*hikab
*unat kahit nakahiga
Angganda ng panaginip ko. The fashion show, the fireworks, the kiss...
Wait. Hindi panaginip yun... Di ba?
Anong oras na ba? 9AM ang flight ko e.
Kinuha ko ang phone at nakitang 8:30 na. Oh my gali!
Kumaripas ako ng takbo sa banyo at naligo. Ano kayang susuotin ko? Sasabay kaya si Edward? Ano nga bang favorite color niya? Green nga pala, naalala ko nung nasa Palawan kami. Eeh. Kinikilig ako.
T-shirt?
Dress?
Wala pala akong dalang dress. Ito na lang gray blouse. Sinuot ko at humarap sa salamin. Ampangit. Bakit kasi ganito yung mga dinala ko? Ah, red blouse na lang. Sabi naman niya bagay daw sa akin ang red.
Nagbihis na ako at nag-make-up kaunti bago puntahan si Ate Dor. Nasaan nga ba yun?
Pupuntahan ko ba si Edward? Wala akong ibang kilala dito eh, bahala na. Kaso lang baka isipin niya hinahabol ko siya. Pero kung hihintayin ko dito si Ate Dor, baka ma-late ako sa flight.
Kaya ko to. Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ang kwarto ni Edward.
"Edward?"
"Crey? Pasok ka."
Pumasok ako at nakitang nagmamadali din siya.
"Nakita mo ba si Ate Dor? Hindi ko natanong kung sabay kaming babyahe e."
"Mamayang 9 AM ang byahe mo di ba?"
"Oo, baka mal-"
"Ang-aga mo naman, 7:30 pa lang ah."
"Ano? Akala ko."
Shoot! Baka akalain niyang nagdadahilan lang ako para pumunta sa kwarto niya.
"Teka, bakit ka nagmamadali?" tanong ko.
"Pupuntahan ko si daddy. Medyo maselan yun sa pananamit lalo pa't may kasama siyang businessmen."
Halata ngang tense siya. Nagsasapatos na siya habang nagtetext at hindi pa ayos ang necktie. Lumapit ako.
"Ano ka ba naman, relax."
Tumingin siya sa akin at ngumiti na parang nagsosorry. Para na namang kinuryente ang dibdib ko.
"Tulungan na nga kita," sabi ko at umupo sa kama katabi niya at inayos ang necktie niya. Dahil sobrang gulo ay sinimulan ko ulit sa umpisa.
"Anong oras ba yun?"
"Quarter to eight daw dapat nasa baba na kami."
"Bakit kasi... Hindi ka ba nagising ng maaga?"
"Oo eh. 4:00 na kasi, hindi pa ko makatulog."
Pareho kaming natigilan sa sinabi niya. Hindi ako tumitingin pero alam kong nakatingin siya sa akin.
"Iba ata yung pabango mo," sabi ko nang maamoy ang pabango niya.
"Pinalitan ko na. Sabi mo kasi nakakahilo di ba?"
"Hm, mas gusto ko yung dati."
Tumawa siya ng mahina. "Hirap ka talagang makapagdecide ng gusto mo no?"
Tumingin din ako sa mga mata niya. Mga ilang saglit din kami nagtitigan bago ako sumagot. "Hindi ko alam."
"Lagi ka kasing nag-iisip e. Sometimes it's all in the mind. Try to look deep, baka mahanap mo yung sagot."
"I... I think I already know."
Ngumiti siya ng kaunti habang ang mga mata'y nangungusap. Alam mo yun?
"Yung... Yung nangyari kag-"
"Edward? Oh! There you are Crey. I've been looking all over for you."
Pareho kaming nagulat nang pumasok si ate Dor.
"I-inaayos ko lang ang collar niya.. I mean necktie." Pinipigilan naming ngumiti.
"Oh well, andito na yung cab. Hatid na lang kita hanggang airport. Hindi ako sasabay dahil nagyaya si dad. Edward, tell dad I'll be late."
"Alis na kayo? Ang-aga pa," sabi ni Edward. Kinilig ako lalo nung tumingin pa siya sa akin.
"The earlier, the better. Nasa baba na si kuya, sumunod ka na dun."
"Samahan ko na kaya kayo." Anghirap magpigil ng kilig.
"No need. Dad will be upset. And he misses you. Antagal niyo nang di nagkikita." Sayang naman.
"Okay."
"Crey, let's go," sabi ni Ate Dor bago umalis.
Naglalakad na ako palabas nang hawakan ni Edward ang kamay ko."Hey, I'll see you in Manila.
Tumango ako. "Ingat."
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...