Bitter 5

532 10 4
                                    

*kinabukan sa birthday ni Crey*

“Huhuhuhu…” maarte pang pag-iyak ni Mencio.

Lumapit si Crey. Tinatamad kasi akong tumayo galing sa matiwasay na paghilata sa sofa habang nanonood ng TV.

“Anong problema Cho?” malumanay na tanong ni Crey.

“Huwala!” pasigaw na sabi nito.

“Okay,” walang ka-feelings-feelings na sabi nito sabay tayo, kuha ng chips na nasa tabi ni Mencio at sumalampak din sa upuan.

“Ano ka ba naman Crey!”

“Eh ang-arte eh. Wala naman daw.”

Tumayo na lang ako at nilapitan si Mencio. “Ano bang problema Mencio?”

*hikbi… “Kasi eh… May girlfriend na si Lucaaaas!”

Biglang may nagdabog at pagkapait-pait na nagmura. “Sabi na nga ba ayokong malaman yang problema mo eh.”

“Ano ba Crey!”

“Teh naman. Birthday ko eh. Birthday ko! Bakit ako pinaparusahan?”

Isa pa palang sign ng ka-bitteran ang ka-OA-yan.

“OA!”

Tumayo ito at tumitig ng masama, sinubo sa malaking bunganga ang natitirang chips at nag-walkout.

“Okay lang yan baby Cho. Marami pang lala-… Marami pang TAO dyan.”

Hindi ko kasi pwedeng sabihing ‘babae’ pero ayoko ring i-tolerate ang kabadingan niya.

*hikbi… “But I love him.”

Ako naman ang nagwalkout. Ano ba naman tong bahay na ito? Yung nanay at tatay namin nasa abroad, yung panganay walang matres kahit babae, yung may matres naman bitter. Yung isa gustong magkaron ng matres… Buti pa si Ignacio, walang problema. Kain, tulog, tae, tawa lang ang buhay. Minsan umiiyak din pag gutom.

Nagtataka ba kayo kung bakit wala na akong matres? Naoperahan kasi ako dahil sa myoma. Long story. So hindi na ako magkakaanak. Kaya si baby Nash (Ignacio) na lang ang inaalagaan ko. Since bading si Mencio, si Crey na lang ang pag-asa naming magpakalat ng lahi. Kaso, bitter naman.

Maya-maya’y nagsimula nang magdatingan ang mga bisita ni Crey kasunod ng paglaglag ng panty ko. Haha. Ampopogi!

“Good afternoon po.” Yun lang, nahalata ang edad ko. May ‘po’ pang kasama.

“Pasok.”

Tinawag ko na ang ampalaya na kasalukuyan nang nagpapaganda. Ready na ang magic sing, Tanduay ice, at konting handa. Ganyan mag-celebrate ng birthday ang mga poor non-teen bitters.

Masaya namang kasama ang mga boylets. At talagang boylets lang ang pinansin ko no? May girls din.

“Ate Feli. Nagtext yung Oriolie. Dadaan daw siya!” sigaw ni Mencio. Hindi ko na masyadong pinansin ang tinginan ng mga bisita dahil sa pagsasalita ni Mencio na mas malandi pa ang accent kesa sakin, dahil medyo nagpanic ako. Birthday ni Crey at dadaan si Oriolie. Mamaya ko na ipapaliwanag kung bakit riot ito.

*After several songs on magic sing

“Hey BFF!” bati ni Oriolie na naka-posing pa sa pinto. Kitang-kita ko yung paghinto ng baso one inch away from Crey’s lips na nakanganga. Biglang gumalaw ang eyeballs niya patingin sa akin.

Nanginginig man ay sumagot na lang ako. “Ha-hi Orie, pasok.” Hindi ko siya bestfriend. Swear.

“I brought my babe, if you don’t mind.” Pagkasabi niya nun ay may lumitaw na ulo sa pinto. Isang pangit na ulo.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon