Feli:
"Ate!!!" Muntik ko nang mahiwa ang daliri ko sa gulat sa sigaw ni Crey.
"Huy! Ingay mo!"
"Nasaan yung mp3 ko?"
"Hiniram ni Mencio. Dinala sa school."
"Bakit ka pumayag?"
"Bakit ka galit? Init ng ulo."
"Eh kasi -"
"Pwede ka naman magpatugtog sa phone. Pareho lang naman ang nakalagay na kanta dun."
Napahinto siya. "Oo nga no." Tumakbo na siya papunta sa speaker at sinaksak ang phone.
Lift your head
Baby don't be scared-
"Oh, bakit pinatay mo?"
Last year's wishes are this year's apologies
Every last time I come home...
Pinalitan niya lang pala ang kanta. Ngumiti siya sa akin at sumabay sa tugtog.
"Naku, nababaliw na ang kapatid ko."
"Feeling ko magkakaron na ko."
"ng boyfriend?"
"Hindi, baliw. Kasi may mood swings na naman ako."
"Buti alam mo."
Tumawa lang siya.
"Nakasalubong ko sina Misty kasama yung mama niya nung isang araw. Tinatanong kung sasama ka daw sa reunion sa Thursday. Ay, bukas na pala yun."
"Ah, oo pupunta ako. Sabi kasi ni Edward kailangan ko na silang harapin."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Kamusta na nga pala si Edward?"
"Okay lang," sabi niya. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod. "Pupunta daw siya dito eh."
"Talaga?" Naexcite naman ako. Antagal na din kasing hindi pumupunta ni Edward dito at ayaw magkwento ni Crey ng mga nagyari sa Hongkong.
"Yup, may pasalubong ata para sa inyo."
"Wow."
Huminto ang tugtog, ibig sabihin may nagtext o tumatawag.
Lumapit si Crey at may pinindot. Ako naman ay bumalik na sa kusina para magluto.
"Hello? Cresia?"
"Mandy?" Dahil naka-speaker ay naririnig ko pa rin hanggang kusina.
"Yes, kamusta na girl?"
"Okay naman, ikaw?"
At hindi talaga tinanggal ni Crey sa speaker ang phone.
"Eto, nagpapaputi dahil sa Palawan trip. Sorry hindi na kita nabisita nang na-allergy ka."
"Okay lang. Bakit ka pala napatawag?"
"Wala naman. Nangangamusta lang. Next week kasi babyahe na ako to New York. Remember, dream nating both yun? Sobrang excited na ako."
"Wow, congrats."
"Thanks. And please tell Edward thanks again. Sobrang laking opportunity nito."
"E-Edward?"
"Yes. Siya yung nagbigay sakin ng number mo. And he helped me with my career. Nakausap ko na yung dad niya and they're both gentlemen."
Hindi sumagot si Crey kaya sinilip ko. Hindi siya gumagalaw at hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...