"Kung wala ka rin lang sasabihin, pwede na ba kong umalis? Kasi medyo mabigat tong-"
"I love you," biglang sabi ko. Narinig ko pa ang iba't ibang reaksyon ng mga tao sa office.
"Really now?"
"Liligawan kita." I know, mukhang tanga ang sinabi ko at tinawanan na rin ako ng mga impaktong mga tao dito pero wala akong pakialam.
"Tsk, stop this Crey," sabi niya at lumakad na paalis. Hindi ako nakagalaw agad pero nang mahimasmasan ako ay kumuha ako ng kung anong papel at binato si Bennie na walang tigil sa pagtawa sa akin.
"Go lover girl," sabi pa niya kasabay ng mga kinikilig na malalandi.
Sinundan ko si Edward palabas at naabutan siya malapit sa pinto ng entrance ng building.
"Pakinggan mo naman ako please," sabi ko kahit hindi siya lumilingon. Nagtinginan tuloy yung mga ibang pumapasok. Buti na lang hindi masyadong rush hour. "Nakapag-sorry na ako at alam kong hindi mo tatanggapin yun pero..." Hinarangan ko yung daan niya. "Please." Hindi siya tumitingin. "5 minutes." Binaba niya yung mga dala niyang gamit at pinagkrus ang mga braso. "Sa totoo lang hindi ako prepared. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa ano na lang siguro, sa sorry. Nagselos ako. Yun lang talaga yun. Ansakit kasing isipin na hindi lang pala ako yung ginagawan mo ng ganun. Yung ano. Hindi lang ako yung tinutulungan mo. Yung binibigyan mo ng atensyon."
"Anong gusto mo? Lahat tungkol sayo?"
"Wait lang kasi! Sorry. Wait. Mahirap kaya to. First time ko to ah. Wait." Huminga muna ako ng malalim. "Lalo pa't si Mandy ang involved. Eh alam mo namang insikyora ako dun. Little miss perfect yun eh." Tumaas lang ang kilay niya. "May nalalaman pa siyang 'boyfriend material' kemedu ka daw." Napangiti siya sa sinabi ko kaya napakunot ang noo ko. "Natuwa ka naman. Anyway, ayun. Pero hindi totoo yung mga sinabi ko. Dala rin siguro ng mood swings dahil sa hormonal imbalance. I know it's stupid pero talagang lagi akong nagaganon."
"Can I explain my side?"
"Ah... S-sige."
Bumuntong hininga siya. "Yes, nagtatawagan kami ni Mandy dahil nabanggit niyang dream niya ang makapag-perform sa New York. I offered my help since Dad knows someone from NYC Broadway. Ang kapalit lang ay... Hmm... Well, she will help me court you." Nanlaki ang mga mata ko. "Kahit hindi naman na kailangan dahil alam kong boto si Ate Feli sa akin-"
"Obviously."
Ngumiti siya. "I still want to be sure. At gusto ko rin sana na magkaroon kayo ng closure dahil hindi niya alam na may gusto ka noon kay DK." Napaisip siya at nanahimik. "You're right. I'm trying to fix everything for you even if I can't. And it's... wrong."
"Bakit? Tumulong ka lang naman. Ako yung mali."
"Kasi parang... Umiikot na yung mundo ko sayo." Totoo pala yung sinasabi nilang may mga eksena na nakakapagpatigil ng paghinga mo. "Hindi na tama. Lalo pa... I'm starting to hate myself. I hate myself for not hating you enough to forget you."
Gusto ko ulit maiyak. Right here. Right now. Gusto ko siyang yakapin pero. "Ahm." Shoot. Wala akong masabi.
"That's why I have to leave. Ayokong... Ayokong maging kagaya mo. No offense. I tried to fix you but I ended up being just like you. I need to start again. Hindi dapat na masaya lang ako. Ngayon kailangan kong isipin kung sapat na ba yung 'ako' para mahalin din. Don't get me wrong, hindi lang ito dahil sa sinabi mo about success. I... I just need to be better."
"Better, not bitter, huh?"
Natawa kami. "Yeah."
"Saan ka pupunta?"
Nagkibit balikat siya. "I don't know. I haven't planned it yet. Another adventure I guess." Tumitig siya sa akin ng matagal. "How about you, are you gonna be fine?"
"Oo naman," kunyare mayabang pang sagot ko. "Hindi pa naman tapos yung list ko eh."
Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko. "I'm gonna miss you."
"Thank you so much. Sa lahat."
Hinalikan niya ako at niyakap ko siya. Makalipas ang ilang segundo ay kinuha na niya ang mga gamit niya at nagsimulang maglakad palayo.
"Edward!" Lumingon siya. "I'm Like A Lawyer With The Way I'm Always Trying To Get You Off. Yun... Yun yung title ng favorite song mo." Ngumiti lang siya sa akin at tuluyan nang sumakay sa kotse niya.
***********++++++++++++++++************
Hmm... Sige. Next week siguro yung ending. or next month. hehe. argh! Hirap talaga ako sa ending. sorry sorry. Pwede bang ito na lang ending? wala naman kasing happy ending in real life eh. (BITTER ang peg ko)
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...