Bitter 7

416 12 1
                                    

Waiting for your…

Call I’m sick,

call I’m angry,

call I’m desperate for your voice,

listening to the songs we used to sing…

Eto na namang kantang to. My goodness naman. Tuwing nagpapatugtog si Crey ay ito ang unang-una. Susunod, Maybe by King, tapos Friend of Mine by MYMP, tapos Kung Ako na Lang Sana by Bituin Escalante, then I Love You Goodbye by Celine Dion. Isang buong CD ng kabiteran niya. Tapos mahina niyang sasabayan yung mga kanta habang naggegeneral cleaning. Pinagbubuntunan ng galit ang mga mikrobyo.

Your Call by Secondhand Serenade ang favorite song ni Dustin.

“Huhuhuhu…” maarte ulit na iyak ni Mencio na kagagaling lang sa eskwelahan.

Huminto si Crey sa paglalampaso ng sahig at nilapitan ito. Pinapanood ko lang sila habang nakaharap sa laptop. Nag-e-FB. Bakit ba? Feeling bagets pa rin, may facebook.

“Bakit na naman Cho?”

“Kasi si Charlie, may gusto kay Annabeth. Yung friend ko. Tapos yung malanding yun naman nagpaligaw. Eh alam naman niyang crush ko si Charlie.” Sabay hagulgol.

Hinaplos ni Crey ang likod ng bakla. Himala! “Okay lang yan. Minsan ganyan talaga ang buhay. Maramot,” nanginginig pa ang boses ni Crey. Andrama! Biglang niyakap si Mencio. “Bakit ba sila ganun? Napaka-unfair! Manhid ba sila?”

Nakataas lang kilay ko. Umiiyak na rin kasi si Crey. Mga one minute din silang naghagulgulan bago lumayo si Crey.

“Sige na. Magpalit ka na at kumain ng lunch.” Umiiyak pa rin siya.

Pinunasan ng bakla ang luha sabay ngiti at halik sa pisngi ng ate. “Thanks ate.” Tapos malanding naglakad paakyat.

Napansin din ako ni Crey at last. Pinunasan ang luha at inayos ang mukha. Hindi ko na kailangang magtanong dahil alam kong sasabihin din naman niya. After all, wala na siyang diary na mapagsusulatan.

“Napanaginipan ko siya. Pangatlong beses na to mula nung birthday ko.” Huminga ito ng malalim.

Ako naman tumayo na. “That’s it! Dapat na talagang matapos tong kahibangan mo. Hindi na healthy eh.” Hindi siya umimik. “Wala ka bang trabaho ngayon?”

“Day-off. Binigyan ako ni Edward ng tatlong sunud-sunod na day-off. Para nga daw dun sa kalokohan niya.”

Alam kong inis pa rin ito sa ginawa ng mga pogi pero hindi ko naman masabing buhay pa ang mga diary niya dahil baka masira ang plano ni Edward. “Tapos sasayangin mo lang sa pagmumukmok?”

“Kaya nga naggegeneral cleaning ako di ba?” mahinahon ang salita niya. Himala uli!

“Trabaho ko po yan no. Isa akong dakilang housewife so ako gumagawa niyan every single day. Ang sabihin mo, pinagbubuhusan mo ng galit sa mundo yang sahig na feeling mo, hindi na dadapuan ng alikabok kung sakaling is-isin mong mabuti.”

“Eh anong gagawin ko?”

Lumapit ako sa kanya at inayos ang magulo niyang buhok. “Let me call Edward.”

“Anlandi mo naman eh.”

“Hindi. Kasi siya nga ang may plano di ba?”

“May pasok yun eh.”

“Ganun?” Nag-isip muna ko at napagpasyahang yayain na lang siya sa mall. But as usual, tumanggi siya.

In the end, nagstay lang din kami sa bahay maghapon. Nanood ng TV at nag-internet.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon