Feli:
Alas siyete pa lang ay nagising na ako. Nagulat ako nang makitang nauna pang magising si Crey sa akin, nakatulala.
“Kumain ka na?”
Nagulat siya sa akin at tahimik n ailing lang ang sagot. “Okay ka lang? Hangover pa rin ba?” Dinedma lang ako. “Sabi ko naman kasi sayo eh isa lang ang tirahin mo. Lima kaya ang nainom mo.” Tulala pa rin siya kaya hinayaan ko na. Saan kaya nanggaling ito at si Edward kagabi?
Pagbaba ko ay hindi pa pala naghahain. Ako palang yata ang gising dahil napagod silang lahat kagabi. Pumunta ko sa kusina at naabutang nagluluto ang mga kasambahay.
“Good morning po. Gusto nyo pong magkape muna?” tanong sa akin ng isang babaeng kasambahay na mga trenta na siguro.
“Opo, pero ako na lang ang magtitimpla. Ipagpatuloy niyo na po yang ginagawa nyo.”
“Ma’am, ano ho ulit pangalan ng gerpren ni Sir Edward?” tanong ng mas batang kasambahay na babae.
“Hoy, Puring, tigilan mo nga yang paninyismis mo.”
“Hindi, okay lang po,” sagot ko, “Ah, Charm yata ang pangalan nun.”
“Naku, hindi po si Ma’am Charm. Yung kapatid niyo po yata yun.”
“Huh?”
“Puring!”
“Manang!” Nagulat kami sa masiglang tawag ni Edward.
“Ay, josko! Nagulat naman ako sayo.”
Nakangiting lumapit ang pogi sa matanda sabay umakbay dito. “Ano pong menu natin?”
“Syempre hindi mawawala ang paborito mong sibuyas omelet,” malambing na sagot ng matanda.
“Bakit nio pop ala pinapagalitan si Puring?”
“Eh kauma-umaga eh puros tsismis ang inaatupag,” sabi nito sabay tingin kay Edward,” Eh kami ba’y hindi mo man lang ipapakilala sa nobya mo?”
Minasahe ng bahagya ni Edward ang matanda. “Saka na ho Manang kapag meron na,” sagot niya sabay tawa.
“Eh sino yung dinala mo dine?”
Tumingin muna sa akin si Edward habang slow motion kong hinihigop ang kape ko. Pero hindi pa siya nakakasagot ay napalingon kami sa bagong dating. Si Crey. Parang nagulat din ito nang makita kami tapos unti-unting naglakad patalikod paalis.
“Mahal.”
Dahan-dahan pang lumingon si Crey kay Edward. “H-hah?” Bangag pa rin si kapatid.
“Ang-mahal dito,” sagot ni Edward na pumamewang, sabay tingin kay Crey. Nag-alis naman ng tingin si Crey na parang nahiya. “Ano sa tingin mo?” Kibit-balikat lang ang sagot niya.
Nasa isang souvenier shop kami sa El Nido. Bibilhan ko sana ang mga bata ng pasalubong kaso, sabi nga ni Edward, mahal.
Tuloy pa rin ang island hoping namin sa araw na ito. Favorite kong pinuntahan ay yung Pavillion. Isang isla na may kweba at sa loob ay sobrang lamig ng tubig at wala pang alat. Medyo mataas ang agwat namin ng tubig at dahil bangag si Crey, bigla ko siyang tinulak sa tubigan. Hehe. Medyo marunong naman siyang lumangoy peronakalimutan na siguro dahil nga bangag siya. Inalalayan na lang siya ni Edward at dahil takot, napakapit siya sa leeg nito.
Pinunasan niya ng palad ang mukha at nagulat nang makita si Edward. Lumangoy siya palayo pero natamaan ng paa niya si Edward kaya bumalik din.
“Sorry, tinamaan ka ba?”
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...