In a world where everybody
Hates a happy ending story
It’s a wonder love can make the world go round…
And don’t let it bring you down
Or turn your face into a frown
You’ll get along with a little prayer and a song…
Angsarap sabayan ng kantang nag-uumapaw sa positive vibes. Walang ka-pait-pait.
Maya-maya ay naririnig ko na ang mga yabag ng paa ni Crey na kagigising lang. Nakita kong huminto siya sa tapat ng mp3 player na nakasaksak sa speaker. May nakitang papel, binasa at ngumiti.
Syempre dahil chismosa ako, nabasa ko na yun.
Compilation of new songs of your new life.
Keep smiling and keep shining!
Remove the bitterness…
Always be positive…
Find happiness!
At syempre hindi niyo na itatanong kung sino ang nagbigay nun.
Tama!
Si Dustin!!!
Joke lang… Haha… Parang mukha kong tanga. Parang lang…
Si Poging Edward ang nagdala kaninang umaga bago pumasok.
Binubuo ng mga dating favorite songs ni Crey bago siya maging ampalaya, pati na rin iba’t-ibang kanta na puro positive messages.
Through the Rain, Beautiful, The Climb, One Step At A Time, Best In Me…
Tapos yung iba mga lively songs na pwedeng pangsayaw o kaya kung trip mong magwala habang sinasabayan yung kanta.
Pinindot ni Crey yung mp3 matapos yung “With A Smile” tapos hinintay ko kung ano yung papatugtugin niya.
Last year’s wishes are this year’s apologies…
Parang narinig ko na yan. Sinabayan pa ni Crey habang naghe-head bang.
Ah!
Yung song na hate niya daw.
Nice…
“Kumain ka na dito. Papasok ka pa,” sabi ko.
Kumuha siya ng kutsara at ginawang mic. “Meeee and youuu! Setting in a honeymoon…”
“Ewan ko sayo! Male-late ka na.”
Pumasok na rin ako bago pa ako masermonan ng mga kasamahan ko na mas mahigpit pa sa amo namin.
Nang mga hapon na, biglang pumasok sina Crey at Edward. Medyo malapit lang kasi ang branch na ito sa building ng Juan Miguel Corporation na siyang pinagtatrabahuhan nila.
Nasa counter ako kaya kitang-kita nila ako. Hindi masyadong marami ang customer namin dahil office hours at weekday.
“Hey,” masiglang bati ni Edward.
“May I take your order sir?” sabi ko.
“How much is your time?” tanong niya.
“Adik ka. Bawal ako ngayon.”
“Tapos na ba break time mo?”
“Alas kwatro na. Oo naman.”
“Hmm? Call your manager.”
“What?” Ano na namang trip ni Edward?
“Just call him.”
“Is there a problem sir?” tanong ng manager ko na nasilaw na din yata sa ngiti ni Edward.
“Yes, unfo’tunately, meyss. You see, I just came from New Yok and I wona spend some tam wit mah frinds hir but Felicia is not available at eyni tam. En a mean eyni tam! En I don’t have plenty tam to stay hir so Ah rily need to talk to her ray now. En Ah mean ray now! You know, spen’ sum tam togethe’…”
“Sir, I… I’m kinda lost. W-what do you mean to say?”
“All I’m sayin is I need you to give her a break. Just one tiny bitsy break.”
“Okay sir. We could do that. Feli, thirty minutes lang ha.”
Buti na lang mabait si Boss. “Yes po.”
“Ano yun?” tanong ko kay Edward nang makalabas kami.
“Hidden talent yun.”
“Adik ka talaga. Bakit pala kayo nadalaw?”
“Eto eh, nagyaya kumain,” sabi ni Crey.
“Ah, baka naman date niyo to ah.”
“No!” mabilis na tanggi ni Crey.
“Namiss ko lang kayo, bakit ba?” sabi ni Edward nang nakangiti. “Dun muna tayo kumain,” sabi niya sabay turo sa isang coffeeshop.
“Wala akong perang pambayad dyan.”
Sumimangot na lang ng exaggerated si Edward.
Nauwi kami sa walang kamatayang fastfood.
“Crey.” Inabot ni Edward ang isang envelope.
“Ano to?”
“Invitation for the Hongkong seminar ng Fashion Institute sa New York.”
“S-sooo… Sa New York siya pero sa Hongkong?”
“No ate!” Sorry naman, wala akong alam sa mga ganyan. “Kanino… Paano mo…?” tanong niya habang nakangiti.
“Kay ate. May kaibigan kasi siya na nag-aaral dun sa New York Fashion something. Eh nabanggit ko sa kanya yung tungkol sa gusto mong business. Ayun, binigay niya yan.”
“Wow,” sabi niya habang nakatitig sa invitation.
“Ito pa oh.” May inabot namang chocolates si Edward.
Ito ang alam ko!
Syempre nanguna ako sa pagkuha.
“Umuwi kasi dito si Ate Dor galing New York. Andaming dalang chocolates kasi hindi daw mahilig sa chocolates yung mga anak niya.”
“Ayos ah,” sabi ni Crey sabay kuha ng isa.
“Crey, para kang dark chocolate,” sabi ni Edward habang tinatanggal ang wrapper ng chocolate. Taas-kilay lang ang sagot ni Crey. “Kasi kahit bitter, sweet pa rin.”
“Yak,” matabang na sagot ni ampalaya.
Natatawang isinubo ni Edward yung chocolates. Hay… Cute niya talaga. Sana sila na lang no? Ano sa palagay niyo?
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...