Feli:
Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap ni Crey at wala akong balak kausapin siya. Impaktang yun. Syempre nag-aalala pa rin naman ako lalo pa't nakipag-inuman siya nung isang araw pero malaki naman na siya. Alam na niya ang tama at mali. Mas madalas nga lang gawin yung mali kesa tama.
Kasalukuyan akong nagfe-Facebook nang may tumawag.
"Hello?"
"Hello Feli, si Dor ito. Is Crey there with you?"
"Wala. Pumasok. Bakit?"
"Oh, I just thought you should know. Mommy Linda passed away yesterday. Dito siya sa Sampaguita Funeral nakaburol and Edward has been here since yesterday pa. Hindi namin siya makausap and I thought baka makatulong kayo."
"Sige, pupunta na ako dyan. Tatawagan ko na lang si Crey."
Kawawa naman si Edward. May problema pa nga sila ni Crey tapos nangyari pa ito. Buti nakaligo na ako at day off ang asawa ko.
Dumiretso na ako sa Sampaguita Funerals na halos 15 minutes din ang byahe mula sa amin. Naabutan ko si Dor na nag-aalala. Tinuro niya ang kinauupuan ni Edward. Tinabihan ko siya.
"Condolence." Nakatulala lang siya at bakas ang puyat at stress. "Magpahinga ka muna. Kahit idlip lang. Masama yan sa katawan at mukha. Nakakapangit." Tulala pa rin siya. "Talagang dumarating sa ganyan ang tao," sabi ko nang nakatingin sa kabaong. "At least nabuhay siya nang masaya diba?" Hindi siya umiimik. "Mamaya daw dadaan si Crey dito." Kumunot ang noo niya ng banggitin ko yun. "May pasok pa kasi."
"Bakit ganun? Lagi akong iniiwan ng mga babaeng minamahal ko?" bulong niya. Nalulungkot ako para sa kanya.
"Hindi naman ikaw ang may problema dun at iba-iba naman ang mga dahilan ng pagkawala nila."
"Kung alam ko lang sana hindi lang two weeks ang stay ko sa Palawan."
"At least nakasama mo pa siya ng ganun katagal."
Katahimikan ulit.
"Maiba lang ako ah. Hmm. Mahal mo na siya no? Si Crey?" Hindi siya sumagot. "Bakit-"
"Gusto ko sana siya ang unang makaalam. Kaso lang..." Wala akong masabi. "Hindi ko pa siya nakikita noon pero inggit na inggit ako kay Dioskoro. Dumating pa sa point na nasabi kong sana ako na lang siya."
"Ganyang ganyan ang sinabi ni Crey tungkol kay Mandy noon."
Matapos yun ay hindi na ulit siya umimik. Pogi pa rin siya kahit haggard at gusgusin. Sana lang talaga dumaan si Crey. Sasakalin ko talaga siya pag di siya pumunta.
________________________
Crey:
Bakit ba kung kelan nagmamadali ako, saka naman dumami ang trabaho? Buti na lang nag-OT si Bennie kundi baka ako pa ang mag-OT. Nang matapos ko lahat ay halos lumipad na ako papunta sa Sampaguita Funerals. Nangangatog man ang tuhod ko ay pinilit kong tumakbo. Hindi ko nga alam kung bakit ako tumatakbo. Pumasok agad ako sa loob at naabutan ang dami ng taong nakikiramay.
Si Edward, nakatayo sa harap ng kabaong. Lumapit ako at hinawakan siya sa balikat. Nang lumingon siya ay lalo akong naawa sa kanya. Namumugto ang mga mata nya.
"Condolence." Tumango lang siya. "Anong nangyari?"
"Heart attack." Hindi ko na alam ang magandang sabihin. Gusto ko lang na maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. "Kumain ka na dyan. Hanapin mo na lang si ate," sabi niya at lumakad na palabas.
Hinabol ko siya. Bahala na.
"Edward." Huminto siya pero hindi lumingon. Ito yung mga eksena sa pelikula na pinandidirian ko noon pero ngayon, ito lang ang chance ko para maging masaya ulit. "I'm sorry." Pumiyok pa ako. Shoot! Luha, wag ngayon please. "I'm so... So sorry."
Lumingon na siya. Walang reaksyon ang mukha. "Para saan? Sa sinabi mo? Totoo naman lahat nang yun eh. Although masakit na yun pala ang tingin mo sa akin."
"Hindi. Hindi totoo yun."
"Ang alin? Anong hindi totoo dun?"
"Lahat." Shoot! Anggaling ko magpigil ng luha.
"Talaga?"
"Hindi totoo ang mga sinabi ko."
"Pwes ito totoo. Inggitera ka. Matigas ang ulo mo. Lagi mong iniisip ang sarili mo lang. Kapag nalulungkot ka, nahihirapan ka, nasasaktan ka, nanghihila ka ng ibang tao pababa para maramdaman mong hindi ka nag-iisa. Anghilig mo mandamay sa problema mo. Sinasabi mo ang kahit anong gusto mong sabihin without thinking kung totoo ba yun. At ang masaklap, alam mo naman lahat ng ito, ayaw mo lang aminin sa sarili mo."
"Yes, that's the worst part," bulong ko.
"No. The worst part is I love you. At kaya kong tanggapin lahat ng yun kung hinayaan mo lang ako. But you're so attached to DK kahit hindi naman na dapat." Hindi ko na pinigilan ang luha ko. "You know everything about him while you don't even know the title of my favorite song kahit araw araw na nating pinapatugtog. How can I compete with that? I'm just so tired of changing for other people's sake. Why can't you just accept me for... Me? Is that too much to ask?"
"Ayaw lang kitang masaktan pa."
"You already did. Pero tama ka. Hindi ko kayang ayusin ang buhay mo. Wala nang ibang makakaayos niyan kundi ikaw."
Tulala ako matapos yun sabihin ni Edward at umalis. Totoo pala yung kasabihang "Truth hurts".
Ang pinakamasakit sa mga sinabi niya ay yung mga salitang hinintay ko ng ilang taon mula sa taong akala ko mahal ko na alam kong hinding hindi niya sasabihin: I love you.
Andami kong nasaktan at nadamay dahil sa kahibangan ko. Si Edward, si Mandy, barkada ko, exes ko, pati si ate Feli. Tama si Edward, kailangan ko nang ayusin ang buhay ko. Kasi ako lang din naman ang nagpakumplikado nito. Sana lang mapatawad pa nila ako.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...