“50,500?” bulalas ko. “Meron kang 50,500 sa ATM mo napakalat-kalat lang sa bahay?”
Tumango ito. “Hindi ko naman iwi-withdraw lahat eh.”
“Tara na, icheck natin yung nasa savings mo.”
Parang ayaw ko nang malaman ang savings ni Crey dahil baka atakihin ako. Kung may higit limampung libo siya sa bag, paano pa kaya sa savings nito na kahit kelan ay hindi nito ginalaw?
“Magkano?” tanong ko kay Edward na siyang sumama kay Crey.
“Half a million.”
Nganga.
“All this time may ganyan ka karaming pera tapos hindi ka man lang nagsabi?”
“Wala naman akong pakialam dun eh.”
Hinarap ko siya. “Anong nangyari sayo? Nasan yung Lucresia na may mataas na pangarap? Ano, hinigop ni Dustin?”
Iniwasan niya ko ngtingin nang banggitin ko yung buwisit na yun.
Oo, bwisit siya. Dahil sinira niya yung kapatid ko.
“Hindi niya kasalanan yun,” singit ni Edward na parang nabasa ang nasa isip ko, “Choice pa rin ni Crey yun kung anong gagawin niya sa buhay niya.”
“Hey, guys. Pagpahingahin muna kaya natin si Crey. Baka masyado na siyang naii-stress dahil sa mga nangyari ngayon,” sabi ni Jerry.
Humawak si Crey sa braso ni Jerry at nag-thank you.
“Okay. Sige, kain muna tayo. Libre ni Crey,” sabi ni Edward na at last ay ngumiti na.
“Bahala ka sa buhay mo.”
Kumain naman kami. Libre ni Edward. Madaldal pa rin siya kahit kumakain na. At sobrang takaw.
“Yung kuya Bruce ko nasa Canada na, doktor. Nandun na rin yung pamilya niya. Si Ate Doris nasa New York. May business siya dun. Nakalimutan ko kung coffeeshop o bakeshop. Uuwi siya sa December para bumisita. Malamang may dala na naman yung sweets. Mahilig sa sweets yun eh.”
“Ilang taon ka na ba?”
Ngumiti ito. “Hulaan mo.”
“Trenta ka na di ba?” sabi ni Crey sa mababa na namang boses.
“Nope. Grabe talaga to. Twenty six.”
“Halos magkaedad lang pala kayo ni Crey?” sabi ko.
“Akala ko boss lima kayong magkakapatid?” tanong ni Jerry na iniba na naman ang usapan.
“Oo. Si Kuya Arthur lawyer na siya. May office siya sa Makati. Si ate Carly naman licenced engineer na. Sa Taiwan siya nakadestino ngayon.”
“Ikaw ang bunso?” tanong ni Crey.
“Yes. Sa limang magkakapatid.”
“Kaya letter E?” Nakakatuwa kasi nagpipigil ng ngiti si Crey.
“Yes!”
“So ang panganay niyo ay lawyer, tapos yung isa doctor, then engineer tapos businessman,” sabi ni Crey habang nilalaro ang kutsara. “Tapos ikaw?”
Parang alam ko na ang gustong sabihin ng kapatid ko. Gusto niyang maliitin si Edward.
Tumitig ito sa kanya nang hindi natitinag ang ngiti. “Ako ang boss mo.”
Nagtitigan sila nang mga 30seconds.
“Ansarap,” biglang sabi ni Jerry na halatang nagpapaepal lang.
Natawa na lang ako. After lumamon ay nagwithdraw si Crey ng pera sa ATM. Di ko alam kung magkano. Basta sila ni Edward ang nag-uusap. Nagchichikahan lang kami ni Jerry tungkol kay Crey. Feeling ko talaga type nito si kapatid.
Maya-maya ay nagshopping na kami. Syempre kaming girls ang namili ng susukatin niya. Pero in the middle of our shopping, nag-butt in na naman ang boys. In the end, sila na halos ang namimili.
Naisip ko nga baka mas mainam na sila ang mamili. After all, ang aim namin ay ang maging kaaya-aya ang kapatid ko sa paningin ng mga lalaki, babae at ng sarili niya. What better opinion would suit that purpose than the guys’?
Nakakatuwa ngang panoorin ang dalawang pogi na magshopping ng pambabaeng damit. At in fairness, my taste sila.
“Wow,” sabay-sabay naming sabi nang lumabas si Crey.
Tapos tiningnan namin yung price at muntik na kaming magmura. "Put&%%#@."
“Huy wag kang magmura,” sabi ni Edward kay Crey.
“Bakit ikaw hindi nagmumura?”
“Hindi talaga. Ayokong magmura, magmamahal na lang ako.” Nilamutak ni Crey ang mukha niya. “Tara na nga.”
“Saan na naman tayo pupunta? Hindi ba tayo bibili?” tanong ni Jerry.
“Kuripot tong bibili eh kaya dun tayo sa mura.” Natawa si Crey sa sinabi ni Edward.
Oh my gosh! Totoo ba ito? Tumawa si kapatid. Kahit mabilis lang.
Nagpunta kami sa… Saan daw nga?
“Greenhills. Mura daw kasi dito eh,” sabi ni Edward. “Nalaman ko to kay Mommy, lola ko.”
“Anggulo ha, mommy tapos lola?” sabi ni Crey.
Ngumiti lang si Edward. Nakapamili naman kami ng matiwasay at nakauwi ng mapayapa. Hindi na umiikot ang ulo ni Crey. Kanina kasi lingon ng lingon siya na parang natatakot na may makita. Syempre, si DK pa rin.
“Bukas mag-half day ka lang ah. Wala ka namang gagawin sa office eh,” sabi ni Edward nang nasa bahay na kami.
“Bakit? Wala ka bang gagawin?”
“Ako meron, ikaw wala. Kaya may ipapagawa ako sayo.”
“Ano?”
“Secret,” nang-aasar pang sabi nito sabay hawak sa balikat ni Crey, pinatalikod at tinulak mildly papasok sa bahay. “Sige na, magpahinga ka na muna. Magbeauty rest ka.”
Nung umakyat na si Crey ay ako naman ang hinarap niya. Naku, baka gusto lang akong masolo nito. “Ate Feli, dalhin mo siya bukas sa mga lugar na ito,” sabi niya sabay bigay ng isang papel.
“Bakit? Ano na bang plano?”
“Blind date.”
“Blind date?” Nauna pang magreact sa akin si Jerry.
“Yep. Para makalimutan niya si Justin-“
“Dustin,” pagtatama ko.
“Ay oo. Para makalimutan niya yun, dapat may kapalit.”
“Ah… I don’t think that would work.”
“Ako rin boss, parang hindi naman-“
“Guys, I got this under control,” nakangiti uling sabi nito.
Sabagay, lagi namang matagumpay ang plano niya eh.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...