“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA……..ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!”
Hindi na ako nagtataka na sumisigaw ng ganun si Crey. Sure kasi akong magwawala siya once na makita ang ginawa ni Edward sa kwarto niya.
Kagabi, dumating ito at humingi ng pictures ni Dustin.
Nung wala akong mabigay, kumuha siya sa facebook. Tapos nagpa-print. Pagbalik niya, may dala nang super daming papel na puro may mukha ni DK. Photocopies lang naman. Tapos tahimik na dinikit sa pader ng kwarto ni Crey.
Nagmistulang collage ng mukha ni Dustin ang pader ni Crey.
Naririnig ko na ang pabadog niyang pagbaba.
“Ano yun?! Sino gumawa non? Arggg!!!! Bakit pa ba ako nagtanong!!!????”
Padabog niyang kiunha ang phone at muntik ng mabasag sa sobrang diin niya magtype.
“Anong ginawa mo sa kwarto ko? Bakit tumatawa ka pa dyan?”
Pati ako natatawa sa kanila. Nasabi ko kasi kay Edward na ayaw makita ni Crey ang kahit anong bagay na makakapagpaalala kay Dustin.
“Kailangan matuto siyang harapin ang kinatatakutan niya. That way, pag nasanay na siya, hindi na siya makakaramdam ng takot o kahit anong sakit. Pero experiment pa lang naman yun,” sabi ni Edward kagabi.
“Hindi ka pa ba papasok?” tanong ko nang umupo na si Crey sa upuan.
“Ewan. Ayoko siyang makita.”
“Wow, andami mo namang ayaw makita. Gusto mo mukha naman ni Edward ang ilagay namin sa kwarto mo?”
Nagkamot ito ng ulo at dumiretso sa banyo. Wala naman nagawa ito kundi pumasok.
CREY:
Sige na nga, ako na ang magkukwento since wala ang intrimitida kong kapatid dito sa office.
Hindi ko pinapansin si Edward. Wala kong pake kung medyo nag-enjoy ako sa company niya kahapon. Badtrip siya.
“Crey,” tawag ng ungas. Bahala siya.
Kaso wala naman akong choice dahil boss ko siya.
“Bakit?” maangas kong tanong. Wahaha.
Nakangiti siya. Sarap sapakin talaga nito eh. Parang walang problema sa buhay kaya pinoproblema ang problema ng iba. Umupo siya ng maayos.
“Wag mong aalisin ang pictures na yun sa kwarto mo kahit one week lang. Just get used to it. Mananawa ka rin.”
“Ah, okay,” matabang kong sagot.
Matabang ha!
Hindi mapait!
“Tapos hindi rin kita bibigyan ng dates this week-“
“Thank God.”
“Dahil kailangang kalimutan mo muna si DK bago ka makipag-mingle sa iba. Alam mo ba kung bakit palpak ang dates mo?”
“Dahil walang wenta mga nireto mo.”
“No. Wala kasing matinong lalaki na mag-eenjoy makipag-date sa isang babae na walang ibang bukambibig kundi ang hopeless true love niyang taken na dating patay na patay sa bestfriend niya na halos gawin siyang doormat at san Francisco bridge para lang makuha ang gusto nito. At isang babaeng papayag nag awing epoxy clay ng isang worthless na lalaki.”
“Hindi mo siya kilala.”
“Pero kilala kita. You deserve better than you could imagine, Crey. I want you to learn from these experiences.”
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...