Crey:
"Ano?! Ako lang mag-isa?" Napasigaw tuloy ako bigla sa opisina ni Edward.
"Kaya mo yun." Kung hindi lang ito gwapo pag nakangiti, kanina ko pa ito nasapak. Mag-isa lang daw akong babyahe papunta at pauwi galing Hongkong. Sana pala binilhan ko na si ate ng ticket para may kasama ako. "Look, walang maiiwan dito sa office so hindi ako pwedeng umalis. Si ate Feli ay may trabaho na rin at siya ang nag-aalaga sa mga kapatid nyo kahit pa nga andun ang parents mo. Tsaka sasamahan ka naman ni ate Dor pagdating sa Hongkong."
"Eh... Nakakahiya."
"Sus, wag ka nang mahiya dun."
Bumuntong-hininga ako. Two days. Two days lang naman. Two days na walang work, two days na walang stress, two days na walang DK, two days na walang Edward.
"Ayoko na umalis."
"Ano ka ba? Isipin mo na lang, simula na ito ng pangarap mong fashion line."
Napaisip ako. Kung sabagay, para saan pa't nangarap akong makarating ng ibang bansa.
"Sige na nga."
"Good. O, ito na," binigay nya sa akin ang gabundok na financial statement na kailangan kong i-file. Sumimangot ako at tumingin sa kanya pero busy na siya sa pagta-type. Ampogi talaga ni Edward. Bakit kaya hindi ko napansin dati?
"Hindi mo yan matatapos kung tititigan mo lang ako."
"Taray naman nito."
Ngumiti siya. Sino kayang hindi maiinlove dito?
_______________________
Nasa airport na ako kasama sina ate at Papa na mas excited pa kesa sa akin. Kinakabahan ako dahil first time kong pumunta sa ibang bansa at mag-isa pa. Si Edward kasi. Hindi man lang ako hinatid sa airport. Pero bakit niya naman ako ihahatid?
"Uy, pwede na daw pumasok," sabi ni ate. "Mag-ingat ka doon a. Dalawang araw lang naman."
Matapos akong magpaalam sa kanila ay pumasok na ako sa loob. Dalawang oras na byahe lang naman bago ako makarating ng Hongkong. Habang naghihintay, na-imagine ko yung eksena sa The Wedding Singer. Biglang may manghaharana sa akin ng "Grow Old With You" na lalabas sa likod ng pulang kurtina.
Pero sino? Dapat magaling kumanta.
Ano ba tong iniisip ko? Puro ka-corny-han. Dapat iniisip ko na ang itatanong sa seminar bukas. Kaso wala ako sa mood mag-isip kaya itutulog ko na lang to.
______________________
Sinalubong ako ni ate Dor sa airport. Medyo nahihiya pa rin ako pero bahala na. Tumuloy kami sa isang hotel na sobrang sosyal. Buti na lang libre niya.
"Do you have anything to wear for tomorrow?"
"Oo, nagbaon ako ng mga matitino kong damit," sabi ko habang binubungkal ang maleta ko.
"No, you're not wearing those. It's a formal event."
"F-formal?" Shoot!
"Yes dear. First part is the seminar then a fashion show for Winter collection."
Okay, I'm panicking.
"Don't worry. May mga dala akong dresses. Let's just hope na kasya sayo."
Nagsukat ako ng mga damit ni ate Dor na pwedeng gamitin bukas at buti na lang ay may kumasya sa akin. Bukas ko na lang malalaman kung keri ng beauty ko ang sosyal na damit na to.
_____________________
Buti na lang maaga akong nagising. Nahirapan kasi akong makatulog kagabi. Jetlag, homesick, ewan! I feel so... alone. Parang ang-lungkot kahit pa nga exciting dahil nga nasa ibang bansa ako.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...