Bitter 25

185 8 0
                                    

Habang nagsasagwan ay kumanta siya para siguro hindi ma-bore. Sinabayan ko rin siya.

“Ang-ganda ng boses mo. Sana sumali ka rin sa mga singing contests.”

“Ano ka ba? Sa dami ng trabaho natin no. Tsaka okay na sa akin na nakapag-theatre ako.”

“You should not limit yourself.”

“Bahala na. Kung may chance.” Pero sa totoo lang, hindi ko sure kung matatanggap ako sa mga ganun. Baka si Mandy pwede pa. “Maganda din boses ni Mandy,” sabi ko kay Edward pero nakatanaw ako sa malayo para medyo dramatic. “Maganda pa siya.”

“Mas maganda ka.” Hindi ko alam kung sigurado ako sa narinig ko at hindi na rin ako nagtanong kasi bigla siyang bumaba. Malapit na pala sa pampang ang Bangka namin.

Mas maraming bahay at Bangka sa islang ito. Andami ring mangingisda na sigurado akong mangingisda nga sila dahil maraming nagkalat na plangganang puro isda.

“Sir Edward!” tawag ng isang maitim na binatilyo. “Ser, kamusta ho?”

Nakangiting niyakap ni Edward ang binatilyo. “Maayos naman. Kayo? Andyan ba si Tita Alma?”

“Oho, naku, may kasama pala kayo,” sabi ng lalaki na nakatingin na sa akin.

“Si Crey, kaibigan ko.”

Kaibigan? How sad. Pero kesa naman sabihin niyang, empleyado ko.

“Crey, si Gardo.”

“Magandang araw po,” bati niya sa akin. “Ser, tawagin ko lang po si nanay.” Sabay tumakbo.

“Nagtrabaho noon sa amin si Gardo. Kasama niya ang Mama niya.” Nag-isip pa yata siya bago nagsalita. “Pinsan siya ni Shiela. Yung dati kong… Yung ex ko.”

“Oh,” lang ang nasagot ko.

Maya-maya ay dumating na si Gardo kasama ang isang matabang babae, nanay niya. Pinakilala niya ako dito.

“Gaano na kayo katagal?” tanong ng matanda. Nagtinginan kami ni Edward.

“Si Edward ba ito?” Sabay kaming napalingon sa nagsalita, isang matandang payatot na lalaki.

“Tatay ni Shiela,” bulong sa akin ni Edward. Kinilabutan ako sa pagdaloy ng hininga niya sa tenga ko. Yuck! Anong nangyayari sa akin?

“Nandito ka pa rin sa pinas? Si Larry nasa Hongkong na ah,” nakangising sabi ng payatot. Iiling-iling pa. I have a feeling na kinukutya niya ang Edward ko. Yes. Possesive.

Walang reaksyon ang mukha ni Edward nang sabihing, “Kamusta ho?”

“Maayos, maayos.”

“Tara, doon muna tayo sa bahay tumuloy,” yaya ng ina ni Gardo. Pagdating sa bahay nina Gardo ay hinainan na kami ng pagkain. Buti na lang dahil gutom na gutom na ako.

“Shiela! Ilabas mo nga ang mga kubyertos dyan.”

Maya-maya ay lumabas ang isang babaeng bilog na bilog ang tiyan. Nagulat pa ito nang makita kami. Nagpalit-palit muna ito ng tingin sa amin ni Edward bago tumulong sa matandang babae.

“Kamusta?” mahinang tanong ng babae nang malapit sa amin pero hindi ito tumitingin.

“Okay naman. Nagbakasyon lang kami.” Napatingin sa amin ang babae nang marinig yun.

“Shiela!” Pumasok na rin ang payatot na lalaki.

“O, umupo na kayo’t kumain.”

Napuno ng awkwardness ang paligid habang kumakain kami.

“Angganda ng padalang T-sert ni Larry sa akin,” sabi ni payatot na gusto ko nang sapakin.

“Saan kayo nanggaling niyan?” tanong ni Aling Alma na tila iniiba ang usapan.

“Sa resthouse po, pinasyal ko lang si Crey.” Tumingin pa siya sa akin.

“Buti nakahanap ka ulit ng bago,” nangungutya pa rin yung tingin ng payatot nang sabihin yun. “Iha, pag ayaw mo na, wag kang tutulad dun sa isa ha. Wag sirain ang buhay dahil sa lalaki.”

Wow! That is so offensive!

“Oo naman po. Dapat iniiwan ang mga walang kwentang lalaki. Ah, nasaan ho pala ang asawa nyo?” nakangiti ako nang sabihin yun pero nawala ang ngiti ni payatot. Mukhang tama ako na iniwan siya ng asawa niya. Huh! No wonder. “Joke lang po,” sabay hirit.

Tumawa ang matabang babae na sinundan na ng iba.

“Gaano na kayo katagal?”

Magsasalita sana si Edward pero hinawakan ko ang kamay niya. “Magtu-two years na po,” sabi ko.

“Matagal na pala. Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?”

“Eh, nagpropose na nga ho ako eh. Pakipot lang tong baby ko,” sagot  ko sabay sandal sa balikat niya. “Joke lang po ulit.” Tumawa ulit sila. Inakbayan ako ni Edward at bumulong sa tenga ko.

“Thanks.”

Kindat lang ang sagot ko sa kanya.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon