Clothes? Check!
Swimsuit? Check!
Sandals? Check!
Pera? “Crey?”
“Magdala ka ng extra money at baka hindi ka makauwi pag naligaw ka dun,” sagot ni Crey na nag-aayos na rin ng gamit para sa aming Palawan trip. Excited na ako!
Nagtaxi na lang kami dahil nakakahiya namang makisakay pa kay Edward. Nasa tapat na ng bungad ng kabilang baranggay yung taxi nang dumaan sina Dustin at yung jowa niya. Tiningnan ko si Crey na nagte-text. Si Edward siguro ang katext kasi nakangiti.
Nang makita ko yung ngiti niya, hindi ko na sinabi ang nakita kong tao.
“Bakit?” tanong niya nang mahuli akong nakatingin.
“Wala. Blooming ka kasi eh.” Sumiryoso naman siya.
Haaayyy…
Nasa pier na sina Edward nang dumating kami. Pinakilala niya kami sa mga kasama niya.
“Ate Dor, siya yung kinukwento ko sayo na empleyado namin, si Crey. Tapos si Feli, ate niya.”
“Hello,” bati ng magandang babae. Mga late 30’s na rin siguro to pero maganda siya. “Jake and Susan are on board. They’re waiting for us. They’re my kids.”
“Let’s go!”
Matagal daw and byahe papunta sa isla ng resthouse nila sa Palawan. 2days sa barko at isa pang araw mula sa pier hanggang isla. Buti maraming pwedeng paglibangan sa barko. May mini bar and resto.
“Buti napasama kayo Crey,” sabi ni Dor. Kasalukuyan kaming kumakain sa resto. May live band pa.
“Long-time dream ko nang makapunta ng Palawan eh. Buti nga nag-alok tong si Edward.”
“Ah! Kaya pala dito mo kami niyaya.” Ngiti lang ang sinagot ni Edward with matching sulyap kay kapatid. Haay…
“We are now open for those who wanna jam with us,” sabi nung vocalist ng band na kumanta kanina.
“Do you sing, Crey?”
“Yes!” ako ang sumagot. Naexcite?
“Then go. Edward, samahan mo siya.”
Tumayo naman si pogi. “Tara.”
“Adik ka ba? Ayoko.”
Hinila siya ni Edward patayo at papuntang stage. An-cute nila!
Nagbubulungan, naghampasan pa, bago nakaisip ng kakantahin. Pero si Edward ang unang kumuha ng mic.
Do you hear me, I’m talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky
Oh my
Baby I’m trying….
Sabi ko na nga ba magdu-duet sila eh.
Boy I hear you in my dreams
I feel you whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard….
“They look good together, right?” narinig kong sabi ni Dor habang nakatingin sa kanila.
“Sobra.”
“I’ve never seen him this happy after Charmelle. Sana sila na lang.”
“Sana nga.”
Nagkukulitan pa habang kumakanta yung dalawa. Sana nga sila na… Sana makalimutan na niya si Dustin nang mawala na ang ka-bitteran niya.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...