Bitter 12

329 13 2
                                    

After two days mula nang mag-mall kami, dumalaw ulit si Edward at Jerry sa bahay. “Hello,” masigla kong bati. Sanay na rin kasi akong nakikita tong dalawa.

“May dala kaming lunch,” sabi ni Jerry.

“Wow, thanks.”

“Saan ang kwarto ni Crey?” tanong ni Edward.

“Sa taas, pero tulog pa siya.” Umakyat na si Edward at ginising si Crey. Pupungas-pungas itong lumabas ng kwarto tapos biglang sinara ni Edward ang pinto.

“Hoy! Anong gagawin mo dyan?” After some time, lumabas na si Edward na may dalang mga papel. Yung collage ng mukha ni Dustin. “O, inalis mo na.”

“Magrerenovate tayo ng kwarto mo.”

“Renovate?”

Tumango ito. “But first, patingin ng closet mo. May gusto lang akong tingnan.”

Umakyat na ako kasi may mga gamit din ako dun. “Joint room kami ni ate.”

“Ah ganun ba?”

“Pero okay lang sa aking ayusin niyo yan,” sabi ko.

“Good!” Pumasok na si Edward at hinalungkat ang closet ni Crey. Nilabas nito ang dress ni Crey na nung ten years old pa yata siya. “I knew it.”

“Hoy! May sentimental value yan.”

“Ano?”

“Eeehh… Edward. Ikaw rin naman di ba naniniwala sa mga chenez sentimental values?"

“Yes, pero ipaliwanag mo ang value nito.” Hindi siya makasagot. “I knew it. Crey, sabi nga ng mga kalaban sa Iron II, don’t get too attached to things. Learn to let go.”

“Ikaw rin naman eh.”

“Pero wala naman akong pantalon sa closet na ten years pa nung huli kong sinuot. Pinamigay ko na sa mga pamangkin ko o kaya sa charity. At least nakatulong pa ko kesa mabulok yun sa closet.”

“Ate, akin na lang yan!” sabi ni Mencio.

Natatawang tumingin si Edward dito, tapos kay Crey. “May pamangkin ka bang babae? O kahit pinsan?” Umiling siya. “At since wala ka ring kapatid na batang babae, alam ko na kung anong gagawin natin sa mga ito.”

“Ano?” sabay-sabay naming tanong.

“Garage sale,” nakangiti nitong sagot.

Yun nga, namili si Crey ng mga gamit at damit na pwede nang i-let go. Kami ring magkakapatid ay naghanap ng mga damit na hindi na ginagamit. Sobrang dami pala. Nag-tayo kami ng mini ukay-ukay sa harap ng bahay namin. May mga bumili naman. At least may pinagkakaabalahan na ako sa bahay aside from paglilinis, pag-aalaga ng bata, at pagfe-facebook.

After two days ulit, bumalik ang mga pogi, may dalang pintura, kasama si Crey. Hapon na nun at wala na daw silang gagawin sa office kaya umalis na.

“Anong gusto mong kulay?” tanong ni Edward.

“Eh nakabili na ng pintura eh, may choice pa ba ako?”

“Pwede naman nating ipag-mix yung mga kulay eh,” sabi ni Jerry.

Nagpatugtog si Edward.

Last year’s wishes are this year’s apologies

Every last time I come home…

I take my last chance, to burn a bridge or two

I only keep myself this sick in the head,

'cause I know how the words get you

Sinasabayan pa niya. "Favorite ko to," sabi ni Edward.

“I hate that song,” sabi ni Crey. Lalo pang nilakasan ni Edward at halos pasigaw na kinanta.

Nilabas na ng mga boys ang mga gamit sa kwarto. Maya-maya ay nagsimula na silang magpintura. Ang-iingay nila sa taas.

Bulletproof loneliness, at best…

At beeeessssttt….

Me and You setting in a honeymoon!

If I woke up next to you!

If I woke up next to you!

Ngayon ay sabay na sina Crey at Edward na kumakanta. Si Jerry ay naghe-head bang, hindi alam ang lyrics.

Tingnan mo tong si Crey. Hate niya pala ang song na yun ha. Ngayon, kinakanta na.

Ilang beses ba namang pinatugtog ni Edward eh. Hindi ko ma-gets ang trip nito sa music pero at least iba na ang mga naririnig kong tugtog. Hindi na emo.

Sunday morning rain is falling…

Wow, iba na naman ang kanta. Wala kong idea kung ano ang title nun. Ganun na ba talaga pag tumatanda na?

Tinapon na rin ni Edward ang mga CD ng ka-bitter-an ni Crey matapos silang magsapakan. Joke.

That maybe all I need…

In darkness she is all I see…

Come and rest your bones with me,

Driving slow on Sunday morning…

Break time ng mga painters. Nagtimpla ng kape si Edward.

“Ang kapeng ito ay si Lucresia.” Natawa siya sa masamang titig ni Crey. “Mapait, maitim.”

“Ewan ko sayo.”

“Pero kami ang kutsara ng buhay niya. “Inangat nito ang kutsara tapos kumuha ng coffeemate. “Lalagyan ng kulay,” tapos asukal naman, “at tamis ang buhay niya.”

“Hehe. Corny mo.”

CREY:

Dear Diary,

Ang corny talaga ni Edward. Sabay-sabay kami kasama si Jerry na pumunta sa mall para bumili ng pintura. O di ba, pati pintura, sa mall bibilhin. 

Tapos dumaan kami sa Natural Bookstore. May nakita kaming globo.

“Crey, paikutin mo.”

Inikot ko naman. Utu-uto talaga.

“Wow, naikot mo na ang mundo,” sabi ng kumag. Adik talaga yun.

Tinapon ko na yung favorite CD ko. Bibigyan na lang daw ako ni Jerry ng bago. Bahala na sila. Nakakatuwa naman kasi. Hindi pa kami tapos sa pagpipintura ng kwarto kaya dito ako sa sala natulog. 

Baliw talaga si Edward. May pupuntahan daw kami pag natapos yung pag-aayos ng kwarto. Ano na naman kayang gimik nun?

Pero okay lang. Masaya naman.

:)

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon