Feli:
Hapon na nang lumabas si Crey. Hindi na namamaga ang mukha niya at mukhang masigla na rin.
"Oh goodness, you're okay now," sabi ng sosyal na lola. "Come join us. Dinner is almost ready."
Hindi ko na siya naasikaso. Sumama na lang ako sa pamamalengke ng mga katulong sa kabilang isla. Ayoko kasing manood ng TV. Minsan lang ako makagala, lubus-lubusin na. Tsaka inaalagaan naman siya ni Edward. Halos hindi na nga rin lumabas ng kwarto si pogi at tawanan lang sila ng tawanan. Masaya naman ako at may Edward para sa kapatid ko. Naku! Wag lang talaga totopakin si Crey.
"Bukas na ba o the other day ang flight niyo?" tanong ni Dor.
"Pauwi ng Manila? Bukas, 3 PM ate. Bale umaga kami babyahe papuntang Puerto Prinsesa."
Grabe, ambilis naman. Parang bitin.
"Are you gonna join them? I thought you'll gonna stay here for two weeks?" tanong ng Lola kay Edward.
"Mommy, may work po akong naiwan dun. And besides, sinamahan ko lang talaga sila dito. Sina ate Dor lang po ang mags-stay."
Nag-uusap pa sila nang mapansin kong lumapit ang mga pamangkin ni Edward kay Crey.
"Are you my uncle's wife?" Nanlaki ang mga mata ni Crey sa tanong ng batang babae.
"Do you love my uncle?"
"Have you seen Ironman?" tanong ng batang lalake. "Is he really gay?"
"Ah. No, no and no. And no," sagot ni Crey na natatawa.
"Why was your face big last night? Are you a monster?"
"Ha? Nakita nyo ko?"
Biglang umiyak ang batang babae. Akala siguro galit si Crey. To the rescue naman ang mother dear nila habang ako ay tumatawa lang.
"Sorry."
"It's okay Crey. Oh, you still look pale. Dapat kumakain ka ng foods na rich in iron and good for the blood. Here, eat more of these. Ampalaya is good for anemia."
"I think she had enough of bitterness, Mommy," natatawang sabi ni Edward.
"Oh you're such a bad boy."
_________________________
"Babes, lagi mong tandaan na mahal na mahal na mahal kita."
"Aww," sabay sabay na sabi ng mga katulong at ni Dor.
"Eww," matabang naman na sabi ni Crey. Nagawa naman ang mga kasama naming nanood ng Honey My Babes So Sweet.
" Baka naman binobola mo lang ako babes ah."
"Ang arte. Bwiset."
"Kung mahal mo ko, bakit hindi mo ko sundan dito sa Paris?"
"Ang kapal ng mukha mo! Nagtatrabaho syota mo tapos ikaw nagbabakasyon lang sa Paris tapos gusto mong magpahabol. Wow ha!"
Naaliw naman kami sa pambabara niya sa maarteng bida.
"Grabe kasi parang umikot na yung mundo niya sa lalaki."
"Look who's talking," sabi ni Edward na bagong ligo, kabababa lang, in his dashing white shirt, dark blue shorts, at wet look na hair. Naglalaway ako!
"Shut up." Nagpatuloy kami sa panonood. Ayan na! Mare-rape na ang bida!
"Ano ba naman yan. Ang arte talaga. Grr. Ayoko talaga sa mga babaeng... mahina," bulong na lang ang pagkakasabi nya ng huli.
"Hindi pa ba kayo mag-aayos?" tanong ni Edward.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...