Crey:
Contrary to my previous expectation, hindi ako na-bore sa seminar. Sobrang dami kong natutunan. Sinamahan ako ni ate Dor at halata niya nga daw na sobrang interested ako. Matapos ang seminar ay dumiretso kami sa fashion show. Sa kabilang function hall ginanap ang show na may Winter theme. Papunta pa lang kami ay mas naexcite na ako pero hindi dahil sa show. May hinihintay ako.
"Nasan na ba yun?" bulong ko habang lingon nang lingon.
"Dear, why don't you get some refreshments first?"
"Sige, medyo gutom na nga ako."
Tumayo na ako at pumunta sa catering area. Ansarap ng red wine nila, parang konti lang ang alcohol, parang soft drinks lang. Tapos ang-cute ng finger foods at panalo ang taste. Ganito pala pag sosyal.
"Hinay hinay lang sa pag-inom." Lumingon ako sa nagsalita. Si Edward. "Baka magwala ka na naman."
"Ansarap eh."
Tumawa lang siya. Ampogi pala niya pag naka-tuxedo. Shoot! Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa.
"Bagay pala sayo ang red."
Kinilig ako nang slight. Sabay kaming nanood ng show nang nakatayo. Kinawayan namin si ate Dor nang lumingon siya para hanapin ako.
"Marunong kang magdesign?"
"Konti."
"Good, patingin naman."
"Pangit."
"Grabe makapanlait."
Bumuntong-hininga ako. Kulang pa ako sa lakas ng loob eh.
"Tatapusin niyo pa ba yung show?" tanong niya sa akin.
"Bakit?"
"Mauna na ako."
"Ganun? S-sige."
Please Edward, wag kang umalis.
Lumingon ako kay ate Dor at nakitang may nakaupo na sa pwesto ko.
"Actually, hinihintay ko lang yung fireworks after ng show. Mas maganda kasi yung view sa hotel veranda," nakangiting sabi niya.
"S-sama na nga ako."
Lumawak ang ngiti niya. "Tara."
"Matagal pa kaya yun?" tanong ko nang nasa veranda na kami.
"Mga 15 minutes siguro."
Sumandal din ako sa may harang. "Ano, ano pa yung nga nasa listahan ko?" Binigay niya sa akin yung papel.
Mahalin, malimutan si DK, magka-fashion line, manalo sa lotto, pumuti, maging masaya.
"Dapat pala may check na yung maging masaya no?"
"Hmm" lang ang sagot ko.
"Masaya ka naman di ba?" Hindi ako sumagot. "Ano ba talagang problema?" No comment. "Anong gusto mong gawin? Sige, gusto mong uminom? Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin kesa nagkakaganyan ka."
Gusto kong gawin?
"Sige, ano?" malambing niyang tanong.
Bahala na si SpongeBob. Lumapit ako at niyakap siya. Pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko habang parang kinukuryente ang buong katawan ko. Tapos ang-init ng mukha ko. Naramdaman ko na lang yung unti-unting pagpatak ng luha ko nang yakapin niya rin ako.
"Sorry ah," sabi ko habang humihikbi, "I just feel alone." Mukha kong tanga. "Natatakot ako."
"Bakit ka natatakot?"
"Natatakot akong matapos to."
"Ang alin?"
"Ito. Maubos ang listahan ko."
"Anong lista- ano ka ba?" Pinatahan niya muna ako bago unti-unting kumalas sa pagyakap.
Inalis niya ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa maganda kong mukha.
"Anong ikinatatakot mo eh tinutupad nga natin pangarap mo?"
*hikbi
"Eh anong mangyayari pag natapos?"
"That's the best part," sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. "Edi gumawa ka ng bagong listahan ng bago mong mga pangarap. Do not limit yourself with dreaming."
Medyo tumahan na ako. I feel so pathetic.
"Kung ako nga eh, andami ko nang nasusulat sa second wish list ko."
"Tapos na yung una?" mahinang tanong ko. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Ambango ng hininga niya.
"Nope," mahinang sagot niya habang nilalagay ang mga hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "May isa pa."
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Tapos. Tapos...
Ayun na.
Eeh. Hinalikan niya ako. Parang dampi nga lang eh. Pumikit na siya kaya pumikit na rin ako. Maya-maya ay naramdaman ko nang lumalayo na siya.
Yun na yun?
Para tuloy akong tanga na hinabol yung mukha niya, yumakap sa leeg niya at ako na ang nag-take over. Yes, take over.
Bahala na si SpongeBob.
Nakakahilo. Hindi ko alam kung dahil sa pabango niya o sa halik. Parang nags-slow motion ang lahat. May naririnig akong ingay pero hindi ko pinansin.
Dumilat na ako nang maghiwalay ang mga labi namin. Nakayakap pa rin ako sa leeg niya at siya sa bewang ko. Lumingon ako nang mapansing may lumiliwanag. Fireworks!
"Wow."
"Yeah, wow," sabi niya nang nakatitig sa akin.
Oh my gali!
Nahihilo pa rin ako pero malinaw na ang lahat. Hinalikan niya ulit ako bago kumalas sa pagkakayakap, hinawakan ang kamay ko at hinila na ako pahatid sa kwarto.
Oh my gali! I don't think I'm ready for this. Pero okay lang din. Hihi.
Pinipigilan niya ang ngiti niya nang humarap sa akin.
"So..." Hindi ako kumibo dahil kinakabahan ako. Binuksan niya ang pinto at hinatid ako sa kama.
"Good night," sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Pahinga ka na."
Pahinga? Makakatulog ba ako matapos ang nangyari kanina? Maaga pa man din ang flight bukas. Sasabay kaya siya? Tatanungin ko ba? Nasa pinto na siya.
"Good night," sabi niya ulit bago isara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...