Feli:
So let's review.
Anu-ano ulit ang signs of bitterness?
Hindi sila nanonood, nakikinig, umaamoy, o humahawak ng mga bagay na makakapagpaalala sa kanila ng mga previous events involving the reason of their bitterness; nanlalait sila ng mga tao o bagay; at matinding kalungkutan kapag wala na silang maisip na panglait.
Kung ikaw ay nagtataglay ng mga nabanggit, matakot ka na. Wahahahahaha (evil laugh)!
Next, anu-ano ang causes of bitterness?
Yes! Heartbreak ang discontentment. And by heartbreak, I mean any forms of heartbreak. Hindi lang sa lovelife nakukuha ang heartbreak. Pwedeng sa career, sa family, sa friends, etc.
Anu-ano ang effects of bitterness?
It stops you from growing dahil sa takot sa pagbabago. It changes your personality usually in a negative way. May mga masuswerte na naka-overcome at ginawang positive ang buhay pero hangga't nandyan ang ka-bitter-an, hindi ka makaka-move on te! Kokontrolin ka nito hanggang sa mawala na ang pagkatao mo.
Last but definitely not the least, the solution for bitterness.
Ito ay tinalakay natin ng ilang buwan pero lagi ring kinakalimutan ng magaling kong kapatid. Know your self. Find yourself again. Alamin mo kung ano yung gusto mo at gawin mo ang lahat para makuha yun. There's only one exception to that, kapag pag-ibig na ang usapan. Andaling sabihing, kung ayaw sayo, wag mong ipilit ang sarili mo, pero mahirap gawin. Ang masakit lang, yun lang ang tamang gawin. Sabi nga, if you really love someone, set him/her free. Ohah! Meron pa, Time heals all wounds. Dalawa lang yan, it's either hindi siya yung tamang tao, o hindi pa tamang panahon. Basta dapat lahat tama... Tama at totoo. Mahirap yan pero may kilala akong nakayanang pakawalan ang mahal niya para bigyan din ng halaga ang sarili niya. Si Edward.
Isang buong araw nagkulong si Crey sa kwarto nung araw na umalis si Edward. Pero pagkatapos nun, nagbago siya. Nakipagkita siya kay Amanda at pinagtapat din dito ang lahat. Nagulat daw si Amanda at hindi daw nito nahalata noon. Meron pa rin silang communication hanggang ngayon. Nagresign na si Crey sa trabaho niya at nagsimula ng online clothing business na pinangalanan niyang Wear R U. Hindi ko alam kung trip niya lang o may hidden message siya sa business na yun. Sa umpisa ay mga ukay-ukay namin ang mga pinost niya. Tapos nagdagdag siya ng mga printed shirts. Ngayon ay may mga damit na siya mismo ang nag-design at nagtahi. Syempre katulong niya ako at si Mama na bumalik na galing abroad. Ngayon nga ay naghahanda na kami para sa opening ng maliit naming shop sa Silvermall, kasabay na rin ng 2nd anniversary ng business.
"Yak! Kadiri tong mga pinagsusulat ko ate o," sabi ni Crey sabay tawa habang binabasa ang diary niya. Pina-deliver ni Edward ang mga tinago niyang diary ni Crey nang umalis siya. Nagulat pa si kapatid nang malamang hindi nasunog ang mga ito. Tama si Edward nang sabihin niyang balang-araw, tatawanan na lang ni Crey ang mga dating iniyakan nito.
"Tigilan mo na yan at baka ma-late tayo sa opening ng sarili mong shop."
"Hehe. Sorry. Sige, maliligo na ako."
Matapos ang ilang oras na pagligo at pag-aayos ni Crey ay dumiretso na kami sa shop. Hindi ko alam kung kailangan ba talaga ang ribbon-cutting kahit maliit lang ang establishment namin pero ang habol ko lang talaga ay yung free snacks. Hehe. Nauna pa sina Mama at Papa sa shop kasama ang mga bata na galing sa school. Kasabay namin ang asawa ko.
