Kasama ko sina Mencio at Ignacio, pati na rin si Darwin at Julius, yung anak niya. Nasa theater auditorium kami ng isang school. Dito kasi magp-perform sina Crey. Naeexcite ako para sa kanya.
Maya-maya ay dumating na si Edward.
“Buti hindi pa nagsisimula.”
After fifteen minutes ay nagsimula na.
“Karangyaan Mo” ang pamagat. Parang nagmumura lang eh no?
Mayamang matrona ang role ni Crey. Bagay sa kanya dahil mataray ang role.
Dalawang oras din ang haba ng palabas. Kahit nakakahiya ay nagstanding ovation kami nang matapos at ipakilala ang mga casts. Hehe. Proud talaga ako sa kanya.
“Thank you,” sabi ko kay Edward, na nagvivideo, in behalf of my sister. Ma-pride din kasi yun eh. Di man lang magpasalamat kay pogi.
“My pleasure.”
“Ate!” sigaw niya sa akin nang makalabas kami. Marami pang nagpapa-picture sa kanila.
Sobrang kapal pala ng make-up nila. Syempre theatre.
Kinuhaan kami ni Edward ng picture magkakapamilya. Tapos kinuha ko sa kanya yung cam at pinatabi kay Crey.
“Kayo naman.”
“Ha?” Papalag pa yata si Crey pero wala nang nagawa.
Hay, ang-cute nila.
Matapos magpa-picture at makapagpalit ng damit, nag-Mcder na kami para kumain. Si Crey naman, himala, dumaldal.
“Grabe yung kaba ko nung ako na yung sasalang. Pero hindi ko naman makita yung mga audience kasi masyadong maliwanag. Pero nung kalagitnaan na hindi na ko kinakabahan. Okay lang ba?”
Nag-thumbs-up kami. Si Edward nakangiti lang na nakikinig sa kanya.
Alam kong cheesy pero nagkikislapan talaga ang mga mata nilang dalawa. Cool.
“Pagkatapos nga nung pinakamahaba kong exposure eh hindi ko namalayang natutuyuan na ko ng lalamunan. Buti may nakita akong bagong mineral water, nilaklak ko kagad.”
“O, kumain ka muna,” sabi ko. “Pwede ka na sa New York.”
Nanlaki ang mata ni Crey sabay bumuntong hininga nang nakangiti.
Sobrang saya ko sa nakikita kong pagbabago ni Crey. Sana magtuloy-tuloy na.
“Well, six down, nine to go,” sabi ni Edward habang chinechekan ang wish lists ni Crey. “Oo nga pala, uuwi ang Ate Doris sa December tapos niyayaya niya ko magbakasyon kahit saan daw. Kasama niya yata yung anak niya kaya gusto lumibot. At since meron kaming kamag-anak sa Palawan, yun ang sinuggest ko sa kanya.”
“Palawan? Anlayo naman,” sabi ng epal kong asawa.
“Malayo nga. Kaya wag na kayong sumama ah. Kami lang ni Crey,” sabi ko. O ha, taray.
“Palawan? Magkano naman?” tanong ni Crey na masigla na.
“Yung pamasahe lang naman ang iintindihin niyo. Magbabarko tayo kasi mas enjoy yun eh. Mga 1,500 ang pamasahe sa barko pa lang. Pero magbu-bus pa tayo tsaka Bangka dahil isang isla yung kina lola eh.”
“Mga 8,000 ang kailangan namin?” nakangiwi kong tanong.
“O sige,” sabi ni Crey na ikinagulat ko, “Basta kami lang ni ate ah. Babawasan ko muna yung kayamanan ko sa ATM.”
Nakanganga akong nakangiti kay Crey.
Palawan trip!!!!
Iba na talaga pag masaya.
*After a month
Feeling ko ambagal ng panahon kahit pa nga pareho kaming busy ni Crey sa mga trabaho namin. Wala nang day-off o mahabang breaktime si Crey matapos ang presentation ng play nila. Nag-concentrate ulit siya sa trabaho.
Nanghinayang nga yung mga kasamahan niya nung hindi na siya umattend sa workshop. Bumisita pa dito para lang kamustahin si Crey. Magaling daw talaga siya at sana ay magpatuloy. Nagpapalakas muna kasi siya sa may-ari ng kompanya kasi nahalata nang lagi silang wala ni Edward.
Si Darwin ay nasanay na rin sa gawaing bahay. Syempre wala siyang choice no.
Mabait naman ako sa anak niya. Well, anak pala namin. Inako ko na ang pagiging ina kay Julius. Wala rin naman kasi akong choice tsaka mabait na bata naman siya. May kalaro na rin si Nash. Wag lang sanang mahawa kay Mencio.
Balak kong lumipat ng ibang trabaho dahil hindi na ako nacha-challenge sa trabaho ko.
O di ba?
Ang arte.
Gusto talaga yung macha-chalenge.
Try mo kayang makinig sa mga sermon ni “father Edward” tungkol sa buhay-buhay, naku! Parang pakiramdam mo bawat pag-ihi mo ay nasasayang ang oras mo.
Pero okay lang din kasi at least natututo na si Crey mag-enjoy, magsaya, gumastos. Ang hindi na lang niya natututunan na dapat ay matagal na niyang natutunan… ay ang magmahal ng iba.
Nahawa na yata ng pagka-manhid kay Dustin.
Well, ayoko na siyang pag-usapan dahil walong taon na akong nagtitiis sa topic na yan.
Busy ako ngayon sa pag-iisip ng mga dapat kong dalhin para sa Palawan trip namin. Magdadala ba ako ng sunblock? Kasi para saan pa ang pagsa-sun bathing kung iba-block mo rin yung sun? At para saan ang sun block kung iitim ka rin naman kapag nasobrahan sa bilad?
Wag na nga lang. Wala rin naman akong sun block eh. Hahaha.
Magdadala ba ako ng laptop?
Wag na lang din. Para mapagpahinga ko ang mata ko. Tsaka para makaipon ako ng notifications. Feeling ko kasi andami kong friends pag maraming notifications.
How pathetic!
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...