Lift your head
Baby don’t be scared
Of the things that could go wrong along the way
You’ll get by with a smile
You can’t win at everything but you can try…
Mas maganda naman sigurong gumising ng umaga na ganito ang tugtog diba? Kaya hindi na ko magtataka na nakangiting bumaba si Crey lalo na nang makita kung sino ang nagluluto.
Akalain mong marunong din magluto ang poging ito.
Hay, Edward. Kung wala lang talaga akong asawa. Naku!
Let me hear you sing it…
Kumakanta pa habang nagluluto.
“Sobrang lamig! Ansarap ng may kayakap,” sabi ko sabay yakap kay Papa Darwin ko. Tiningnan pa ako ng masama ng bitter kong kapatid. “Bakit? Edi maghanap ka rin ng kayakap.”
Sabay pa silang nagkatinginan ni Edward.
Yeeeh! Kinilig naman ako.
“Luto na!”
“Ano yan?” Kapag talaga bagong gising laging mainit ang ulo nito.
“Omelet, hotdog, sinangag, bacon.”
Nauna na akong kumain dahil nagugutom na ko. Sina Mencio ay humihilik pa. Naninibago sa cool climate.
“Pwede ka nang mag-asawa pare,” sabi ni Darwin.
Ngumiti lang ulit si Edward.
“Irereto kita kay Mandy,” sabi ni Crey. Tsk! Hay naku kapatid, baka magsisi ka sa mga sinasabi mo.
“Maganda ba talaga si Mandy?” tanong ni Edward.
“Sobra. Maputi.”
“Iba naman ang maputi sa maganda.”
Hindi muna nakasagot si Crey. “Magaling kumanta.”
“Ikaw rin naman ah,” sabi nito na hindi nakatingin kay Crey.
Oh my gosh. It’s a start of something new.
“Ikaw ba Edward, anong gusto mo sa isang babae?”
“Hm… Ewan. Kahit ano. Basta mahal ako… Ako lang.”
Pinipigil ni Edward yung ngiti niya. Nakakatuwa. “Ayaw mo sa bitter?”
Padabog namang binaba ng ampalaya ang kutsara. “Excuse me, CR lang ako.”
Tuluyan nang napangiti si Edward.
For the second day namin sa Baguio, sa Grotto kami pumunta. Sobrang taas. Sumakit ang paa ko. Bongga. Nagdala na kami ng food para dun mag-picnic. Nung hapon na, bumyahe na kami pauwi. Medyo bitin pero sobrang enjoy. Feeling ko naman nag-enjoy din si Crey.
“Naka-ilan ka ng girlfriend kuya Edward?” tanong ng malanding Mencio.
“Marami na yan,” si bitter ang sumagot.
“Dalawa,” sagot ng poging driver.
“Dalawa pa lang?” tanong ni Crey na talagang may himig ng pagtataka.
“Yes. Ikaw ba?”
“Marami na yan si ate, malandi yan eh,” sagot ni Menciong maarte.
Natawa naman kami.
“Tatlo lang naman.”
“Aba, at balak pang dagdagan?”
“Oo naman. May isa pang slot para kay-“
“Bakit kayo nagbreak Edward?” sabat ko para hindi matuloy ang sasabihin ni bitter.
“Yung una, si Shiela, nabuntis siya ng pinsan ko.”
Lahat kami ay nag-whoah!
“Oo,” natatawa pa siya, “Tapos si Charmelle… ah… She was my fiancé.”
“Was? Bakit? Nambabae ka no?” sabi ni bitter.
“Hindi no.”
“Nanlalake siya?”
“Grabe talaga to. Hindi ah.”
“Hmp! Ayaw ng mga magulang niyo? San ka nga ba makakakita ng lovestory na mahal mo, mahal ka, tanggap ng magulang niyo? Sa pelikula lang yan.”
“Well, kami ni Cha, ganun. Boto sina Mommy sa kanya. Pati parents ko nung naging kami nung college. Okay din ang Mom niya sa akin.”
“So what happened?” tanong ko.
“Sabi na nga ba, nambaba-“
“She died.” Natahimik kaming lahat. “A week after I proposed to her.”
Wala na kaming naimik.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...