Feli:
Walang kamatayang kwentuhan ang nangyari dahil umuwi sina Mama at Papa galing abroad. Syempre sobrang surprised si Crey dahil hindi niya alam na uuwi yung dalawa. Bangag kasi siya nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na sinabi. Trip lang.
Andaming chocolates, sabon, damit, lotion, toothpaste, mani.
"Ma, Pa, ano bang trabaho nyo? Shoplifter?" Tawa lang ang sagot nila sa tanong ko.
"Bakit pala sabay kayong umuwi? Buti pinayagan kayo."
"Syempre hindi ko iiwan ang labidabs ko," sabi ni Papa sabay kiliti kay Mama at halik sa pisngi.
"Honey, nakikiliti ako."
"Yak, kakaumay."
Alam niyo na kung sino nagsabi nun.
"Hmp! Inggit ka lang. Magboyfriend ka na kasi," sabi ni Papa kay Crey.
Umiling-iling lang si Crey. Hindi kilala nina Papa at Mama si DK dahil hindi nagkukwento si Crey tungkol dito. Pero ang mga ex niya ay kilala nila.
"Malapit na magkaroon yan," sabi ko sabay subo ng chocolate.
"Sino?"
Nag-walkout bigla ang ampalaya matapos magtanong ni Mama. Hay naku Crey. Bitter ka na nga, in denial pa.
______________________
"Crey, samahan mo ko mag-grocery. Wala na tayong pang-ulam mamaya tsaka mauubos na gatas ni baby," sabi ko habang nagsusuklay. Huminto siya sa pagsusulat sa diary at tumitig sa kawalan. Maya-maya ay lumingon sa akin na parang nag-aalangan.
"Dali na, minsan lang naman."
Mukhang nag-isip ulit siya.
"Grocery lang naman no?"
"Oo, mabilis lang yun."
"Where are you going?" pasosyal na tanong ni Mama.
"Magg-grocery. Wag kang sumama Ma, mainit dun," sabi ni Crey.
"Mall? Mainit sa mall?"
"Sa palengke kami. Tara ate," sabi niya sabay tayo.
"Hindi ka maliligo?"
"Tapos na."
Shopaholic kasi si Mama kaya ayaw kasama ni Crey sa galaan dahil sobrang tagal kumilos at sobrang usisi sa paghahanap.
"Andaya niyo ah." O di ba? Parang tropa lang kami.
Wala pa rin sa mood si Crey sa mall pero hindi na siya masyadong lumilinga-linga na parang takot makakita ng mumu.
"Ano pa ba? Dito na ba tayo bibili ng gulay o sa palengke na lang?"
"Ikaw na lang bahala. Di naman ako magluluto eh."
"Gusto mo turuan kita?"
"Wag na, tinatamad ako."
"Sabagay, marunong naman siya magluto."
Tumaas ang kilay niya. "Sinong siya?"
Tumunog ang cellphone niya bago pa ako makasagot.
"Hello?"
Yung poker face niyang mukha ay unti-unting napalitan ng ngiti. Pinipigil niya pa pero hindi effective.
"Ewan ko sayo... Asan ka?... Nasa mall, nagg-grocery."
Mukhang hindi ko na kailangang tanungin kung sino yun.
"Bakit?... Sa Metromall lang." Tumawa siya. "Baliw!... Bahala ka... Sige." Tumawa ulit bago niya ibaba ang phone.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...