Prologue

18.5K 374 15
                                    


Sa mga bumabasa nito, uunahan ko na kayo. Hindi ako ang tipong babae na sobrang ganda na parang diwata, at hindi ako matalino na parang si Einstein. At oo nga pala, mabait ako pero hindi sobra na pwede nang pagtripan. Baka kasi isipin niyo na ninuno ko si Cinderella na inaapi-api ng mga step-sister niya.


Ay hindi!


Hindi ako papayag!


Kung ako siya, baka sila pa paglinisin ko ng dumi ng mga hayop!


Sa madaling salita, isa akong karaniwang dalagang Filipina na may normal na pamilya, normal na mga kaibigan, at normal na buhay.


Yes, life is great.


Pero, hindi lahat ng gusto mo masusunod. Sabi nga nila diba, God has something great in your future. Pero ang ibig sabihin sa kinakatayuan ko ngayon ay 'something great'? Kasi ang nakikita 'ko ngayon ay puro Louis Vuitton, Hermes, Gucci, Chanel, Armani, Prada, Tiffany & Co. Hell I could go on forever!


Hoy! Kung iniisip niyo na mayaman ako at pinapalibutan 'ko ang sarili 'ko sa mga bonggang brands na 'yan, nagkakamali kayo! At kahit kailan hindi ko hiningil kay Lord na magkaroon ng mga ganitong bagay.


Ikakamatay 'ko lang 'yan sa Quiapo.


So ano ang problema?


Ako.


Ako ang problema.


Ako ang out of place.


Ako lang ang normal na tao dito sa "sea of aliens".


Mali pala, mga SOSYAL na aliens.


Teka muna, salita ng salita ako dito pero hindi ninyo pala alam kung nasaan ako at paano sa isang katulad ko napadpad sa isang bilanguan na 'to.


O sige na nga, kwento ko na ang storya ko.


Ang storya na "cliché" kumbaga.


Of course, lahat niyan ay may simula, at habang hinihintay 'ko ang guro namin at para na rin hindi ako mairita sa dalawang babae sa harapan 'ko na iniiyakan ang isang pirasong split-end, ikikwento 'ko na.


"Sacrebleu! Ma cheveux! Ma hair!"


Kakalbuhin na kita dyan!


Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon