Bitter 14

365 14 3
                                    

“Kamusta?” tanong ko kay Crey na galing sa workshop. Limang linggo na siyang umaatend at araw-araw naming naririnig ang pagpa-practice niya sa kwarto. After daw kasi ng mga sessions nila ay magp-perform sila. 

Nakangiti naman siyang sumagot ng “Great”.

October na ay wala pa rin akong nakukuhang matinong trabaho. Actually, part-time lang ang nakuha ko, sa Jobilee. Anghirap na talagang makakuha ng trabaho sa Pilipinas ngayon lalo pa pag ang course mo ay nursing.

Bukas ay pupunta na naman dito si Edward para sa Baguio trip namin. Nagpaalam muna ako sa boss ko, buti mabait. Two days lang naman eh.

*kinabukasan

Sakay ng van ni Edward, maaga kaming bumyahe papuntang Baguio. Katabi niya si Crey habang katabi ko naman yung dalawa kong kapatid. Yung mag-ama, nasa likod. Nagpilit kasing sumama so pumayag na lang kami basta mag-aambag sila. Kami kasi, libre ni Crey.

Nagrent muna kami ng kwarto bago gumala.

Pumunta kaming Mines View park, Burnham park, tapos sa the Mansion. Sumilip lang kami tapos bumaba na kami para mag-horse back riding.

Kumapit si Crey sa braso ni Edward at umiling.

“Kaya mo yan.”

“Samahan mo ko.”

Umiling ito at inalalayan siya paakyat.

“Wag mong tatarayan yung kabayo ah, baka ihagis ka.”

Lalong nag-panic si Crey, pero maya-maya ay naglalakad na ng maayos ang kabayo. Kinuhaan siya ni Edward ng picture.

“Ang-cute naman… ng kabayo,” sabi nito sabay tawa.

Pati kami ng mga bata ay naghorse back riding. Binatukan ni Crey si Mencio nang sabihing gusto niyang mag-photoshoot na parang model ng 'white castle'. Malanding bakla!

Sunod naming pinuntahan ay strawberry field. Mas mura daw kasi pag dun mismo bibili. Kami mismo ang pumitas ng mga strawberries. Nakakatuwa.

“O, tikim,” sabi ni Edward sabay subo kay Crey ng strawberry.

Hindi naman maipinta ang mukha ni kapatid nang nguyain ang prutas. Tapos biglang dinura.

“Pwe! Ang-asim."

“Ano bang ine-expect mo? Mapait?”

“Hindi. Bakit yung mga strawberry flavors na pagkain…”

“Kaya nga flavor lang eh. Tsk. Buti hindi tayo bumili ng marami.”

 Bumyahe na kami pauwi, namamapak pa rin kami ng strawberries.

“Na-disappoint ako sa lasa niya,” nakasimangot na sabi ni Crey.

“Ganyan talaga. Minsan yung matagal mo nang pinapangarap ay hindi pala katulad ng ineexpect mo. At malalaman mo lang kapag nasubukan mo na.”

“So dapat subukan kong maging girlfriend ni DK bago-“

“Shut up, Crey!” sabi ko.

“Nasubukan mo nang mahalin si DK at hindi naging maganda ang resulta. So you have to let go para makaexplore ng ibang bagay.”

“Talagang explore ha?” sabi ko.

“Yep. Isipin mo na lang Crey na yung ginawa mong pagho-hold on para kay DK ay parang ginawa mong breakfast, lunch at dinner ang strawberry. Nabubuhay ka sa ilusyon na masarap ito kahit ayaw mo naman na talaga.”

“WOW, lalim.”

“Paano kung mahal pala niya ako dati…”

“Oo nga,” sabi ni Edward na parang normal lang ang topic.

“Paano kung kapag wala palang Amanda, ako ang liligawan niya…”

“Oo nga.”

“Paano kung kaya pala niya niligawan si Amanda kasi akala niya hindi ko siya gusto…”

“Paano kung totoo lahat yan at wala ka nang magagawa kasi tapos na at wala kang ginawa noon?” tanong ni Edward. “Paano kung nasalubong mo na pala o nakabangga yung taong para sayo pero busy ka sa kakaisip kay DK kaya nalampasan ka na niya?”

Katahimikan.

“Hindi naman kasi talaga pwedeng lagi kang masaya,” sabi ni Crey.

“Pero hindi rin tamang lagi kang maging malungkot…” sabi ni Edward, “dahil sa isang taong minahal mo ng walong taon na hindi ka naman pinahalagahan.”

“Hindi mo siya-“

“Kung sakaling totoo ang mga sinabi mo, na baka ikaw talaga ang gusto niya at hindi si Amanda, pwes duwag siya.” Napalingon si Crey sa kanya. “Anong hinihintay niya? Ikaw yung unang umamin? Kung ganun pala, eh mas okay na nga na hindi siya ang makatuluyan mo.”

“Anong gagawin ko?” mahina at halos paulit-ulit nang tanong ni Crey.

“Forget and forgive. Forget him, and forgive yourself…”

Hindi na sumagot si Crey. Nakita ko sa salamin na sinilip pa ni Edward ang reaksyon ni Crey, mukhang nag-aalala. Meron pa palang ganitong lalaki. 

Ang-cute nilang panoorin. Parang nasa pelikula.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon