“Saan ba kasi tayo pupunta ate?” Pumasok kami ni Crey sa isang restaurant na hindi fastfood. “Uy, mahal yata dito.”
“Dyan ka lang ah. Mamaya darating na ang date mo.”
“Date?” Bilog na bilog ang mata niya. “Sino? S-si DK?”
Ano ba to? Gusto kong sapakin. “Hindi. Bulag ang date mo, hindi manhid.”
Sumimangot siya. “Pakana ni Edward to no?”
“Nagtanong ka pa. Sige na, aalis na ako at baka dumating na ang date mo.”
Lumabas na ako at nagwindow shopping. After an hour nagtext na si Crey. Antsaga ko no? One hour naglibot. Namiss ko kasing makalabas ng bahay eh. Yun nga lang, bitbit ko si Nash. Si Mencio, nasa school.
“O kamusta?”
Ngumiwi siya. “Hindi maputi, hindi marunong magdrawing, hindi marunong kumanta…”
“In short, hindi si DK?” Hindi siya sumagot. “Don’t worry. Marami ka pang pag-asa. Dun naman tayo sa Starbucks. Andun na yata yung is among date. Remember, 1 hour lang ha.”
“Grabe naman yan. Andaming blind date,” sabi nito pero dumiretso na rin sa Starbucks. Since wala pa ang date niya ay tinabihan ko muna siya.
Biglang may nagwawalang babae sa kabilang table. Kinakausap ang isang babae.
“Baby. Hinaan mo ang boses mo. Nakatingin sa tin lahat ng tao,” sabi ng boyfriend nito.
“Sorry baby, ito kasing si Jo ang kulit kulit…”
Umiyak naman yung babae.
“Grabe ha. Nagkalat pala ang mga bigo dito sa Strabucks,” sabi ko kay Crey.
“Wag naman baby…”
“Kakampihan mo pa kaibigan mo baby?”
“Di naman sa ganun baby…”
“Pigilan mo ko teh, sasapakin ko tong dalawang to. Baby baby kayo dyan,” sabi ni ampalaya.
Natawa na lang ako. Yung dalawang lovers kasi nakalimutan na yata yun kasama nilang babae.
Anyways, iniwan ko na si Crey nang mapansing may lalaking pumasok na mukhang may hinahanap. Tinanaw ko na lang siya mula sa labas. Nilagpasan siya nung lalaking pumasok so hindi yun ang date niya. Biglang may pumasok na lalaking hindi masyadong kaaya-aya ang mukha.
Napangiwi ako.
Sure akong maiirita lang si Crey kung ito ang date niya.
Nanlaki ang mata ko nang lumapit ang pangit sa kanya. Kitang-kita ko rin ang gulat sa mukha ni kapatid.
Pumasok na ako bago pa magka-riot. “Sis! Andyan ka lang pala. Excuse me, kasama ka ba ng sis ko?” tanong ko kay pangit.
“Hi ate Kwey. Sino ka pangit?” sabi ni Nash.
“Ay, sowi pow. Akala ko pow siya yun date kow.” At umalis na si jejengit.
“Oh my gosh” na lang ang nasabi ni Crey.
Masyado ba kaming judgemental? Sorry, pero ang hinahanap namin ay ang lalaking posibleng makasama ni Crey habang buhay.
“Tara, mag-bar tayo.”
“Bar?” Buti na lang dress ang pinasuot ko sa kanya. Appropriate for any forms of date.
“Sa bar daw kayo magkikita ng pangatlo mong date eh.” Lima ang nakasulat sa papel na binigay ni Edward. Hindi ko alam kung saan napulot ni Edward ang mga lalaking ito pero mukhang mga bigatin.
“Pangat-? Wait lang ha!” May pinindot siya sa celphone tapos may tinawagan. “Hello! Wala akong pakialam kung busy ka. Anong gimik to?... Eh bakit andami?... Choice? Para maraming choice? Eh puro choice mo to eh! Gusto mo ng choice ko? Si Dustin Karl Florendo!” sabay baba ng phone. “Tara na!”
Nakakatakot talaga si kapatid kaso medyo sanay na ko. Dumiretso na kami sa bar at may nakaupo na sa table na naka-serve para sa date ni Crey.
“Dito na lang ako. Magtext ka na lang ah.”
Alas-otso na pala. Nakalimutan kong magsaing. Sure akong nasa bahay na si Mencio. Tinext ko si Crey na mauna na ako at tinext si Edward na ipa-cancel na ang iba pang date ni Crey dahil sure akong hindi na yun tutuloy dahil wala ako. Tapos umuwi na ako.
After two hours, dumating na rin sa bahay si Crey, nakangiti. Mukhang maganda ang kinalabasan ng date. May hawak itong maliit na envelope na brown.
“How was the date?”
Nawala ang ngiti niya. “Playboy yung nasa bar.”
“So, ano yang ngiti mo?”
“Bakit? Bawal?”
“Hindi naman.” Naghikab ito saka umakyat sa kwarto. Naiwan nito ang dalang brown envelope.
Chismosa-mode activated!
Pagbukas ko ay picture niya ang nakita ko, sa isang restaurant na mukhang sosyal. Tapos yung isang picture, kay Edward, same restaurant.
Hmm… I smell something fishy!
Biglang bumukas ang pinto....
Si Edward.!!!
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...