Bitter 2

946 36 10
                                    

Masayahin naman yang si Crey kahit hanggang ngayon. Ginagawa niya nga lang biro yung ka-bitteran niya eh.

“Pigilan mo ko ate, sasapakin ko tong dalawang naglalampungan na to eh. Nyemas! Nang-iinggit pa eh oh.”

Tawa lang ako. 

Nasa loob kami ng jeep at may lovers na magkaakbay.

Yes.

Magkaakbay lang sila pero kung umasta si Crey ay parang nanonood na ng porn.

“Ayan o, yung dalawang guys dun. Kailangan ata ng partner,” biro ko sa kanya na nginuso pa yung dalawang papabols sa dulo ng jeep.

“Sige, mamili ka na. Akin na lang yung may batik at malakas kumahol.”

Tawa ulit.

“Pero cute sila no?”

“Hmp! Bading yan.”

Natawa na lang ako.

Saan nga ba nagsimula ang kabitteran ng kapatid ko?

Nagsimula ito kay Dustin Karl Florendo.

DK for short.

Pero since hindi naman kami close, Dustin ang tawag ko sa kanya. Kabarkada siya ni Crey mula nung high school, at first love.

Opo.

Malandi ang kapatid ko, mana sa akin.

Anyways, sobrang close nila nun na akala ko rin sila ang magkakatuluyan, pero si Dustin, nagkagusto sa iba nung fourth year na sila.

And take note! Sa bestfriend pa ni Crey.

Hindi kasi alam ni Amanda na deads na deads si sis kay Dustin kaya ayun, hinayaan niyang manligaw. Pero si Amanda, hindi talaga type si Dustin. Sino ba naman kasi?

Payatot na mayabang na sobrang weird ni Dustin. Hindi ko nga alam kung bakit patay na patay dun si Crey. 

“Anggaling niya talaga mag-drawing… Feeling ko para sa akin yun kahit pa nga mukha ni Mandy ang nakalagay,” sabi ng hibang kong kapatid. Baka magkaroon pa ng isang novel na ang title ay Alamat ng Martyr.

Obvious na ginawang tulay ni Dustin si kapatid at alam kong aware din siya dun. Ang hindi lang ginawa ni Dustin ay ang gawing panakip-butas si Crey.

“Sana ginawa na lang niya kong panakip-butas. Kahit pa ang pagkwentuhan lang namin everyday ay si Mandy,” sabi niya sa akin noon.

O di ba? Martyr.

“You deserve better, sis.”

“But I’m the best!”

Boom! May kayabangan din.

Hindi nagkatuluyan si Amanda, or Mandy, at si Dustin pero mas naging malungkot si Crey. Pano naman kasi, sa tuwing may gimik ang barkada nila (gimik meaning inuman lang at tambay) ay laging depressed si Dustin.

“Dati, lagi siyang kumakanta para sa akin sa videoke. Tapos naging para kay Mandy na… Pero ngayon, hindi na siya kumakanta.”

O di ba? Bitter din si Dustin.

Di nagtagal, since nagkahiwa-hiwalay na sila dahil college na, hindi na rin niya nakikita pa si Dustin. Tapos nalaman na lang niya na may girlfriend na ito.

“DK!” sigaw ni kapatid dito sabay yayakapin sana pero may napansin siyang kaholding-hands nito.

“Uy, Cresia. Si Dana nga pala. Girlfriend ko.”

Isang malaking smile ang ibinigay niya sa mga ito. “Wow! Buti naman naka-get-over ka na. Hi Dana, I’m Crey.”

“Wow, nagpalit ng nickname?”

“Para hindi mahaba.” Naka-smile pa rin. Magaling talaga siya umarte.

Tapos pag-uwi namin sa bahay, hindi na siya makausap. Dumiretso ng kwarto at nag-lock ng pinto. Syempre kailangan kong buksan kasi same room kami, dun ko nakita na umiiyak siya.

Nabuwag na ang D-Crey fans club.

Gumawa naman ng paraan para makalimot si kapatid like, nagka-boylet siya ng tatlo.

Yung isa, si Marky na playboy, si Jimmy na nerd at mama’s boy na yung nanay ay palengkerang baboy na ayaw sa lahi naming magaganda, at si Richard na since iba ang religion sa amin ay nakipaghiwalay kay kapatid dahil bawal daw yun.

Come on!

Tapos samu’t-sari din ang naging crush niya na kung hindi taken, bading.

Pero halos lahat ng nagustuhan niya ay may isa o dalawang characteristics na katulad ng kay Dustin. Hay.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon