“Good morning,” bati ni Dor pagpasok sa kwarto. Maaga din naman akong nagising at nag-ayos ng kama. Hinihintay ko na lang bumangon si Crey na ngayon ay kagigising lang. Alas-otso na nang umaga. “Kain na kayo.
“Lukring!” Biglang sumulpot si Edward. Lumapit ito sa pupungas-pungas na babae at may hinagis na paper bag. “Maga-island hopping tayo. Suotin mo yan.” Yun lang at umalis na ito. Ako naman, bumaba na para kumain matapos magtoothbrush at maghilamos.
“Wow parang piyesta ulit. Good morning.”
Bumaba na rin si Crey at kumain na kami. Tinitingnan ko si Edward pero parang wala namang nabago sa mga kilos niya. Ako tuloy ang naguguluhan sa kanya. Kaya inenjoy ko na lang din ang umaga. Naghanda na ako ng mga dadalhin para sa island hoping. “Ate,” angil ni kapatid at pinakita ang laman ng paper bag na binigay ni Edward. Isang pares ng light blue swim suit.
“Wow, sukatin mo.”
“Ayoko,” maarteng sagot niya habang nakasimangot.
“Arte ah. Try mo lang.” Sinukat nya nga at okay naman sa kanya. Tapos biglang nagsuot ng bestida na pang-summer. Hindi nga naman siya lalabas nang naka-swim suit lang.
“Bakit di mo suot?” tanong ni Edward sa kanya pero tuluy-tuloy lang siyang naglakad palabas.
Andami ulit nilang dalang pagkain at in fairness, may sarili silang Bangka. Sobrang ganda ng lugar, parang paraiso. Anlinis ng tubig at sobrang linaw.
Ang unang isla na pinuntahan namin ay mukhang fried chiacken leg ang hugis. Helicopter island daw ang tawag pero fried chicken pa rin ang tingin ko. Gutom lang siguro.
Unlike sa isla Debangan mas malalaki ang butil ng buhangin dito. Tapos pag umapak ka , sobrang lubog na parang quick sand.
Nauna nang lumangoy yung mga bata. Sayang din na hindi nakasama ang mga kapatid ko at anak.
“Magswimming ka na,” sabi ni Edward kay Crey na pumwesto na sa lilim.
“Mamaya na. Mainit pa eh.”
“Night swimming ka pala dapat eh.” Tumabi ito sa kanya. “Suot mo yung binigay ko?”
“Secret.”
Ang-kulit talaga nitong dalawa. Anyway, direcho naman kami sa Embaludan island. Puti naman ang buhangin at sobrang pino. Sobrang linaw din ng tubig. Dun na kami kumain.
“Para saan pa’t nagPalawan ka kung ayaw mong umitim. At sa init ng araw dito, di pwedeng hindi ka umitim. Mas pangit naman kung hindi pantay ang kulay mo di ba?” pangungulit ni Edward kay Crey.
“I’m so glad Edward can smile now,” sabi ng lola ni Edward habang nakatingin sa dalawa.
“Parang wala nga po akong natatandaang hindi nakangiti yung apo niyo eh.”
“That’s an even better news. Mula kasi nang mawala si Charm,” Umiling-iling siya, “mas lalo siyang naging seryoso. I mean matagal na siyang serious dahil sa work and pressure and problems. But ever since the fumeral, he seemed to shut off. Then he quit his job at lumipat ng condo tapos matagal na hindi nagpakita sa amin. Pero matapos naman yun ay nakakangiti na siya. Parang ibang tao na ang kaharap namin.” Bumuntong hininga siya. “It’s hard for me to say this but… Charm’s death made him live. Or made him realize that he should live.”
Pag tingin ko sa dalawa ay nakatayo na si Crey sa harap ni Edward. Gumalaw ang mga kamay niya sa bestida habang inaangat ito hanggang sa tuluyang mahubad.
Nakadiretso lang ang tingin ni Edward sa mga mata ni Crey habang nakangiti na parang nagpapa-cute. Pumamewang si Crey at taas-kilay na tinitigan ni Edward mula ulo hanggang paa.
“Okay,” sabi ni Edward saka hinawakan ang balikat ni Crey at bahagyang tinulak . “Magswimming ka na.”
Tumakbo naman si Crey na parang bata sa tubig.
“Lukring!” Lumingon siya. “8 down, 7 to go!”
“Okay lang ba talaga?” tanong ni Crey sa akin habang naglalakad. May suot na siyang paldang mahaba. Nasa ibang isla na kami. Commercialized na ito at talagang enhanced. Pero mas gusto ko pa rin yung mga ibang isla. Dumaan lang kami dahil may pupuntahan lang si Dor.
“Oo naman, sexy mo kaya.”
“Pagod na kayo?” tanong ni Edward na nakalapit na sa amin
“Hindi pa.”
“Okay lang ba talaga? Seryoso Edwardo.”
Huminto si Edward at humarap sa kanya. “Ganito lang.” Hinawakan niya ang pisngi nito habang pinipigilan ko ang kilig ko. “Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong Palawan… Yan ang isipin mo.”
Nagtitigan sila habang nabubuo ang ngiti ni Crey. Parang titigan nina Popoy at Basha, Jack at Rose, Nora at Pip. Ganun!
“Talaga?”
Tumango si Edward. May sasabihin pa sana siya nang biglang-
“Cresia?” sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag. “Oh my, it is you!”
“Oh…Ma…ndy!” Halatang pilit ang ngiti ni kapatid.
Tumakbo papalapit si Amanda saka yumakap sa kanya. Sobrang puti pa rin nito na parang mahihiya ang dumi na dapuan ang beauty nito. Naka-t-shirt at shorts lang ito at may dalang body bag.
“I missed you. Dito pa talaga tayo nagkita.”
“O-oo nga eh. Ah, kamusta?”
“Ito, may outing lang lang sa church namin so join naman ako. Ikaw? Kamusta ka na? Nice hair ah.”
Hinaplos ni Crey ang buhok. “Thanks. Ah… Kasama ko si ate.” Dun lang ako nakijoin sa usapan nila.
“Hi Ate Feli. Wow! Sister bonding huh.”
“Tsaka… Mandy, si… Si Edward, boss ko.” Medyo nag-isip pa siya bago banggitin ang huli.
“Hi, pleasure to meet you. Lagi kang nakukwento ni Crey.”
“Crey? Nice.” Nagpalit-palit siya ng tingin sa dalawa. “Well, Crey, since I don’t really have time for chat right now, pwede ba kayo later? Magba-bar kami mamaya. Well, not actually bar. Kantahan lang talaga habol namin.”
“S-saan?” Weird pa rin ang ngiti niya.
“El Nido. You can join us.”
“Ay, may sarili din kasi kaming lakad sa-“
“Mandy!” tawag ng isang lalaki na medyo matanda.
“Oh, wait. Tawag lang ako ni Pastor.”
Malalim na buntong hininga ang ginawa ni Crey nang makaalis si Mandy. Tumingin siya kay Edward na nakalingon sa direksyon ni Mandy.
“So, ako pa rin ba ang pinakamagandang babae sa buong Palawan?”
“Edward,” tawag ni Mommy Linda sa apo habang papalapit sa amin. “I saw Pastor Johny and he’s inviting us to join their mini party at El Nido.”
Sabay kaming lumingon kay Crey na hindi na maipinta ang mukha. “Mommy, kung gusto niyo, tayo na lang pumunta kasi mukhang pagod na sina Crey. Ihatid na lang natin sila.”
“No! You can’t miss this. Maganda sa El Nido,” sabat ng ginang na nakatingin sa aming dalawang magkapatid.
“Cresia! I mean, Crey. Ano? Pwede ka? Please… Payag na yan…” sabi ni Mandy na hindi na namin napansing nakalapit na sa amin. “Please…”
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...