindi mo susubukan?”
Pero wala pa rin.
Nung high school siya, lagi siyang sumasali sa mga events sa school involving acting kahit mga mini plays.
“Promise, sa college talaga mag-o-audition na ko sa mga theater play.”
Pero naka-graduate na siya at lahat ay wala pa rin siyang audition na napupuntahan. May napuntahan na pala siya, pero nanood lang at nanlait ng mga umaarte. Nung makakita ng magaling, nag-walk-out.
“Kukunin ko na po. Okay, I’ll give you an update to that. Ate alis na ko. Hoy Cremencio bitawan mo yang lipstick ko!”
Si Crey yun. Magulo ba ang sinabi niya?
Well, first ang kausap niya sa phone ang sinasabihan niya. Yung boss niya yata.Tapos ako, then yung kapatid namin na pinaglalaruan ang make-up niya. Nagdasal pa naman ako na huwag bumigay ang baby boy namin pero mukhang malabo na yata.
Buti na lang may isa pa kaming baby boy. Si Ignacio, bunsong kapatid namin, five years old.
Anyways, back to business.
Isa pa yang trabaho niya. Sabi niya dati mag-iipon lang siya ng kaunti para makapagtayo ng business tapos lilipat na siya ng trabaho o kaya naman ay siya ang mag-aasikaso ng business na hanggang ngayon ay pangarap pa rin.
Pero nakakatatlong taon na siya sa trabaho ay hindi pa rin siya umaalis dun kahit pa nga siya na rin ang may sabi na gusto na niyang umalis.
“Sayang kasi yung trabaho eh.”
“Sayang din naman yung pinag-aralan mo. Walang connect sa trabaho mo, wala pang connect sa gusto mo.”
Computer Science ang kinuha niya pero ang gusto niya ay fashion designing. Tapos ngayon, nagta-trabaho siya bilang accountant sa isang kumpanya ng alak.
At ang alak ay bitter.
Connect!
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...