Sabado na naman. Gugulo na naman ang mundo ko dahil dalawang bata ang nandito, walang pasok si Mencio.
“Hi!” masiglang bati ni Edward. Kulang na lang tumira na dito.
“Wala kang pasok?”
“Meron. Mamaya pa. Nasan si Crey?”
“Present,” sabi nito. “Nambubulabog ka na naman. Nasan yung sidekick mo?”
“Uuy,nami-miss si Jerry. Siya ang may pasok ngayon. Kay Jairus ko muna pinaasikaso yung ibang papeles.”
“Grabe to, pinapahirapan si Sir Jairus.”
Pumasok na ito sa loob at nakiupo. “Bakit yung assistant ko tinatawag mong sir?”
“Mas kagalang-galang kasi eh,” sabi ni Crey sabay tawa.
Wow, napapadalas na ang pagtawa niya. Good.
“Bilisan mong kumain. Nandito ba si Mencio?”
“Hello po kuya Edward,” sabi ng malanding bakla.
“Hello, gusto mo bang pumunta sa Star?”
Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. “Anong trip to Edward?”
“Sabi mo kasi gusto mong makarating sa Star.” Taas-kilay lang si kapatid.
Nagpunta nga kami sa Star… City.
“Nakapunta na ako dito eh,” reklamo ni Crey.
“See? Minsan nakamit mo na pala yung pangarap mo nang hindi mo nalalaman. Parang yung sinasabi nila na nasa harap mo na, naghahanap ka pa,” sabi ni Edward na nakalingon pa kay Crey.
Grabe, bagay sila. Alam kong walang malisya yung pagkakasabi nun ni Edward pero parang gusto kong bigyan ng meaning. Haaayy…
“Star as in star. Hindi ito.”
“Kapag isang star lang ang pinuntahan mo, walang fun. Mas masaya pag marami, kaya dito tayo sa Star City!” sigaw pa nito.
Mas masaya sana kung wala akong bitbit na mga bata. Akala ko pa naman feeling dalaga pa ko dahil wala akong anak pero ngayon, hay! Para akong yaya ng dalawang pasaway na bata.
Hindi ko alam kung nakailan kaming rides basta marami. Lahat, sagot ni Crey. Wala naman siyang palag kay Edward eh.
Nakikita ko namang masaya si Crey kaya okay lang. Nakaupo kami ngayon habang hinihintay makababa ng carousel si Mencio. Malandi talaga.
“Oo nga pala, may bibigay ako sayo,” sabi ni Edward at may inabot na parang pamphlet kay Crey.
Theatre Acting Workshop
At Nora’s Studio
Kunot-noo pero nakangiting humarap si kapatid dito. “Magkano naman to?”
“May registration fee. Pero limited edition yan kaya inabonohan ko na muna nung makita ko. Pay me later.”
“Yang hotdog at juice na ang bayad ko.”
“Tapos per week ang session. Once a week lang yan at hapon kaya makakaattend ka.” Tinitigan lang ni Crey ang pamphlet nang nakangiti. “Kelan ang next mong day-off?” tanong ni Edward habang kumakain ng hotdog sandwich.
“Sa isang linggo pa. Thursday. Bakit?”
“Dadagdagan ko ng three days yung day-off mo.”
“Bakit na naman? Baka naman buminggo na ko kay Sir Jacinto niyan ah.”
Sir Jacinto yata yung may-ari ng company na pinagtatrabahuhan nila.
“Hindi, ako bahala. Pupunta tayong Baguio.”
“Baguio?” sabay naming sabi.
“Oo, dun may strawberries at kabayo di ba?”
“Hmm, bahala ka,” sagot ni Crey sabay subo ng hotdog.
“Sama ka ate.”
“Walang magbabantay ng bahay eh.”
“Ay ganun? Kelan ba ang sem break nina Mencio? Meron ba sila nun?” tanong ni Edward sa akin.
“Oo, gaya-gaya na ngayon ang hisgh school sa college. May pasembreak-sembreak na rin. Sa October 23 yata. Mga isang linggo din yun.”
“Okay, ika-cancel ko yung day-off mo next week para ilipat sa sem break nina Mencio.”
“Teka, teka. Bakit?”
“Para makasama sila. Trust me with this Crey. Tsaka marami ka ngang day-off na hindi nagamit di ba kahit yung noon pa? Pag pinagsama-sama mo yung mga yun ay baka isang buwan na. Pero syempre hindi pwedeng gamitin ng diretso yung mga day-off na yun.”
“At saan naman pupunta?”
“Sa Baguio, then sa Palawan…”
“Palawan? Ang-gastos mo naman!”
“Sige, edi Baguio muna.”
“Grabe talga- Aw!”
“Bakit?” tanong namin kay Crey na hawak ang bibig. “Nakagat ko dila ko. Aray.”
“Ah! May nakaalala sayo. Bigay ka ng number,” sabi ni Edward sa akin.
“Four.” Huli na ng maisip ko ang… naiisip ko. Hehe.
“Four? A, B, C… D.”
Nanlaki ang mga mata ni Crey. Patay. Assumera na naman.
“D? Baka naalala ako ni DK.”
“Shut up Lucresia!” sabi ko. “Don’t spoil this day, utang na loob.”
“Oo nga pala, sorry kung natarayan ko kayo this past few days-“ sabi ni kapatid. Himala ah, nag-sorry.
“Tinatarayan mo na kami this past few years so sanay na kami,” sagot ko.
“Hindi, meron kasi ako, so I’m blaiming my hormones. Hehe.”
Ngumiti lang si Edward. Yun na naman yung titigan nila.
Malapit na magdilim nang makauwi kami. Si Edward naman ay umuwi na rin, tuluyan nang hindi nakapasok. Nagulat kami nang bumukas ang pinto ng bahay bago pa kami makapasok.
“Feli,” sabi ni Darwin, asawa ko. Biglang may lumabas din na maliit na bata. Mga two years old yata. “A-I can explain.”
“Kahit naman hindi na. Nababasa ko na sa reaksyon mo eh.”
Pero pinaliwanag pa rin niya. Anak niya sa ibang babae yung bata. Namatay yung babae sa ibang bansa, nasagasaan. May ibang pamilya din pala yung babae at yun ang kumuha ng bangkay. Pero yung bata, sa kanya binigay. Sabi ko nga di ba, hindi na ko magugulat kung mangyari to. Ayun, mas nagulat pa ko na bumalik siya sa akin.
“Ano? Gagawin mong alalay ng anak mo ang ate ko?” syempre nagtaray na naman ang kapatid ko.
“Hey, hinay-hinay lang ang pagtataray, umakyat ka na muna,” sabi ko rito. Tapos na nga pala yung kwarto niya, maayos na at malinis.
Anyways, to make the long story short dahil hindi naman ako ang bida dito, tinanggap ko pa rin siya sa isang kondisyon. Magta-trabaho na ako. Siya naman ang house-husband. Aba, dapat may magawa din naman ako sa buhay. Baka maging bitter din ako pag nag-reunion kami ng mga friends ko at makitang successful na sila. Eh ako? Wala na ngang anak, wala pang trabaho.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Bitter
RomanceBabasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabida ay iisa? Kung hindi masyadong romantic dahil hindi sweet ang babae dahil ginawa niyang vitamins ang ampalaya? Kaya tandaan..... Ang Ampala...