Ano ang epekto ng ka-bitteran sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao?
Marami.
At lahat ay negative.
Isa na yung mga pananaw niya sa buhay. Masyado siyang nilalamon ng ka-bitteran niya kaya hanggang dun na lang siya.
Never moving forward.
Takot sa pagbabago…
No, galit sa pagbabago.
Takot sa chances dahil takot mabigong muli. Kasi bitter siya.
Si Crey ay nag-aral ng college sa malayong unibersidad sa Baguio. Bakit? Kasi malamig daw. Pero I know na gusto niya lang mag-escape sa mga bagay na nagpapalala ng ka-bitteran niya. Halos ayaw na nga niyang bumalik dati dito sa Maynila. Unti-unti siyang gumawa ng sariling mundo sa ibang lugar. Ibang pagkatao.
Don’t get me wrong. Hindi siya nababaliw.
Matagal na kasing baliw yun.
“Tara sa mall. Shopping tayo.”
“Ayoko. Tinatamad ako.”
Nawalan ako ng shoppingmate nang malaman niyang may jowa na si Dustin. Hindi na siya sumasama sa mga kabarkada niya o kahit gumala man lang. Minsang sinamahan niya ko sa mall ay palinga-linga siya. Natatakot na makita si Dustin. Kasi sa tuwing makikita niya, isang linggo siyang hahagulgol.
“Ate, nakita mo ba yung ponytail ko?”
“Hindi eh… Ay! kanina pala hawak ni Mencio.”
“Put#@* bata yun.”
“Bakit ba ang-init ng ulo mo?”
“Wala lang.” O diba, baliw. “Ang-arte kasi ni Edward eh. Dapat daw nakatali kami pag pumapasok. Eh hello! Puro paper works naman kami. Pano malalagyan ng buhok yung alak?”
“Hm, naku-curious na talaga ako sa boss mong yan.” Tama. Boss niya yung tinatawag niyang Edward. Parang hindi niya boss eh.
“Sige. Dadalhin ko siya sa birthday ko.”
“Siya lang? Magsama ka naman ng ibang guys para meron din ako.”
“Gaga! May asawa ka na. At taken na yun si Edward.”
“Hmp! Kanino? Kay Bella?”
“Loka!”
Close na daw sila kaya ganun na lang niya tawagin ang boss. Akala ko nga type niya eh pero sabi nga niya taken na.
***After a week
“Parang ewan yun. Kalalakeng tao, kung anu-anong pinaniniwalaan. Destiny, horoscope, signs.”
“Eh ano ngayon? Cute nga yung ganun sa lalaki eh. Swerte ng girlfriend niya.”
Si Edward ulit ang pinag-uusapan namin. Bukas ang birthday ni kapatid at invited daw ang mga katrabaho niya including her boss.
“Bading yun.”
“Akala ko ba taken?”
“Hindi pala siya taken. Pinsan pala niya yung pumunta dati.”
“Ganun? Inassume mo kagad na girlfriend porke pumunta lang yung girl. At ngayon, inassume mong bading porke walang girlfriend. Dalawa lang ba ang classification mo ng lalaki?”
“Hindi ah. Tatlo: taken, bading at pangit.”
“Ganun? So lahat ng pogi, kung hindi taken, bading.”
“Yes! That is based from professional observation and extreme experience.”
“And extreme ka-bitteran. Wait, you mean gwapo si Edward?”
“Gwapong bading.”
“Bading kagad?”
“Naniniwala siya sa horoscope, destiny at pathetic signs…”
<<<
“Ed, ito na yung financial report.”
“Lagay mo lang dyan.” Nakaharap siya sa computer, naglalaro ng solitaire.
“Yung ten, lagay mo sa jack.” Maya-maya, natalo siya. Tapos nagwala na siya.
“Kanina pa ko dito! Mukhang hindi na talaga ko magkaka-girlfriend.”
“Ha?”
“Kapag kasi naglaro ka ng solitaire, magwiwish ka. Tapos pag nabuo mo, matutupad ang wish mo.”
“At ang wish mo ay girlfriend? Jongek! Manligaw ka kaya?”
“Hindi kita type no.”
“At feeling mo naman type kita?”
>>>
“Ganon? So bading na siya porke hindi ka type?”
“Oo, lahat sila bading!”
“Ewan ko sayo. Bitter!”
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...