“Good morning,” nakangiting bati ni Edward. Medyo nagulat ako sa pagbisita niya dahil halos isang linggo na matapos ang birthday ni Crey.
“Uy, pasok. Napadalaw ka?” Nag-aayos ako ng medyo magulong bahay dahil sa paglalaro ni Nash. Maaga kasi magising yun tapos maglalaro ng kung anu-ano. Mas okay na yun kesa manood ng TV. Karamihan kasi sa mga bata ay TV kagad ang kaharap pagkagising pa lang. Yun nga lang, ako ang mapapagod kakaayos.
“May dala akong almusal. Kumain na ba kayo?” Pumasok na ito papuntang kusina. Grabe no? Feel at home na siya. Sinundan ko siya at nakitang nilapag ang pagkain sa mesa. May palabok, malaking ensaymada, at tatlong kape. Starbucks pa ha. Sosyal.
“Nag-abala ka pa.” Madali lang naman akong ligawan eh. Pero hindi ko na sinabi yun.
“Gising na ba si Crey?”
Awts! Basted. Haha. “Hindi pa eh. Kapag talaga day-off nun late magising.”
“Ah…” Tumangu-tango pa. “Tara, kain na tayo. Mamaya susunod na si Jerry. Tas pag-usapan na natin yung gagawin.”
Naguluhan ako sa sinabi niya. “A-anong gagawin?”
“Arh? Rung shinashabi mong, *chrp chrp*” Tapos nilunok yung nginunguya niyang ensaymada. “Gagawin natin para tumino ang utak ni Crey.”
“Ahhh…”
“Anong gagawin niyo sa kin?” tanong ni Crey na kakagising lang. Naka-spaghetti strap na fitted sando, micromini short (oha!) at gulu-gulo ang buhok. Pupungas-pungas, humikab at nagstretching. Ginulo ang magulo nang buhok, exposing her flawless kili-kili. Nang makita si Edward ay biglang binaba ang kamay. “Bakit nandito ka?”
Nakangiti si Edward. Nakakalokong ngiti. Nakakaloka! “Nakikikain.”
“Layas,” sabi niya sa mababang tono with matching turo sa pinto.
“Siya nagdala ng pagkain,” sabi ko sabay upo at nakikain na rin.
Taas-kilay at nakanganga pang nakaposing ang ampalaya. “Tara, kain tayo. Mahal tong kape.”
Lumapit ito nang may masamang titig kay Edward, kumurot ng ensaymada saka sinubo. “Anong trip to Edward?”
“Umupo ka muna at kumain. Mamaya ko na papaliwanag kasi bagong gising ka. Baka masapak mo ko,” nakangiti pa ring sagot nito. Tahimik nga kaming kumain. Well, kami lang magkapatid, kasi si Edward ay parang nag-ipon ng kwento. “Meron ba kayong dyaryo?”
“Meron. Teka. Mencio! Pakuha nga yung Mantika Bulletin dyan!” Maya-maya ay dumating na ang malandi kong kapatid at inabot kay Edward ang dyaryo.
Pinapanood ko lang siyang magbasa habang kumakain. “Buti na lang nag-green ako. Lucky color ko daw to ngayon.”
Tiningnan ako ni Crey. “Horoscope. Yan lang ang binabasa niya sa dyaryo.”
“Kesa naman yung mga headlines ang basahin ko. Puro bad news. Leo ka Crey no? Kasi August 4.” Tapos may hinanap ito.
“Wag mo kong idamay sa kalokohan mo Edward.”
“Ayun!” Hindi naman siya pinakinggan at nagpatuloy sa pagbabasa. “Sakto! Simula daw ito ng pagbabago ng buhay mo kung hahayaan mo lang ang sarili mong buksan ang blah blah blah…”
Hindi siya pinansin ni Crey pero naintriga ako kasi parang tama nga ang horoscope na yun. “Tingnan mo nga yung akin. Capricorn.”
“Teka.”
“Ate, ano ba! Para kang ewan,” sabi ni Crey tapos nagwalkout at naligo. Pagbalik niya ay fresh na siya. Ready nang maghugas ng pinggan. “Pwede mo na bang sabihin yung pinaplano mo?”
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...