"Crey," tawag ng isang lalaki na namumukaan ko pero hindi ko matandaan ang pangalan.
"Jerry, buti nakapunta ka."
"Oo, congrats. Big time ka na ah."
"Di naman."
Nagkakamustahan pa sila so inasikaso ko muna yung mga bata. May boyfriend na pala si Mencio at kasama niya ngayon. Basketball player ng school nila.
Dumating din si Amanda. Galing pa daw New York at dumiretso dito para makisaya. Akala ko ay darating din si Dustin pero hindi. Suki pa naman namin yung asawa niya sa shop. Marami-rami rin ang nakapunta dahil nga marami na rin kaming naging suki sa online shop.
"Masaya ka naman?" tanong ko kay Crey nang matapos ang ribbon-cutting.
"Oo naman."
"Ready ka na sa speech mo?"
"Uhm. Ewan. Bahala na."
Niyakap ko siya at bumulong, "I'm so proud of you."
Pumunta siya sa tabi ng cashier. "Hi guys. I want to thank you all for coming kahit alam kong busy din kayo. Salamat din sa mga tumulong sa pag-aayos nito. I'm sorry, hindi ako magaling sa mga gantong speech. Ang speech lang na naririnig sa akin ng mga kapatid ko ay mga litanya ko sa kabitteran ko sa buhay." Nagtawanan kami. "But it all changed. Thanks to that someone who inspired me to. Actually, hindi niya ko iniinspire magbago. Pinilit niya akong magbago for the better. And I owe him alot."
"Excuse," sabi ng isang lalake na tumabi sa akin. Nagulat ako nang makilala ito.
"I want to say sorry too sa mga naapektuhan ng mga tantrums ko which I guess, lahat ata kayo. Pero alam ko namang hindi niyo ko matitiis. I'm too cute to resist you know." Nagtawanan sila pero ako ay nakatulala sa gwapong mukha ng katabi ko. "I hope kasama ko pa rin kayo habang papalaki ang business na to and yes I claim na lalaki pa ito. Just stay..." Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Crey nang mapatingin sa katabi ko. Ngumiti lang si Edward sa kanya. "Uhm, I... Well, feel free to shop. Pagkain lang ang libre ha. Hindi kasama ang mga tinda. Hmm?" Nagtawanan ulit sila. "Okay, enjoy shopping." Matapos ang palakpakan ay nagsipasukan na ang lahat kasabay ng paglabas ni Crey sa shop. Lumayo muna ako kay Edward but not far enough para marinig ko naman usapan nila. hihi.
"Congratulations."
Nakatitig lang si Crey habang nakangiting nakanganga. "Ah, thanks."
"Pumuti ka ha. Mission accomplished."
"Salamat sa gluta at koji soap." Natawa silang dalawa. Andaming tawa ngayong araw na to. So happy.
"Andami nang nagbago ah. Sayo."
"Hm, may mga bagay na hindi nagbago."
"Talaga?"
Lumapit si Crey. "Medyo."
Ngumiti si Edward. "Natapos mo na ba yung list?"
"H-hindi pa ako nananalo sa lotto."
"Tumaya ka ba?"
"Oo. Maraming beses. Ilang beses din akong nabigo pero sumubok pa rin. Nagbabaka sakaling isang araw, makatama ako."
"Iba kasi siguro yung tinamaan mo."
Nagpipigil sila pareho ng ngiti. "Baka nga." Magsasalita pa sana si Edward pero pinigilan ni Crey ng halik sa labi. "Wow, parang nanalo na rin ako sa lotto nito."
Ngumiti si Edward at niyakap siya. "I missed you."
Tinamaan na nga. Sabi ko sa inyo eh, dapat tamang tao at tamang panahon. Marami pa silang pagdadaan at haharaping pagsubok, but that's another story. Ang mahalaga lang sa ngayon, ang pagiging bitter ni Lucresia Manansala ay isa na lamang alamat.
________________________________________________________
A sweet ending for a bitter's story. :)
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomansaBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...