Crey:
Umaliwalas na lang ang paligid nang mawala ang salot na payatot. Pumalaot na siya sa dagat para manghuli ng isda. Naku, sana nga lamunin na siya ng dagat.
Tapos na kaming kumain at nagkukwentuhan na lang sina Edward at Gardo pati ang nanay nito. Nagpunta ako ng banyo at naabutan si Shiela paglabas.
"Ilang buwan na yan?" magalang kong tanong.
Nagulat pa yata siya. "Anim na buwan." Nakakatakot yung tingin niya. Parang nakakaawa na humihingi ng tulong na hindi mo malaman. Yumuko siya at lalampasan ko na sana nang bigla siyang magsalita muli. "Maswerte... Maswerte siya." Lumingon ako sa kanya. "Napapangiti mo na siya. Hindi na rin siya mukhang pagod."
Si Edward ang tinutukoy niya obviously. "Palangiti naman na siya nang makilala ko."
Nag-angat na siya nang mukha at nakita ko ang maluha-luha niyang mata at malungkot na ngiti. "Pero maswerte ka rin sa kanya. Hindi ka niya pababayaan."
"Alam ko," sagot ko nang may ngiti. Totoo naman. Kahit sino, kahit akong hamak na empleyado lamang niya, tinutulungan niya pa rin.
"Nagbabakasyon na siya." Ngumiti siya. "Buti may nagbago sa kanya. Buti nabago mo siya."
Umiling ako. "Hindi ako ang nagpabago sa kanya. Si Charm... Kayong dalawa. So thank you," sabi ko sabay alis.
Paglabas ko ay naabutan ko ang boyfriend kong hilaw. "Okay ka na?" Ngiti lang ang sagot ko. "Una na ho kami Tita, Gardo." Matapos magpaalam ay lumabas na kami.
Wala pa rin siyang imik kahit nang makalayo na kami sa bahay na iyon. Bumuntong hininga ako. "Bakit pa kasi tayo nagpunta dito? Tapos nagkakaganyan ka ngayon."
"Sorry," sabi niya nang nakangiti tapos tahimik na ulit.
"Pwede ba ako magtanong?"
"Nagtatanong ka na ah."
Hindi ko pinansin ang biro niya. "Ano ba yung pinagsasasabi ng mag-ama? Kasi, honestly, wala akong idea."
"Alin dun?"
"Lahat." Wala talaga akong idea. Best actress lang ang trip ko kanina. "Bakit parang inis sayo yung huklubang tatay ng ex mo? Bakit sinasabi niya sa akin na nabago daw kita? At higit sa lahat, sino si Larry?"
See? Wala akong kaalam-alam.
Bumuntong hininga siya at umupo sa bench. Nasa dulo na kami ng isla. May waiting shed para sa daungan ng malalaking bangka. Umupo din ako.
Seryoso ang mukha niyang nakatingin lang sa tubig. "Nakwento ko na dalawa ang ex ko diba? Yung isa, si Charm. Si Shiela naman yung isa. Nabanggit ko rin na kaya kami naghiwalay dahil nabuntis siya ng pinsan ko, si Larry."
"Grabe, kelan siya nabuntis at bakit hanggang ngayon-"
"Bago na yung pinagbubuntis niya. It's been 5 years. Anyway, ayun nga, pinsan ko si Larry." Natahimik ulit siya na parang nag-iisip ng malalim. "Dati, workaholic ako, suplado, laging negative sa lahat. Parang," tumingin siya sa akin, "ikaw. Joke." Pero hindi siya tumawa. "Yun, parang... Ayaw ng family sa akin ni Shiela dahil parang ginagawa ko lang daw siyang yaya." Bumuntong hininga ulit siya. "I've changed alot since Charm died. Nakakasawa din kayang iwan."
"Oo nga."
"Hindi mo pa nararanasan yun."
"Anong hind-"
"Hindi ka iniwan ni DK."
Ouch.
"Grabe ka naman-"
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...