CREY:
Dear Diary,
Ang haba ng hair ko ngayong araw.
Andami kong naka-date, pero as expected, wala silang wenta.
Yung isa, Angelo yata yun, Masyadong tahimik tsaka hindi ngumingiti (parang ako). Tapos halos walang nagsasalita sa amin. Tsaka hindi rin siya marunong magdrawing o kumanta like DK. Hindi totoo yung sinabi ko kay ate na hindi siya maputi. Actually, maputi siya, matangkad at gwapo. Pero tama si ate, hindi siya si DK kaya hindi ko type.
Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Shoot!
Anyway, pagkatapos nun, sa Starbucks naman kami pumunta. Pero hindi natuloy yung date ko kasi mukhang bisugo yung lalaki.
Naku!
Gusto kong sapakin kanina si Edward.
Pati yung lalaki sa bar, aba’y akala yata group date yun. Andaming sinamang babae. Tapos parang wala ako sa harap nila!
Buti dumating si Edward. Hindi pala niya kilala yung mga yun. Nagtanong lang siya sa mga kaibigan niya kung sino ang available na kakilala ng mga ito.
Ayun, hinatid niya ko pauwi habang nagkukwentuhan tungkol kay DK. Wala kong pake kung nakikinig siya basta gusto ko yung topic. Tapos sa kalagitnaan ng pagdaldal ko, hindi ko namalayang nasa isang restaurant na kami papasok.
Mukhang sosyal, grabe!
“Five star restaurant to,” sabi ng loko-loko.
“Alam ko. At alam mo ring hindi ako gagastos para lang makakain dito.”
“Don’t worry, hindi ka gagastos.”
Wow, ililibre yata ako, naisip ko.
Maya-maya, umupo na kami. Konti lang ang tao at wala masyadong nagpa-reserve kaya nakakuha kami ng upuan.
Hinatagan kami ng isang basket ng iba’t-ibang klase ng tinapay. Tapos soup, at tubig.
“May I take your order sir?” Talagang siya lang ang kinausap ng waitress. Mukha kasing mayaman.
“Not yet, miss. We’ll still waytin fo ah company, thang kyu,” sagot niya with unknown accent. Muntanga talaga yun. “O, kainin mo na yang mga tinapay at soup nang makalayas na tayo dito.”
Nagtataka man ay ginawa ko naman. Utu-uto rin ako no?
Masarap yung soup, bagay sa tinapay. Yung iba nga lang masyadong matigas.
Biglang may nagflash sa mukha ko. Pinicture-an na naman ako ng ugok!
“Akin na yan,” sabi ko sabay kuha ng camera. Kinuhaan ko rin siya ng stolen shot kaso pogi pa rin. Unfair.
Nung lumapit yung waitress, umacting siya na may tinatawagan. “Halow? Oh yes we already hee. Weh ah you?... Oh! This is not the restow? Okay. We’ll be deh in a minute.” Binaba na ang phone. “I’m sorey dalin’ this is not the right restaurant,” sabi niya sa akin. Lumingon sa waitress. “I’m sorey fo the inconvenience miss.”
“It’s fine sir,” nakangiti pang sagot ng waitress. Mukhang nagpapa-cute kay Edward.
Natatawa na lang kaming lumabas. Kinuha niya yung papel na may wish list ko at chinekan yung ‘makakain sa 5star restaurant’.
Saka ko lang na-gets yung kalokohan niya. Adik talaga yun.
Tapos pina-develop namin yung pictures sa resto. Buti nga may bukas pang photo-printing.
“O yan ah,” inabot niya sa akin yung pictures pati ang isang tissue galing dun sa restaurant. “Bawat parte ng journey mo towards your new life, magtake ka ng pictures para may remembrance. Tapos idikit mo sa diary mo.”
Grabe tong lalaking to. Andaming alam sa ganun-ganun. Ay wait lang ah…
.
.….
.
.
Shoot! Nalimutan ko kung nasan ang pictures.
Kaso inaantok na tlga ko, kkpgod. Bye diary. Nyt.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...