“Edward!” tawag ko kay pogi nang makita siya sa may ship deck. Lumapit ako sa kanya nang lumingon siya. Grabe! Walang panama si Leonardo Dicaprio ng Titanic sa kagwapuhan nito.
“Tulog na si Lukring?”
“Lukring?”
Ngumiti siya. “Nag-aasaran kami kanina. Bakit ikaw hindi pa natutulog?”
Tumabi ako sa kanya. Ansarap ng fresh air! “Gusto kong makalanghap ng fresh air. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?”
“Naghihintay ng shooting star.” Tumawa ako pero mukhang seryoso siya.
“Nakakita ka na ng shooting star?”
“Oo.” Nakatingin siya sa taas na parang nag-iimagine.
“Nagwish ka?”
“Hindi nga eh. That time kasi, wala na akong gustong hilingin .”
“Oh. Eh ngayon, ano bang gusto mong hilingin?”
Tumingin siya sa akin na mukhang seryoso pero halatang nagpipigil ng ngiti. “Secret, baka hindi matupad eh.”
Dahil kating-kati na kong tanungin siya ay ginawa ko na. Wala namang mawawala eh. “May gusto ka ba sa kapatid ko?”
Lumingon siya sa akin na parang nagulat, sabay iling. “Bakit mo nasabi?”
“So, anong ibig sabihin ng mga ito?”
“Anong ito?”
“Edward naman, hindi normal na gawain ng boss na tulungan ang empleyado niyang malayo ang department sayo, sa pag-aayos niya ng buhay.”
Lumingon siya paharap, tapos sa tubig dagat, tapos taas, nakakunot ang noo. “Nung nakakita ako ng shooting star, yun yung time na bumili ako ng singsing.” Huminto siya, parang malalim ang iniisip. Grabe mas pogi siya pag seryoso yung mukha. Mas manly…
Anyway, serious siya so serious din dapat ako.
“I was a workaholic back then.”
“Parang hindi naman.”
“Kaya nga ‘was’ eh.” Buti ngumiti na siya slight, pero nawala din ulit. “Yun lang yung free time ko para bumili ng singsing… Tapos nagpropose ako… Okay naman kami ni Charm. Well, I thought.”
Antagal ng pause niya eh naiintriga ako. Chismosa eh. “Anong nangyari?”
“That day came. Punung-puno ang schedule ko nung time na yun at kahit kumain ay hindi ko na nagawa. Si Charm na nga lang ang laging pumupunta sa office para lang magkita kami. Pero hindi rin kami nakakapag-usap at kung may pagkakataon naman, ako yung laging nagkukwento tungkol sa work… But on that day, hindi siya dumalaw.”
Nagpause ulit siya. Ang kulit! Naeexcite ako eh. Pero feeling ko sobrang hirap para sa kanya na i-open-up yung topic so I’ll be patient.
“Then sa kalagitnaan ng meeting ko, tumawag siya. Hindi ko alam kung ilang beses pero sobrang dami daw at nangungulit na sabi ng assistant ko. So sinagot ko na.”
Lumunok pa siya. Dinig na dinig ko dahil sa sobrang katahimikan. Kahit ugong ng barko ay mistulang naka-mute.
“Umiiyak siya. Puntahan ko daw siya. Hindi yun normal sa kanya kasi never ko pa siyang nakitang umiyak. Pero sobrang stressed ako nun kaya hindi ko siya inintindi… Nagalit pa nga ako eh.” Yumuko siya at pinanood ang tubig dagat. “Sabi niya magpapakamatay siya pag hindi ako pumunta. Mas lalo akong nagalit. Binabaan ko siya ng phone at pinagpatuloy na yung meeting.” Pause.
“Edward, utang na loob wag mo na akong bitinin. Ituloy mo na, ano nang nangyari?”
Natatawa siyang lumingon sa akin. Natatawa pero nangingilid ang luha. “Ayun, wala na silang pam-bleach ng damit kinabukasan kasi naubos na niya.”
Hindi ko nagets nung una dahil slow ako pero nung na-realize ko, nakanganga na lang akong tumitig kay Edward.
Lumingon siya sa kaliwa tapos parang nagpunas yata ng mata. “Nung libing niya, may nakita kaming papel sa kwarto niya. Nakasulat lahat ng gusto niya, pangarap niya. Nakakalungkot na kahit isa dun walang natupad. At isa dun sa mga pangarap niya… maikasal sa akin.”
“Bakit… Bakit siya-“
“Mahabang kwent-“
“Makikinig ako!”
Natawa ulit siya. “Well, to make it short. Governor ang stepdad niya na dati siyang hinahalay at pinilit siyang matuto ng about politics para siya ang sumunod sa yapak nito. Pero ayaw niya. So lagi siyang binubugbog.”
“Hindi mo yun alam bago siya namatay?”
“I’m a workaholic. That day na tumawag siya, gusto na siyang dalhin sa States ng stepdad niya…”
“Wait! Anong connect nito sa napakababaw kong tanong?”
“Hmm, when I saw Crey’s reaction nung birthday niya, habang pinagkukwentuhan natin ang mga pangarap niyang naudlot, naalala ko si Charmelle.”
“Talaga?”
“Yes. Ang pagkakaiba nga lang ay siya, may freedom of choice. Mali nga lang ang pinipili.”
“Bakit? Tama ba yung pinili ni Charmelle na tapusin ang buhay niya? Iwan ka?”
“I won’t blame her. Ayoko nang magalit. Bakit ako magagalit na iniwan niya ako, eh ako nga, hindi ko siya nasamahan nung mga panahong kailangan niya ako.”
Bumuntong-hininga ako ng bonggang-bongga.
“Mabait si Crey. Alam ko yun sa kabila ng mga topak niya.” Natawa siya sa sinabi. “Ayokong matulad siya kay Charm. Minsan hindi naman nila kailangan ng solusyon sa problema nila eh. Kailangan lang nila ng mga taong handang makinig.”
Sobrang bilib talaga ako sa lalaking to. “Wala ka nang bakas ng dating ‘ikaw’ na kinukwento mo.”
“I quit my job after niyang malibing. I hated that job anyway. Tapos gumawa ng sariling listahan ng pangarap.”
“Kasama ba si Lukring sa listahan mo?” Kulit ko no.
Tumawa ulit siya. Medyo light na ang mood niya ngayon. “Nakakatakot mainlove dun.”
In-love agad? “Bakit?”
“Mahirap maging karibal ang memory. Puro memory of Dioskoro.”
“Dioskoro?”
“Si DK,” natatawang sagot niya.
“Baliw!”
“Love story of Dioskoro and Lukring. Hahahaha!” Sa wakas ay humalakhak din siya. Hindi ako sanay na madrama si Edward.
“Parang mas maganda yung Love Triangle of Dioskoro, Lukring and Edwardo.” Pareho kaming natawa.
Mula sa bulsa, hinugot niya ang isang brown wallet. Akala ko bibigyan niya ko ng pera pero iba ang kinuha niya. Singsing.
“Engagement ring namin.”
Pinatalun-talun niya muna sa palad bago biglang hinagis sa tubig dagat.
Napasigaw naman ako sa gulat. Sabi ko, “Ay!”
Nakangiti siyang tumingin sa akin. “Ayokong maging bitter eh.”
Nakatitig ako sa pinaghulugan ng singsing although hindi ako sure kasi umaandar ang barko. “Paano yan, wala ka nang ibibigay kay Lukring.”
Tumawa siya. “Edi bibili ng bago.” Tawa ulit.
O diba, may pag-asa pa!
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...